Naranasan mo na bang manggigil sa isang baby dahil sa kanilang ka-kyutan? ‘Yung tipong gusto mong kurutin ang kanilang mabibilog na pisngi at yakapin sila ng mahigpit? O nanggigil ka na ba sa isang bagay dahil sa sobrang tuwa na makita o mahawakan ito? Sa katunayan, ang ganitong pakiramdam ay kilala sa tawag na “gigil”, isang salita sa Pilipinas na naglalarawan nang hindi mapaglabanan na pagnanasa na yakapin o pisilin ang isang tao at bagay na cute o maganda.
Pero alam mo ba na ang sobrang pagka-kyut o panggigil ng isang tao ay nauugnay sa pagkakaroon ng “cute aggression”. Isang uri ng agresyon na kapag hindi nakontrol ay pwedeng makasama sa isang bagay, hayop, at tao na pinangigilan, na sanhi kaya’t napakahalaga para sa lahat na malaman kung mayroon na ba sila nit0.
Kaya para mas maunawaan kung ano ang gigil at cute aggression, patuloy na basahin ang article na ito.
Ano ang gigil at cute aggression
Ang gigil ay ang isang matinding pakiramdam ng pagnanasa na yakapin, pisilin, o kurutin ang isang tao, hayop, at bagay. Kung saan ang sobrang panggigil o gigil na nararamdaman ay maaaring tawaging “cute aggression”. Isang termino na ginagamit upang ilarawan ang pakiramdam kagustuhan na pisilin, kurutin, o mag-express ng agresyon sa isang bagay na itinuturing nilang cute o kaibig-ibig.
Sa katunayan, ang phenomenon na ito ay pinag-aralan sa sikolohiya at napag-alaman na isang karaniwang reaksyon ng maraming tao. Dagdag pa rito, ang terminong “cute aggression” ay unang nabuo sa isang pag-aaral noong 2013 ng mga mananaliksik sa Yale University.
Natuklasan din sa pag-aaral na kaya nagkakaroon ng matinding panggigil ang ilang mga tao ay dahil sa malakas na emotional response nila sa mga cute stimuli, gaya ng mga sanggol, at cute na hayop. Ang response na ito ay isang paraan ng pag-regulate ng malalakas na emosyon na dulot ng cuteness, at isang paraan din ng pagpapahayag ng pagmamahal at paghanga.
Paano maaaring makasama ang cute aggression?
Bagama’t ang terminong “aggression” sa “cute aggression” ay ginagamit para ilarawan ang panggigil, mahalagang tandaan na ito karaniwang naglalayon na magdulot ng pinsala sa mga cute na bagay, hayop, at tao.
Gayunpaman, sa mga bihirang kaso, maaaring maging mapanganib ito sa iba, lalo na kapag ang isang tao ay nawalan ng kontrol sa kanilang impulses at nagsimulang kumilos ayon sa kanilang mga paghihimok na pisikal na saktan ang isang bagay, hayop, at tao na sa tingin nila ay maganda.
Ang hindi makontrol na pangigigil ay maaaring humantong sa pisikal na pinsala, at partikular na mapanganib ito kung ang taong sinasaktan ay isang bata o isang hayop. Dagdag pa rito, ang cute aggression ay maaari ring maging nakakapinsala kung ito ay nagiging mekanismo ng pagharap sa mga negatibong emosyon o stress. Kung ang isang tao ay umaasa sa cute aggression upang pamahalaan ang kanyang mga emosyon, maaari itong humantong sa isang pattern ng pag-uugali na parehong nakakapinsala sa kanyang sarili at sa iba.
Kailan ako dapat magpatingin sa doktor?
Mahalagang tandaan na habang ang cute aggression ay maaaring isang normal at hindi nakakapinsalang pag-uugali, kung ito ay nagiging problema na o nagdudulot ng pinsala sa iba at sa sarili, ito’y maaaring isang senyales ng isang pinagbabatayan na sikolohikal na isyu at dapat na tugunan sa tulong ng isang mental health professional.
Payo ng mga doktor
Ngayon na maliwanag na sa iyo kung ano ang gigil at cute aggression, dapat mo ring tandaan ang payo ng doktor tungkol sa bagay na ito.
Ayon sa kanila bagama’t na ang cute aggression ay karaniwang hindi naglalayon na magdulot ng pinsala, at karamihan sa mga taong nakakaranas nito ay hindi aktwal na kumikilos ayon sa kanilang impulses, mahalaga pa rin na alalahanin kung paano tayo dapat matamang nakikipag-ugnayan sa mga cute na bagay, hayop, tao upang hindi makapinsal o makasakit.
[embed-health-tool-vaccination-tool]