backup og meta

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Kadalasan, iniuugnay natin ang eating disorders sa mga kababaihan, ngunit alam mo bang maaari rin itong makaapekto sa mga bata? Ang eating disorders ay tumutukoy sa mga alalahanin sa paraan ng pagkain ng mga tao. Ang mga hindi pangkaraniwang gawi sa pagkain ay hindi lamang nakaiimpluwensya sa pisikal na kalusugan ng bata ngunit nakaaapekto rin sa kanilang mga emosyon at relasyon. Ano ang mga karaniwang eating disorder ng bata, at paano maaaring makatulong ang mga magulang? Alamin sa artikulong ito.

Mga Dahilan Ng Eating Disorder

Anorexia Nervosa

Kasama sa mga eating disorder ng bata ang anorexia nervosa o, anorexia.

Ang mga batang may anorexia ay may mga sintomas na tumutukoy sa “paggutom sa sarili.” Sa madaling salita, maaaring mapansin ng mga magulang na hindi kumakain ang kanilang anak kung kailan sila dapat kumain. Kasama sa iba pang mga sintomas ang:

  • Mababang timbang; kadalasan, ang kanilang timbang ay mas mababa sa 85% ng normal na timbang para sa kanilang edad at taas.
  • Mga hindi pangkaraniwang gawi sa pagkain, tulad ng paggamit ng kutsara at tinidor sa pagkain ng mga pasas, pagbibigay ng masyadong atensyon sa paghahanda ng pagkain, atbp.
  • Matinding pag-aalala sa pagtaas ng timbang
  • Hindi magandang pagtingin sa katawan; naniniwala silang sila ay mataba kahit na sila ay kulang sa timbang.
  • Pagtanggi na sila ay nagugutom
  • Para sa mga nagdadalaga, kawalan ng 3 magkakasunod na cycle ng regla

Ang eating disorder ng bata ay madalas na nagreresulta sa iba pang mga pisikal na sintomas. Sa kaso ng anorexia, ang kakulangan sa calories at nutrients sa katawan ay maaaring humantong sa dehydration, tuyong balat, pagtitibi, at pagkapagod.

Bulimia Nervosa

Kasama rin sa eating disorder ng bata ang bulimia nervosa o bulimia.

May dalawang natatanging gawi sa pagkain ang mga batang may bulimia: binge eating at purging. Nangyayari ang binge eating kapag ang bata ay kumakain ng maraming pagkain sa isang partikular na pagkakataon (karaniwang wala pang 2 oras ang pagitan). Ang purging ay tumutukoy sa paraan ng pag-compensate nila sa labis na kinain, tulad ng pagpilit sa kanilang sarili na sumuka.

Ang iba pang mga senyales at sintomas ng bulimia ay ang mga sumusunod:

  • Madalas na pagsisikreto ng binge eating at purging
  • Normal o mababang timbang, ngunit madalas, nakikita nila ang kanilang sarili bilang sobra sa timbang
  • Labis na pisikal na aktibidad
  • Labis na fasting
  • Kawalan ng kasiyahan sa imahe ng kanilang katawan
  • Sugat o pangangati sa likod ng ngala-ngala dahil sa ugali ng sapilitang pagsuka
  • Hindi regular o hindi pagkakaroon ng regla para sa mga nagdadalaga

Binge Eating Disorder

Kasunod sa listahan ng eating disorder ng bata ay ang binge eating.

Ang kondisyong ito ay katulad ng bulimia. Ito ay dahil ang mga bata ay madalas na kumakain ng maraming pagkain sa maikling panahon. Karaniwan, ginagawa nila ito nang palihim, upang hindi malalaman ng iba kung gaano karami ang kanilang kinakain.

Ang pagkakaiba ay ang mga batang may binge-eating disorder ay hindi nagko-compensate para sa labis na pagkain. Hindi nila pinipilit ang kanilang sarili na sumuka, at hindi rin sila labis na nagsasagawa ng mga regular na pisikal na aktibidad.

Ang iba pang mga senyales at sintomas ay kinabibilangan ng:

  • Pagkain ng maraming pagkain kahit na hindi sila nagugutom
  • Pakiramdam na guilty pagkatapos ng binge eating
  • Pagtaas ng timbang o pagiging overweight

Kung ang iyong anak ay labis na kumakain nang hindi bababa sa isang beses sa isang linggo sa loob ng 3 buwan, siya ay maaaring magkaroon ng binge-eating disorder.

Avoidant Restrictive Food Intake Disorder (ARFID)

At ang huli sa eating disorders ng bata ay ang avoidant restrictive food intake disorder o ARFID.

Ang batang may ARFID ay kadalasang walang konsepto ng hindi magandang katawan at hindi natatakot na madagdagan ng timbang. Gayunpaman, hindi sila nagpapakita ng interes sa pagkain at iniiwasan nila ito. Iba-iba ang mga dahilan ng kanilang pag-iwas, ngunit maaaring ito ay dahil sa:

  • Hindi nila gusto ang amoy, lasa, kulay, o texture ng pagkain
  • Natatakot silang mabulunan ng pagkain

Paano Makatutulong Ang Mga Magulang?

Kailangang dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pediatrician kung sakaling maobserbahan nila ang mga senyales ng eating disorders sa kanila. Ito ay dahil ang isang eating disorder ay isang seryosong problema sa kalusugang pangkaisipan na nangangailangan ng medikal na atensyon.

Higit pa rito, ang hindi makontrol na eating disorder ng bata ay maaaring negatibong makaapekto sa kanyang pisikal at emosyonal na kalusugan. Halimbawa, ang anorexia ay maaaring humantong sa mga problema sa puso tulad ng arrhythmias at mababang presyon ng dugo. Sa kabilang banda, ang mga batang may bulimia ay maaaring magkaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili at kalaunan ay maisip nilang saktan ang kanilang sarili.

Key Takeaways

Ang eating disorder ng bata ay malubhang problema sa kalusugang pangkaisipan na nangangailangan ng agarang interbensyong medikal. Kapag hindi natugunan, maaari itong humantong sa iba’t ibang mga pisikal at emosyonal na komplikasyon.
Bagama’t wala pa ring paraan upang maiwasan ang eating disorders, ang maagang pag-diagnose at pagkontrol ay maaaring lubhang makabawas ang kalubhaan ng mga sintomas.

Matuto pa tungkol sa Behavioral at Developmental Disorders dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Identification and Management of Eating Disorders in Children and Adolescents, https://pediatrics.aappublications.org/content/147/1/e2020040279, Accessed February 18, 2021

Pediatric Eating Disorders, https://childrensnational.org/visit/conditions-and-treatments/mental-health-behavioral-disorders/eating-disorders, Accessed February 18, 2021

Eating Disorder Symptoms & Causes, https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/e/eating-disorder/symptoms-and-causes, Accessed February 18, 2021

Eating Disorders, https://kidshealth.org/en/parents/eating-disorders.html, Accessed February 18, 2021

Anorexia Nervosa in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anorexia-nervosa-in-children-90-P02554&sid=, Accessed February 18, 2021

Bulimia Nervosa in Children, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=bulimia-nervosa-in-children-90-P01592&sid=, Accessed February 18, 2021

Kasalukuyang Version

04/29/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Childhood Emotional Neglect? Alamin Dito

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement