backup og meta

Bakit Mahalaga Ang Bakuna Sa Polio Para Maiwasan Ang Pagkalumpo?

Bakit Mahalaga Ang Bakuna Sa Polio Para Maiwasan Ang Pagkalumpo?

Isang nakakapinsala at nakamamatay na sakit ang ang polio o poliomyelitis. Ang sakit na ito ay dulot ng poliovirus na nakakaapekto sa mga ugat o nerves sa spinal cord o brain stem. Kapag ang isang indibidwal ay nagka-polio, maaaring humantong siya sa kawalan ng kakayahan na maigalaw ang sariling mga paa. Ang ganitong kondisyon sa katawan ay tinatawag ring paralisis. Kung saan, pwede itong humantong sa mga problema sa paghinga at kamatayan. 

Ayon sa mga doktor at pag-aaral, ang poliovirus ay kumakalat mula sa pamamagitan ng “person-to-person”. Ang pagkakataon sa virus na ito ay madalas na sanhi bakit nakakaranas ng paralisis ang isang tao. Maaaring mauwi sa pagkalumpo ng isang tao ang pagkakaroon ng polio. Kaya’t napakahalaga ng bakuna para sa polio upang maiwasan ang pagkalumpo.

Ngunit, bago natin alamin ang iba pang dahilan bakit nalulumpo ang isang tao na may polio, tukuyin muna natin ang mga sintomas ng polio.

Sintomas ng polio

Pwedeng magkaroon ng iba’t ibang sintomas ang isang tao na may polio. Ito’y maaaring makita mula sa anyo ng mild flu-like illness gaya ng trangkaso hanggang sa mas malalang sintomas, kabilang ang paralisis. 

Narito pa ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng polio:

  • lagnat
  • sakit o pananakit ng ulo
  • namamagang lalamunan
  • pagsusuka
  • pagkapagod
  • paninigas sa leeg at likod
  • panghihina ng kalamnan o paralisis
  • abnormal reflexes 
  • hirap sa paghinga 
  • pagkawala ng gana

Mahalagang tandaan na hindi lahat ng may polio ay makakaranas ng mga sintomas. Gayunpaman, para sa mga nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit, napakahalaga na humingi kaagad ng medikal na atensyon, dahil ang mga komplikasyon ay maaaring maging malubha at nakakamatay.

3 dahilan bakit nakakalumpo ang poliovirus

Ang poliovirus ay isang “virus” na maaaring umatake sa nervous system ng tao, partikular sa motor neurons na kumokontrol sa mga kalamnan. Kung saan, ang pag-atake ng virus na ito ay humahantong sa panghihina ng kalamnan at paralisis ng isang indibidwal. 

Narito pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit maaaring magdulot ng paralisis o pagkalumpo ang polio: 

  1. Pagkasira ng motor neurons

Sinisira ng poliovirus ang motor neurons sa spinal cord. Mahalaga ang mga neurons na inaatake ng poliovirus, dahil may pananagutan ang mga neurons na ito sa pagpapadala ng mga signal, mula sa utak patungo sa mga kalamnan, na nagpapagana naman sa paggalaw. Kaya sa oras na masira ng virus ang mga neurons na ito, ang mga kalamnan na kinokontrol nila ay nagiging mahina at paralisado. 

  1. Pamamaga sa sistema ng nerbiyos

Ang poliovirus ay maaaring magdulot ng pamamaga sa spinal cord at utak, na pwedeng lalong makapinsala sa motor neurons at iba pang nerve cells. Kung saan, ang inflammation na ito ay pwede ring humantong sa pamamaga, na maaaring maglagay ng presyon sa mga ugat at magdulot ng karagdagang pinsala. 

  1. Immune response

Ayon sa iba’t ibang articulate at pag-aral, ang body’s immune system ay tumutugon sa poliovirus sa pamamagitan ng pag-atake dito. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, pwede ring atakehin ng immune system ang motor neurons, dahil sa napagkakamalang virus ang mga ito. Ito ay maaaring magdulot ng higit pang pinsala sa nervous system at humantong sa paralisis. 

3 Kahalagahan ng bakuna sa polio

Kagaya ng mga nabanggit, ang polio ay isang lubhang nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa dumi o laway ng isang taong nahawahan. Maaari itong magdulot ng paralisis at maging kamatayan. Gayunpaman, napatunayang napakabisa ng mga bakuna sa polio para maiwasan ito.

Narito ang ilan sa mga dahilan bakit mahalaga ang bakuna sa polio upang maging ligtas ka at ang iyong mahal sa buhay:

  1. Proteksyon laban sa sakit 

Ang mga bakuna ay naglalaman ng “weakened” o patay na anyo ng virus na nagdudulot ng polio. Kapag ang isang tao ay nakatanggap ng bakuna, ang kanilang immune system ay tumutugon sa pamamagitan ng paggawa ng mga antibodies upang labanan ang virus. Nagbibigay ito ng proteksyon laban sa sakit, na ginagawang mas maliit ang posibilidad na sila ay mahawahan. 

  1. Herd immunity

Kapag malaking porsyento ng populasyon ang nabakunahan, lumilikha ito ng herd immunity. Nangangahulugan ito na kahit na ang mga hindi nabakunahan ay mas malamang na hindi mahawahan, dahil ang virus ay hindi madaling kumalat sa populasyon.

  1. Pagpuksa sa sakit

Ang malawakang paggamit ng mga bakuna sa polio ay nagdudulot ng pagpuksa sa sakit. Kung saan, malaki ang naitutulong ng mga pandaigdigang kampanya sa pagbabakuna, sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng polio 

Sa konklusyon, ang mga bakuna sa polio ay napakahalaga para maiwasan ito. Dahil nagbibigay ito ng proteksyon laban sa sakit, lumikha ng herd immunity, at humantong sa malapit na pagpuksa ng sakit. Kaya mahalagang patuloy na hikayatin ang pagbabakuna para masigurado na mananatiling kontrolado ang polio.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Polio, https://www.cdc.gov/polio/what-is-polio/index.htm#:~:text=Polio%2C%20or%20poliomyelitis%2C%20is%20a,move%20parts%20of%20the%20body). Accessed June 2, 2023

Polio, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/polio/symptoms-causes/syc-20376512 Accessed June 2, 2023

Your Child’s Immunizations: Polio Vccine (IPV), https://kidshealth.org/en/parents/polio-vaccine.html Accessed June 2, 2023

Poliomyelitis Vaccine, https://www.msdmanuals.com/professional/infectious-diseases/immunization/poliomyelitis-vaccine Accessed June 2, 2023

The Vaccines, https://polioeradication.org/polio-today/polio-prevention/the-vaccines/ Accessed June 2, 2023

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kumpletong Bakuna ng Bata: Heto ang Dapat Mong Malaman

Checklist Ng Mga Bakuna Sa Bata: Gabay Para Sa Mga Magulang


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement