Mahirap at napakamapanghamon ang buhay ng isang magulang. Ngunit maaaring mas mahirap ito kung may autism ang iyong anak. Behavior-wise, mas mapanghamon ang pag-aalaga sa mga anak na may autism, at kailangan ng mga magulang ng tulong sa pagsagot sa ilang mga tanong. Paano mo susuportahan ang batang may autism? Ano ang hindi mo dapat gawin sa batang may autism?
Ang susi para matulungan ang iyong mga anak ay ang pag-unawa muna sa kanilang kondisyon at bakit sila ganito kumilos. Maaari mong magawa ito sa pamamagitan ng paghingi ng medikal na payo at kaalaman kung paano wastong gagabayan ang iyong anak.
Bakit iba kung kumilos ang mga batang may autism?
Karamihan sa mga batang may autism ay maaaring madalas tumanggi o hindi pumansin sa hiling ng mga magulang na gawin nila. Sa mga pagtitipon at pampublikong lugar, maaaring mangyari ang hindi tamang pagkilos. Tulad na lang ng paghuhubad ng damit, o pagiging agresibo nang tila walang dahilan. Maaari itong mauwi sa hindi sinasadyang pinsala sa sarili.
Nagdudulot ang autism ng hirap sa pag-unawa sa mundo, na siyempre pa, maaaring mauwi sa pagiging frustrated o pagkatakot ng bata. Sa mga dahilan kung bakit ganoon ang tugon ng mga bata ay dahil sa:
- Missing communication cues
- Nahihirapang sabihin o ipakita ang gusto at kailangan
- Overwhelming sensory activities
- Hindi naibibigay na expectations
- Sobrang pagkapagod
Ano ang hindi dapat gawin sa batang may autism? Mga dapat at hindi dapat
Ano ang dapat at hindi dapat gawin sa batang may autism? Narito ang ilang mga hakbang na maaaring makatulong sa iyo sa pagiging mas mabuting magulang sa iyong anak na may autism.
Baby Steps
Gawin: Magpokus sa isang bagay muna. Kung sinusubukan mong itama o kontrolin ang ikinikilos ng iyong anak na may autism lalo na sa pampublikong lugar, mas mainam kung pag-usapan ito one by one upang hindi mabigla o ma-overwhelmed ang bata.
Huwag Gawin: Tambakan ng responsibilidad ang bata. Magdudulot ito ng pagkabigla sa bata.
Mga Pagbabago
Gawin: Gumawa ng maliliit na pagbabago hangga’t makakaya. Kung may predictable kang routine araw-araw, gawin lang ito. Baguhin ang routine kung nakasasama na ito sa iyong anak. Ngunit gawin ito nang dahan-dahan nang hindi sumasama ang loob ng iyong anak.
Huwag Gawin: Huwag gumawa ng mga pabigla-biglang pagbabago. Ang malalaki at bagong bagay ay puwedeng makabigla at makasama ng loob ng iyong anak. Maaari itong magdulot ng lalong hindi pangkaraniwang pag-uugali.
Pakikipag-ugnayan
Gawin: Humingi ng tulong hangga’t kaya. Hindi nalalaman ng mga magulang ang lahat ng bagay sa pamamagitan lamang ng kanilang sarili. Ipinapayong humingi ng tulong mula sa mga professional o kaibigan na may personal na karanasan. Kumonsulta rin sa doktor kung paano haharapin ang ilang partikular na sitwasyon.
Huwag Gawin: Mag-improvise. Isang magandang kasanayan ang improvisation. Ngunit hindi para sa ganitong sitwasyon. Dahil mas nakasusunod ang batang may autism sa routine, nakakainis para sa kanila ang pagpapakilala ng mga bagong bagay na hindi pangkaraniwan, at makasisira sa tsansang makipag-ugnayan pang lalo sa kanila.
Ano ang hindi dapat gawin sa batang may autism: Huwag maging pabago-bago
Lubhang makatutulong sa kanila ang pagkakaroon ng inaasahang regular routine.
Medyo mas sensitibo sa mundo at sa lahat ng bagay ang mga batang may autism. Hindi nila ito kasalanan at hindi natin sila masisisi dito. Ang puwede nating gawin ay mahalin at suportahan sila sa kanilang buong buhay. Tulungan din silang mapaunlad ang sarili na maging mas mabuti at masayang tao.
Key Takeaways
Matuto nang higit pa tungkol sa Behavioral and Developmental Disorders dito.