backup og meta

Filipino Parenting Style: Alin Dito Ang Swak Para Sa Iyong Pamilya?

Filipino Parenting Style: Alin Dito Ang Swak Para Sa Iyong Pamilya?

Kahit sinong magulang ay ninanais na lumaking masaya, successful, at well-adjusted ang kanilang mga anak. At malaking papel ang ginagampanan ng mga magulang upang maisakatuparan ang mga ito. Kung wasto ang pagpapalaki ng magulang sa kanilang anak ay makikita ito sa ugali ng bata paglaki. Dito papasok ang iba’t-ibang uri ng mga Filipino parenting style.

Mga Uri Ng Filipino Parenting Style

Bago natin alamin kung ano ba ang pinakamainam na parenting style, pag-usapan muna natin ang iba’t-ibang uri ng Filipino parenting style. Mayroong apat na uri ng parenting styles: authoritarian, authoritative, permissive, at uninvolved.

Ating pag-usapan ang bawat isa.

Authoritarian

Para sa mga authoritarian na magulang, lahat ng kanilang sabihin ay “batas”. Ang ganitong Filipino parenting style ay naka-focus sa pagiging masunurin ng kanilang mga anak. Para sa ganitong mga magulang, walang lugar pagsuway sa kanilang utos. Ginagamit rin ng mga authoritarian na magulang ang pagpaparusa sa kanilang mga anak upang sila ay sumunod. Ang posibleng epekto nito sa bata ay magiging masunurin sila, pero hindi sila matututong mag-isip para sa sarili, o kaya maging independent. 

Base sa ugali rin ng bata, posible silang mahirapan na mag-isip o kaya magdesisyon para sa kanilang mga sarili. Minsan ay nagiging agresibo rin sila, na nagmumula sa galit nila sa kanilang mga magulang. Dahil sobrang strikto ng mga authoritarian na magulang, natututong magsinungaling ang mga bata upang hindi sila mapagalitan.

Authoritative

Mayroon ring pagkakaparehas ang mga authoritative na magulang sa authoritarian, at ito ay ang pagiging masunurin ng mga anak. Para sa authoritative na magulang, may kapalit kapag hindi sumunod sa utos ang kanilang mga anak. Ngunit ang malaking pinagkaiba ng mga authoritative sa authoritarian ay pinakikinggan rin nila ang kanilang mga anak. Bukod rito, hindi lang parusa, ngunit positive reinforcement ang ginagamit ng authoritative na magulang.

Ang mga bata na pinalaki ng authoritative na magulang ay lumalaki na well-adjusted. Ito ay dahil pinakikinggan sila ng mga magulang nila, kaya’t sila ay nagiging mas confident at kayang magdesisyon para sa sarili nila. Mas nagiging successful ang mga batang pinalaki sa Filipino parenting style na mga authoritative na magulang.

Permissive

Kumpara naman sa dalawang naunang Filipino parenting styles, ang permissive na magulang ay maluwag sa kanilang mga anak. Ngunit hindi naman nito ibig sabihin na walang mga palatuntunin ang ganitong mga magulang. Ang pangunahing pinagkaiba ng mga permissive na magulang kumpara sa iba ay hindi nila napaninindigan ang mga ito. Madalas, naghihigpit lang sila kung malaki ang naging kasalanan ng kanilang anak. At bagama’t may kapalit na parusa ito sa kanilang mga anak, madalas ay hindi rin ito ganoong kabigat.

Mas nakikita ng mga anak ng permissive na magulang na kaibigan ang kanilang mga anak. Bagama’t mabuting bagay ito, nagkukulang sila pagdating sa pagdisiplina at pagkontrol ng masamang ugali ng kanilang mga anak.

Para sa mga batang pinalaki ng ganito, posibleng magkaroon ng mga behavioral problems. Ito ay dahil lumaki silang hindi sumusunod sa mga palatuntunin kaya’t sadyang pasaway sila. Hindi rin mabuti ang decision-making skills ng mga batang ito, at posible silang magkaroon ng self-esteem problems. 

Uninvolved

Ang parenting style naman na ito ay ang kabaliktaran ng mga authoritarian na magulang. Kakaunti lang ang kanilang mga palatuntunin, at halos walang consequence kapag mayroong ginagawang mali ang kanilang mga anak. Bukod dito, kadalasan ring walang alam ang mga magulang sa nangyayari sa buhay ng kanilang mga anak. Dahil dito, hindi rin nila napagsasabihan ang kanilang mga anak kung mayroong ginawang mali ang mga ito. Wala rin silang ginugugol na oras upang intindihin o kaya ay alagaang mabuti ang kanilang mga anak. Bagama’t debatable ang usapin ng best parenting style, sigurading hindi ito kabilang sa mga epektibong Filipino parenting styles.

Ang mga batang pinalaki ng uninvolved na magulang ay kulang sa pag-aaruga at paggabay. Madalas nagkakaroon ng behavioral problems, anxiety, at self-esteem issues ang mga bata na pinalaki sa ganitong paraan. 

Key Takeaways

Ano ba ang best Filipino parenting style? Base sa mga parenting styles na ating napag-usapan, ang authoritative na parenting style ay ang pinaka-balanse sa lahat. Ito ay dahil hindi sila pala-utos, pero nagagabayan nilang mabuti ang kanilang mga anak. Malaki rin ang naitutulong ng kanilang pakikinig, dahil mas nauunawaan nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak. 
Pero huwag kalimutan na wala naman talagang “perpekto” na parenting style. Nakadepende pa rin ito sa maraming bagay, kasama na ang ugali ng bata, ugali ng magulang, at iba pang mga bagay.

Alamin ang tungkol sa Parenting dito

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 The Best Parenting Style for Effective Relationship Building with Your Children, https://www.mentalhelp.net/blogs/the-best-parenting-style-for-effective-relationship-building-with-your-children-part-i/ Accessed July 15, 2021

2 Nine Steps to More Effective Parenting, https://kidshealth.org/en/parents/nine-steps.html Accessed July 15, 2021

3 What’s The Best Way to Discipline My Child, https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/communication-discipline/Pages/Disciplining-Your-Child.aspx Accessed July 15, 2021

4 What’s Your Parenting Style, https://www.greatschools.org/gk/articles/types-of-parenting-styles/ Accessed July 15, 2021

Kasalukuyang Version

03/06/2023

Isinulat ni Sky Abundo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Helicopter Parenting, At Ano Ang Epekto Nito Sa Mga Bata?

Ano Ang Autocratic Parenting, At Paano Ito Ginagawa?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Sky Abundo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement