backup og meta

7 Dahilan Ng Pagsusuka Ng Bata Na Dapat Malaman Ng Magulang!

7 Dahilan Ng Pagsusuka Ng Bata Na Dapat Malaman Ng Magulang!

Ang pagsusuka ay maaaring makasama sa isang bata, dahil pwede itong humantong sa dehydration, electrolytes imbalances, pagkawala ng mahahalagang fluids at sustansya, tulad ng potassium, at sodium na kinakailangan para sa normal na paggana ng katawan. Sa malalang kaso, ang pagsusuka ay maaaring maging banta sa buhay ng isang bata kung hindi ito ginagamot. 

Bukod pa rito, ang madalas na pagsusuka ay pwede ring makairita sa lining ng esophagus at lalamunan, na humahantong sa discomfort at pananakit nito. Kaya’t napakahalaga na subaybayan ng isang magulang ang batang nagsusuka, at humingi ng medikal na atensyon kung kinakailangan upang maiwasan ang mga komplikasyon at matiyak ang tamang hydration at nutrisyon ng anak. 

Mahalaga rin na malaman ng mga magulang ang dahilan ng pagsusuka ng bata, sapagkat maaaring sintomas ito ng isang malawak na hanay ng mga kondisyon, mula sa maliliit na sakit hanggang sa mas malalang isyu sa medikal. 

Ang pag-alam sa underlying cause ng pagsusuka ay pwedeng makatulong sa mga magulang na matukoy ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos para sa kanilang anak, at makagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga pagsusuka sa hinaharap, at matiyak na ang kanilang anak ay makakatanggap ng naaangkop na paggamot kung kinakailangan.

Para malaman ang dahilan ng pagsusuka ng bata, patuloy na basahin ang article na ito.

7 Posibleng Dahilan Ng Pagsusuka Ng Iyong Anak

Narito ang ilang mga sanhi kung bakit maaaring makaranas ng pagsusuka ang mga bata:

  1. Gastroenteritis

Ito ang pinakakaraniwang dahilan ng pagsusuka sa mga bata. Isa itong impeksyon sa tiyan at bituka, kadalasang sanhi ng virus o bacteria. 

  1. Food Poisoning

Ang pagkain ng kontaminadong pagkain ay maaaring magdulot rin ng pagsusuka, ayon sa mga eksperto at doktor.

  1. Motion Sickness

Tandaan na ang mga batang prone sa motion sickness ay maaaring makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka habang umaandar ang kotse, bangka, o eroplano.

  1. Overeating 

Sinasabi ng mga doktor na ang sobrang pagkain o pagkain ng masyadong mabilis ay maaaring maging sanhi ng pagsusuka ng mga bata, dahil sa pagkabigla ng tiyan o pagiging masyadong maraming laman nito.

  1. Ingestion of toxins

Ang pagkonsumo o exposure sa mga nakakapinsalang sangkap, tulad ng mga produktong panlinis o gamot ay maaaring magdulot ng pagsusuka.

  1. Acid reflux 

Nagaganap ang acid reflux kapag ang acid sa tiyan ay nag-flows back sa esophagus, na nagiging sanhi ng pangangati at pagsusuka. 

  1. Migraine headaches

Nakakaranas ang ilang bata ng pagsusuka bilang sintomas ng migraine headache. 

4 Na Dapat Kong Gawin Kung Nagsusuka Ang Aking Anak

Kung ang iyong anak ay nagdurusa sa pagsusuka, may ilang bagay na maaari mong gawin bilang isang magulang: 

  1. Panatilihing hydrated ang iyong anak

Ang pagsusuka ay maaaring magdulot ng dehydration, kaya mahalagang bigyan ang iyong anak ng maraming fluid na pwedeng maiinom niya. Kaya naman inirerekomenda ng mga doktor maliliit na pagsipsip ng tubig, maghigop ng mainit na sabaw o “clear broth”, o pagkonsumo ng electrolyte solution.

  1. Hikayatin na magpahinga ang anak 

I-encourage ang iyong anak na magpahinga dahil nakakatulong ito sa kanilang katawan na makabawi at mabawasan ang panganib ng karagdagang pagsusuka. 

  1. Subaybayan ang kanilang diet

Iwasang bigyan ang iyong anak ng solid food hanggang sa tumigil ang pagsusuka. Kapag tumigil na ang pagsusuka, unti-unting silang bigyan ng bland, madaling matunaw na pagkain tulad ng crackers, toast, o kanin. 

  1. Humingi ng medikal na atensyon kung kinakailangan

Kung ang iyong anak ay madalas na nagsusuka, may mga palatandaan ng dehydration (tulad ng tuyong bibig, at lumulubog na mga mata), o kung ang pagsusuka ay sinamahan ng matinding pananakit ng tiyan, lagnat, o iba pang sintomas , mahalagang humingi kaagad ng medikal na atensyon. 

Sa pangkalahatan, mahalagang bantayang mabuti ang iyong anak at maingat na subaybayan ang kanilang mga sintomas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa kalusugan o kapakanan ng iyong anak, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa doktor ng iyong anak o humingi ng medikal na atensyon.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How to Handle Vomiting, https://kidshealth.org/en/parents/vomiting-sheet.html Accessed June 8, 2023

Vomiting, https://www.chop.edu/conditions-diseases/vomiting Accessed June 8, 2023

Nausea or vomiting in children, https://www.mayoclinic.org/symptom-checker/nausea-or-vomiting-in-children-child/related-factors/itt-20009075 Accessed June 8, 2023

Vomiting in Children and babies, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/stomach-liver-and-gastrointestinal-tract/vomiting-in-children-and-babies#:~:text=Causes%20of%20vomiting%20in%20babies&text=in%20babies%20include%3A-,gastroenteritis,to%20swallow%20too%20much%20milk Accessed June 8, 2023

Vomiting in children, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/vomiting-in-children#:~:text=Viral%20gastroenteritis%2C%20commonly%20called%20’gastro,allergy%20can%20also%20cause%20vomiting. Accessed June 8, 2023

Vomiting in children, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/vomiting-in-children Accessed June 8, 2023

Vomiting without diarrhea, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/vomiting-without-diarrhea/ Accessed June 8, 2023

Vomiting in children, https://www.healthdirect.gov.au/vomiting-in-children Accessed June 8, 2023

Vomiting, https://kidshealth.org/en/parents/vomit.html Accessed June 8, 2023

Vomiting in Infants and Children, https://www.msdmanuals.com/home/children-s-health-issues/symptoms-in-infants-and-children/vomiting-in-infants-and-children Accessed June 8, 2023

Children and Vomiting, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/children-and-vomiting Accessed June 8, 2023

Kasalukuyang Version

06/22/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement