Ang Amblyopia ay kadalasan na tinutukoy bilang “lazy eye”. Isa itong karaniwang kondisyon sa mga sanggol at bata. Ano ang lazy eye? Ano ang mga sanhi ng lazy eye sa mga bata, at paano ito maitatama?
Amblyopia: Ano ang Lazy Eye?
Ano ang lazy eye? Ang lazy eye o amblyopia ay nangyayari kung ang mga mata ay nabawasan ng linaw ng paningin dahil hindi ito na-develop nang maayos. Dahil ang mahinang mga mata ay may malabong paningin, ang utak ay “binabalewala” ito sa paglipas ng panahon, natutuhan lang na gumana sa mas malakas na mata. Bagaman, bihira, posible rin para sa amblyopia na makaapekto sa parehong mga mata.
Mas maagang mapagagamot ang iyong anak para sa lazy eye, mas mainam. Ayon sa mga eksperto, ang utak at ang mga mata ay patuloy na natututo na parehong magtrabaho mula sa edad na 1 hanggang 7. Kaya’t kung gagamutin mo ang amblyopia habang nasa stage na ito, ang tsansa na siya ay magkaroon ng normal na paningin ay tataas.
Ano ang Lazy Eye? Mga Sanhi ng lazy eye sa mga bata
Ang amblyopia ay maaaring mag-develop dahil sa mga eye-related na problema tulad ng:
Strabismus
Ang strabismus ay kadalasan na tinatawag nating “duling” o “banlag” ay nangyayari kung ang mga mata ay hindi parehong nagtatrabaho. Sa madaling salita, ang mga mata ay misaligned o hindi “nakatingin” sa parehong direksyon.
Kung ang isang mata ay nakapokus nang diretso habang ang isang mata ay gumagalaw sa kaliwa, kanan, taas, o baba, ang misaligned na mata ay ang kadalasang mahina. Sa paglipas ng panahon, ang utak ay binabalewala ang mga larawan na ipinapasa ng mas mahina at lumilihis na mata, kaya ito tinawag na lazy.
Tandaan: Ang ibang mga tao ay napagbabaligtad ang lazy eye at strabismus, ngunit pakiusap na tandaan na hindi sila pareho.
Refractive errors
Isa pang posibleng sanhi ng lazy eye sa mga bata ay ang refractive error, na nangyayari kung ang mga mata ay hindi tamang nag-bend ng ilaw, na nagiging sanhi ng malabong paningin. Kung isa sa mga mata ay nakararanas ng mas malalang refractive error, maaari itong maging amblyopic.
Ang mga bata ay maaaring makaranas ng kahit na anong uri ng refractive errors sa mga sumusunod:
- Myopia o nearsightedness, kung hindi sila nakakikita nang malinaw, maliban kung ang bagay ay malapit sa kanilang mga mata.
- Hyperopia o farsightedness, kung hindi sila nakakikita nang malinaw maliban kung ang bagay ay malayo sa kanilang mga mata.
- Astigmatism, kung nakakikita sila ng malabong mga larawan.