backup og meta

Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Bata, Ano Nga Ba?

Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Bata, Ano Nga Ba?

Habang hindi pa legal ang divorce sa Pilipinas, ang katotohanan ay nangyayari pa rin ito sa pamamagitan ng annulment o paghihiwalay. Itinuturing ng ilan na ang katatagan ng pamilya ay isang pangunahing isyu sa kalusugan ng publiko para sa mga bata. Itinuturing ng iba na ang paghihiwalay ay hindi nakakapinsala at maaaring maging isang positibong pagbabago. Ito ay totoo lalo na para sa mga kababaihan na may mapang-abusong asawa. At kahit na may debate pa rin sa epekto ng paghihiwalay ng magulang sa bata, ang sikolohiya ay may malinaw na sagot.

Mahalagang tandaan na ang karamihan sa mga bata na ang mga magulang ay naghihiwalay ay walang malinaw na mga problema sa sikolohikal. Ngunit maaari ding kilalanin na maging ang mga kabataan ng mga hiwalay na pamilya ay nag-uulat ng mga masasakit na emosyon at pagtatagpo. Madalas itong nangyayari sa mga kaganapan tulad ng mga graduation, pagtitipon ng pamilya, o mga kasalang dinaluhan ng kanilang mga magulang.

Ang pananaliksik ay nagpapakita sa amin ng data sa pag-unlad ng mga bata na may kaugnayan sa divorce na hindi namin maaaring balewalain. Ang impormasyong ito ay maaaring makatulong sa mga magulang sa pagtiyak na ang mga epekto ng paghihiwalay ng magulang sa mga bata ay minimal kung hindi positibo.

Mga Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Mga Bata: Kahirapan

Ang mga anak ng hiwalay na mga magulang ay mas malamang na mabuhay sa kahirapan, at lumaking nakakaranas ng kanilang sariling pamilya na kawalang-tatag.

Ang isang pag-aaral na inilathala sa Frontiers in Psychology ay nagpapakita na ang paghihiwalay ng magulang ay may malaking negatibong epekto sa kita ng mga pamilya. Pinapataas nito ang posibilidad na bumaba sa linya ng kahirapan.

Ang data na nakalap mula sa 346 na mga bata at kabataan (173 mula sa hiwalay na mga magulang, at 173 mula sa mga magulang na kasal pa) ay nagpapakita na 33.9% ay nagbanggit ng paghihiwalay ng magulang bilang isang ambag  sa pagkahulog sa ilalim ng linya ng kahirapan.

Sikolohikal Na Implikasyon Ng Paghihiwalay 

Ang mga anak na naghiwalay ang magulang ay maaaring magkaroon ng mga hamon sa sikolohikal na pagsasaayos ng kanilang mga sarili. 35.5% ng mga batang ito ay malamang na magkaroon ng pagkabalisa, depresyon, at poot. Maaari rin silang makaramdam ng paranoid o mawalay sa mga ibang tao sa kanilang paligid.

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga anak ng diborsiyadong magulang ay nasa panganib na magkaroon ng klinikal na depresyon. Ang mas nakakabahala ay ang ilang mga tao ay nasa mas mataas na panganib ng mga banta at pagtatangka ng pagpapakamatay. Ang mga problemang ito ay maaaring makaapekto sa mga bata sa lahat ng edad, lalo na sa mga bata sa edad na 11. Gayundin, ayon sa American Academy of Pediatrics, ang mga lalaki ay nasa mas mataas na panganib ng pagpapakamatay kaysa sa mga babae. Para sa kadahilanang ito, ang suporta ng mga kwalipikadong manggagamot sa kalusugan ng isip ay mahalaga.

Maaaring makita din ng mga magulang na ang kanilang dating palakaibigan na anak ay naging medyo mahiyain o balisa. Maaaring mukhang hindi sila interesado o natatakot pa nga sa mga sosyal na sitwasyon, tulad ng pakikisalamuha sa mga kaibigan o pagdalo sa mga pulong sa paaralan.

Ang pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili at panlipunang paghihiwalay ay maaari ding maiugnay sa mga epekto ng paghihiwalay ng magulang sa mga bata. Sa mga panahong ito, mahalagang pataasin ang tiwala sa sarili at pagpapahalaga sa sarili ng isang bata upang matulungan silang makabangon.

