Ang Conduct disorder (CD) ay tumutukoy sa isang hanay ng mga problema sa pag-iisip na patukoy sa pattern ng emosyonal at asal sa mga bata at kabataan. Sa isang sulyap, ang mga batang may ganitong kondisyon ay maaaring magmukhang agresibo, masuwayin, at walang galang; gayunpaman, mangyaring tandaan na ang CD ay isang isyu sa kalusugan ng isip; kaya’t ang mga magulang at mga propesyonal sa kalusugan ng isip ay kailangang mamagitan. Ano ang mga sintomas ng isang conduct disorder sa mga bata?
Ang Mga Sintomas ng Conduct Disorder sa mga Bata
Ayon sa American Academy of Child & Adolescent Psychiatry (AACAP), ang isang taong may CD ay maaaring:
Magpakita ng pagsalakay sa mga tao at hayop
Ibig sabihin, maari silang:
- manakot, mang-aapi, o magbanta sa kanilang mga kasamahan
- Magsimula ng mga pisikal na away. Bukod dito, maaari silang gumamit ng mga bagay bilang “sandata” para makapanakit ng iba
- Matuwa sa pagiging masama sa iba
- Sapilitang kunin ang mga bagay mula sa mga kaibigan habang kinukompronta sila
- Sapilitang isali ang isang tao sa sekswal na aktibidad
- Maging malupit sa mga hayop
Manira o mangwasak ng ari-arian
Nangangahulugan ito na maaari nila:
- Sunugin ang mga ari-arian upang magdulot ng pinsala
- Sadyain manira ng mga ari-arian ng iba (hal., bandalismo)
Maging mapanlinlang, magsinungaling, o magnakaw
Nangangahulugan ito na maaaring sila:
- Pumasok sa bahay, kotse, o ari-arian ng ibang tao
- Magsinungaling para maiwasan ang obligasyon o makakuha ng pabor
- Palihim na kumuha ng mga bagay nang walang komprontasyon (hal., pagnanakaw)
Sumuway sa mga magulang o lumalabag sa mga patakaran.
Nangangahulugan ito na maaaring sila:
- Manatiling nasa labas buong gabi sa kabila ng pagtutol ng magulang
- Tumakas sa bahay o maglayas
Mga Paalala sa Mga Sintomas ng Conduct Disorder sa mga Bata
Kung mapapansin mo, ang mga palatandaan ng CD ay higit pa sa karaniwang pagsuway sa pagkabata at paghihimagsik ng kabataan. Gayunpaman, ang mga tao sa paligid ng bata o tinedyer ay may posibilidad na tratuhin sila na parang ginagawa nila ang mga bagay nang sinasadya kaysa tratuhin sila bilang isang taong may kondisyon sa kalusugan ng isip. Ginagawa nitong mas komplikado at nagpapatuloy ang sitwasyon dahil hindi natatanggap ng bata ang paggamot na kailangan nila.
Mga Tips sa Pagiging Magulang sa Isang Bata na may Conduct Disorder
Kung sa tingin mo ay may mga sintomas ng CD ang iyong anak, magtakda ng appointment sa isang propesyonal sa kalusugan ng isip. Bukod pa rito, maaari mo ring dalhin ang mga ito sa isang pediatrician na magbibigay sa kanila ng paunang ebalwasyon at gagawa ng mga referral kung kinakailangan. Ang pakikipag-ugnayan sa isang medikal na eksperto ay napakahalaga dahil sila lang ang makakapag-diagnose kung ang iyong anak ay may CD o ibang kondisyon sa pag-uugali.
Bukod dito, karamihan sa mga bata na may mga senyales ng conduct disorder ay nakakaranas din ng iba pang mga alalahanin tulad ng Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder (ADHD), pagkabalisa, Post-traumatic stress disorder (PTSD), at kahirapan sa pag-aaral.
Narito ang ilang mga tips sa pagiging magulang ng isang bata na may CD:
- Siguraduhing dadalo ang iyong anak sa lahat ng check-ups
- Pag-aralan ng Mabuti ang conduct disorder pati na rin ang anumang mga potensyal na problema ng iyong anak.
- Makilahok sa kanilang mga plano sa paggamot, na maaaring kabilang ang therapy ng pamilya. Ang iba pang mga diskarte ay cognitive-behavioral therapy at peer-group therapy. Ang iyong anak ay maaari ring makatanggap ng mga gamot kung mayroon silang ibang kondisyon, tulad ng ADHD.
- Panatilihing bukas ang iyong mga linya ng komunikasyon sa mga tao sa paligid ng iyong anak, tulad ng kanilang mga guro at tagapayo sa paaralan. Kailangan nilang malaman na ang iyong anak ay nangangailangan ng suporta para sa kanilang kalagayan sa kalusugan ng isip.
- Tulungan ang iyong anak o tinedyer na i-regulate ang kanilang mga emosyon at pag-uugali sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na mga tagubilin, pagtatakda ng mga limitasyon, at magandang pag-uugali.
- Panghuli, bumuo ng network ng suporta sa pamamagitan ng pagsali sa mga grupo ng mga magulang na mayroon ding mga anak na may CD.
Mahalagang Tandaan:
Tawagan kaagad ang doktor ng iyong anak kung siya ay:
- Parang hindi na mapigilan
- Nagsisimulang makarinig ng mga boses na hindi naririnig ng iba
- Nakakaramdam ng matinding takot, pagkabalisa, o galit sa kanilang sarili o sa iba
- Mukhang depressed
- Hindi makatulog ng 3 araw na sunod-sunod
Kung mapapansin mo na ang iyong anak ay may naiisip na magpakamatay, huwag na huwag silang pababayaan hanggang sa masuri at mapangasiwaan ang sitwasyon.
Maiiwasan Mo ba ang Conduct Disorder?
Ayon sa mga eksperto, walang tiyak na paraan para maiwasan ang conduct disorder sa mga bata, lalo na’t hindi pa rin alam ang eksaktong dahilan nito. Upang maiwasan ang panganib ng isang bata na magkaroon ng CD, hinihikayat ng mga eksperto ang isang positibong relasyon ng magulang at anak.
Higit pa rito, binibigyang-diin nila na ang mga traumatikong karanasan, pang-aabuso o pagpapabaya sa pagkabata, pinsala sa utak, mga genetic na kadahilanan, at maging ang pagkabigo sa paaralan ay maaaring mag-ambag sa paglala ng CD.
Pangunahing Konklusyon
Ang mga senyales ng isang disorder sa pag-uugali sa mga bata ay maaaring magmukhang masyadong marahas o suwail ang bata o tinedyer, ngunit talagang kailangan nila ng tulong dahil ang CD ay isang kondisyon sa kalusugan ng isip. Ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos ay ang makipag-ugnayan sa isang doktor.
Matuto pa tungkol sa Behavioral and Developmental Disorders dito.