Nangyayari ang speech disorder sa bata kapag nagkakaroon siya ng problema sa paglikha ng mga tunog ka kinakailangan upang makipag-usap verbally. Dapat malaman na may ilang mga uri ng speech disorders. Alamin natin ang mga ito dito.
Mga Uri ng Speech Disorder sa Bata: Childhood Apraxia of Speech
Una sa mga uri ng speech disorder ay ang childhood apraxia of speech (CAS).
Kapag ang isang bata ay may CAS, nahihirapan siyang igalaw ang mga muscle na responsable para sa pagsasalita (panga, labi, dila, atbp.). At dahil hindi niya mai-pwesto o maigalaw ng maayos ang kanilang muscles, hindi niya kaya o nahihirapan siyang makagawa ng accurate na mga tunog na binibigkas sa normal na ritmo o bilis.
Maaaring magsimulang mapansin ng mga magulang ang signs ng CAS sa pagitan ng 18 buwan at 2 taon. Kabilang sa mga ito ang:
- Pagkaantala ng mga unang salita
- Limitadong bilang ng mga binigkas na salita
- Ang kakayahang magsalita ng kaunting patinig o katinig na tunog
- Hindi magkatugmang mga pagkakamali sa mga katinig at patinig sa paulit-ulit na paggawa ng mga pantig o salita (halimbawa, iba ang pagsasabi ng isang bata sa parehong salita sa tuwing sinusubukan nilang gawin ito)
- Hindi angkop na intonasyon at diin sa paggawa ng salita/parirala
Speech Sound Disorder
Ang isa pang uri ng speech disorder sa mga bata ay speech sound disorder.
Sinasabi ng mga eksperto na sa edad na 4 hanggang 8, karamihan sa mga bata ay natutong makabisado ang lahat ng mga tunog na kailangan nila upang mabigkas nang tama ang mga salita. Oo naman, maaari silang magkamali habang nag-aaral, ngunit sa kalaunan ay makukuha nila ang pagbigkas nang tama sa pagsasanay.
Kapag ang isang bata ay may speech sound disorder, maaaring nahihirapan siya sa pagbigkas ng ilang partikular na tunog, tulad ng “sh” o “th.” Tinatawag itong articulation disorder.
Ang speech sound disorder ay maaari ding mangahulugan na sila ay gumawa ng isang pattern ng mga pagkakamali sa tunog, tulad ng hindi pagbigkas ng isang titik. Partikular na tinutukoy ito ng mga eksperto na isang phonological process disorder.
Para sa konteksto, isaalang-alang ang “th” na tunog sa salitang “thank you.”
Sinasabi ng mga eksperto na karamihan sa mga 3 hanggang 4 na taong gulang ay magagawang bigkasin ito ng tama. Habang nag-aaral, maaari nilang palitan ang “th” na tunog ng “f” na tunog. Ngunit kung magpapatuloy ang problema, ang bata ay maaaring magkaroon ng speech sound disorder.
Dysarthria
Ang susunod sa mga uri ng speech disorder sa bata ay ang dysarthria. Isa itong kondisyon mula sa kahinaan ng speech muscles dahil sa brain damage.
Kung minsan ang “kahinaan” ay nagiging isang kakulangan ng koordinasyon at paralisis ng mga labi, dila, panlasa, larynx, at panga. Dahil dito, ang dysarthria ay maaaring makaapekto hindi lamang sa artikulasyon at ritmo ng pagsasalita kundi pati na rin sa paghinga.
- Hirap sa pagkontrol ng speech volume
- Bulol magsalita
- Mabagal magsalita
- Nasal, breathy, o paos ang voice quality
- Nagsasalita nang may sobrang effort dahil sa kawalan ng kontrol sa paghinga