Epekto Ng Paghihiwalay Ng Magulang Sa Bata: Mapanganib na Sekswal na Pag-uugali

Ang posibilidad na masangkot sa mapanganib na sekswal na pag-uugali ay isa pa sa mga epekto ng paghihiwalay ng magulang sa bata.

Ang mga anak ng nagkahiwalay na magulang ay malamang na masangkot din sa pag-abuso sa alkohol at substance, agresibong pag-uugali, at maagang pagsisimula ng sekswal na aktibidad. Ipinakikita ng isang pag-aaral na ang mga kabataang dalagita ay may posibilidad na makipagtalik sa mas maagang edad kapag nakatira sila sa isang sambahayan na wala ang ama. Ang maagang “sekswal na pasinaya” na ito ay maaaring dahil sa ilang mga kadahilanan, kabilang ang pagbabago sa mga pananaw tungkol sa kasal at mga saloobin tungkol sa pagiging ina.

Bilang karagdagan, 43.2% ng mga bata sa mga diborsiyadong pamilya ay mas malamang na magkaroon ng pagkakalantad sa karahasan na nakabatay sa kasarian. Ang mga pag-aaral ay hindi nagpapakita ng parehong panganib sa mga lalaki.

Mga Suliraning Pang-Akademiko

Ipinapakita ng mga pag-aaral na may kaugnayan sa pagitan ng divorce/paghihiwalay at mga problemang pang-akademiko ng isang bata. Ang mga anak ng hiwalay na magulang  ay mas malamang na magkaroon ng mas mababang mga marka o huminto sa pag-aaral. Malamang din silang magpakita ng mapanirang pag-uugali, tulad ng paggamit ng droga.

Ang ilan sa mga pag-uugaling ito ay maaaring mangyari kasing aga ng 6 na taong gulang, ngunit mas kapansin-pansin sa mga batang may edad na 13 hanggang 18. Mayroong ilang posibleng dahilan para sa link na ito. Maaaring kabilang dito ang katotohanan na ang isang bata ay maaaring makaramdam ng inabandona, pagkalungkot, o pagkagambala ng mas malaking salungatan sa pagitan ng mga magulang. Sa paglipas ng panahon, ang pagbawas ng interes sa kanilang pag-aaral sa antas ng mataas na paaralan ay maaaring humantong sa mas kaunting interes sa edukasyon sa pangkalahatan.

Paano Tulungan Ang Iyong Mga Anak Kapag Dumadaan sa Paghihiwalay

Maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga magkahiwalay na magulang na magplano nang maaga at panatilihing may alam at kasangguni ang kanilang mga anak. Ang mga bata ay nakikinabang sa mga tapat na talakayan tungkol sa mga pagbabago sa pamilya.

Sa maraming mga kaso, ang mga biglaang pagbabago ay maaaring maging mahirap para sa isang bata. Kung naaangkop, maaaring makatulong ang pag-abiso sa mga bata ng ilang linggo bago lumipat ang isa sa mga magulang sa isang bagong tahanan at marapatin na ito ay lubos na maipaliwanag. Maaaring maging kapaki-pakinabang din na limitahan ang mga napipintong mga pagbabago hangga’t maaari, at mailatag ang mga ito sa mga darating pang mga taon pagkatapos ng hiwalayan o divorce.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Healthy divorce: How to make your split as smooth as possible, https://www.apa.org/topics/divorce-child-custody/healthy, Accessed September 29, 2021

Estimating the Epidemiology and Quantifying the Damages of Parental Separation in Children and Adolescents, https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fpsyg.2016.01611/full, Accessed September 29, 2021

The Impact of Parental Separation and Divorce on the Health Status of Children, and the Ways to Improve It, https://www.researchgate.net/publication/295693740_The_Impact_of_Parental_Separation_and_Divorce_on_the_Health_Status_of_Children_and_the_Ways_to_Improve_it, Accessed September 29, 2021

The Causal Effects of Parental Divorce and Parental Temporary Separation on Children’s Cognitive Abilities and Psychological Well-being According to Parental Relationship Quality, https://link.springer.com/article/10.1007/s11205-020-02428-2, Accessed September 29, 2021

Parental divorce or separation and children’s mental health, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6313686/, Accessed September 29, 2021

Kasalukuyang Version

03/12/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Magandang Asal Ng Bata: Paano Ito Masisigurado Ng Mga Magulang?

Paano Magpalaki ng Gen Z? Tips Para sa Magulang


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement