backup og meta

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?

Apat Na Area Ng Child Development: Anu-Ano Ba Ang Mga Ito?

Mahalagang malaman at maunawaan ang apat na area ng child development dahil tinitiyak nitong ikaw, bilang magulang, ay kayang magbigay ng pinakakinakailangang suporta sa bawat yugto. 

Nahahati sa ilang yugto ang child development, mula sa pagkapanganak hanggang sa simula ng adulthood. Ang bawat yugto ay may layuning ikategorya ang iba’t ibang pagbabagong pinagdaraanan ng isang bata. Saklaw ng mga yugtong ito ang physical, emotional, psychological, at mental development ng bata.

Ano Ang Mga Factors Na Nakaaapekto Sa Child Development?

Binubuo ang child development ng dalawang bagay:

  • Mga pangyayari sa prenatal life ng bata
  • Genetics

Ang iba pang factors na nakaaapekto sa kanilang development ay ang kakayahan nilang matuto at ang mga impluwensiya ng kanilang kapaligiran. Mapagaganda ito sa pamamagitan ng therapeutic intervention kung kinakailangan.  

Mahalaga ang early childhood development dahil itinataguyod nito ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bata. May epekto ito sa social at emotional health ng bata.

Ano Ang Apat Na Area Ng Child Development?

Narito ang apat na area ng child development:

  • Social development
  • Emotional development
  • Physical development
  • Cognitive development o kilala rin bilang intellectual development

Mahalagang maunawaan kung ano ang apat na area ng child development at ang benchmarks ng bawat aspekto. Ito ay upang magkaroon ng gabay ang mga magulang sa kung paano at kailan hihingi ng medical intervention para sa bata.

1. Social Development

Ang social development ay tumutukoy sa pagkuha ng kaalaman at kasanayang kailangan upang makisalamuha nang matagumpay sa ibang tao. Ito ang mga kasanayang nagtuturo sa mga bata kung paano bumuo ng positibo at maayos na pakikipag-ugnayan sa iba. Tinutulungan nito ang mga batang makipagkapwa sa payapa, malinaw, at magalang na paraan.

Ang mga batang nakabuo ng social skills ay may konsiderasyon at tinatanggap ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga ikinikilos. May kontrol sila sa sarili at naipapahayag nila ang kanilang sarili kung kailangan. Natutunan nila ang karamihan sa mga ito sa mga karanasan nila kasama ng mga kaibigan, at maging sa nakikita sa kanilang mga magulang at iba pang matatanda.

2. Emotional Development

Ang emotional development ay tumutukoy sa emotional response ng isang tao sa tiyak na mga pangyayari, at maging ang kanilang mga nararamdaman na kanilang ipinapakita sa tiyak na sitwasyon. Tumutukoy rin ito sa mga pagbabago sa nararamdaman ng isang tao, at ang tamang paraan upang ipakita ang mga ito.

Ang mga batang nakabuo ng malakas na emotional skills ay makakayang maipahayag ang kanyang pagmamahal, saya, lungkot, galit, pagkabigo, at pagpapasalamat sa tamang paraan. Kaya nilang kontrolin ang kanilang reaksyon at masabi sa iba kung ano ang kanilang nararamdaman at kung bakit ganito nila ito nararamdaman. Nalalaman rin nila ang emosyon na kanilang nararamdaman at nakapagbibigay ng tamang reaksyon.

apat na area ng child development

3. Physical Development

Hindi lamang basta tungkol sa mga pisikal na pagbabago sa hugis at laki ang physical development. Kabilang din dito ang physical maturity ng katawan, at maging ang physical coordination at ang abilidad na kontrolin ang mga muscle.

May isang madaling malamang pattern na sinusundan ng mga bata pagdating sa physical development, ngunit mahalagang tandaan na bawat bata ay umuunlad nang may magkakaibang bilis. Ang oras para sa aktibong paglalaro at pagtuklas ay nakalilikha ng mga nakamamanghang bagay sa physical development ng mga bata.

4. Cognitive Development

Tungkol lahat ito sa pagkatuto ng paggamit ng wika, pagsasaayos ng mga ideya, pagbibigay solusyon sa mga problema, kakayahang magbigay ng dahilan, at ang pisikal na paglaki ng utak. Napakahalaga ng pagpapaunlad ng cognitive skills dahil nakatutulong ito sa iyong anak upang masuri nang tama at maiproseso ang lahat ng bagay sa kanyang paligid. 

Ilan sa mga paraan kung paano mo matutulungan ang cognitive development ng iyong anak ay ang hayaan silang pumili. Hayaan silang tumuklas ng mga paraan kung paano mabibigyang solusyon ang problema, at hayaan silang malaman ang mga bagay  sa tulong lamang ng kanilang sarili. Bigyan mo rin sila ng pagkakataong gumawa ng mga desisyong kanilang pinag-isipan at matuto ng mga bagay sa kanilang sariling paraan na may kaunting gabay o kaya’y walang tulong mula sa ibang tao.

Ano Ang Mga Karaniwang Problema Sa Apat Na Area Ng Child Development?

May ilang mga hamong maaaring lumitaw sa child development stage. Maaaring dulot ito ng:

  • Genetics
  • Medical Factors
  • Prenatal circumstances
  • Kakulangan ng exposure sa stimuli

Sa usapin ng “nurture versus nature,” ang genetics ang tintutukoy ng karamihan kapag tinatalakay ang “nature.” Ang genes ang nagdidikta ng katangiang mayroon ang isang tao gaya ng pisikal na hitsura.

Ang isa pang salik na nagdudulot ng hamon sa child development ay ang environment na tinutukoy bilang “nurture” na salik. Kapag pinag-uusapan ang environment, tinutukoy dito ang lugar kung saan nakatira ang bata, paaralan, at komunidad.

Ano Ang Pwedeng Gawin Upang I-Develop Ang Apat Na Area Ng Child Development?

Maraming puwedeng gawin ang magulang upang matulungan ang kanilang anak sa pagdaan nito sa apat na pangunahing area ng child development.

Pagmamahal

Ang una ay ang pagpapakita ng pagmamahal at atensyon sa inyong anak. Makatutulong sa upang maramdaman nila ang suporta niniyo sa kanya sa pamamagitan ng pagyakap at pakikinig sa kanila.

Basahan Ng Libro Ang Inyong Anak

Napatunayan na ito sa maraming pag-aaral. Ang batang may magulang na binabasahan sila ay may mas mahusay na bokabularyo at may mas malaking pagtingin tungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Maaari mo ring limitahan ang kanilang panood ng TV nang hindi tataas sa dalawang oras ng educational viewing araw-araw.

Panatiling Aktibo Ang Inyong Anak

Panatilihing aktibo ang inyong anak sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, pagsasalita, pagbabasa, at pagkain kasabay nila. Nakatutulong ito upang makabuo kayo ng matibay na relasyon sa isa’t isa at makakatulong upang magkaroon sila ng positibong relasyon sa kanilang sarili habang umuunlad ang kanilang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng sarili. Pagyamanin din ang kanilang kakayahang magtaka at pagiging mausisa upang masabik silang matuto. 

Pagyamanin Ang Mabuting Pag-Uugali

At huli, turuan ang inyong mga anak ng tamang pag-uugali. Mahalaga ang consistency sa mga tuntunin, na sinusundan ng pagpapaunawa sa kahihitnan ng pagsunod at hindi pagsunod, at pagkilala sa mabuting pag-uugali. 

Key Takeaways

Matapos matutunan kung ano ang apat na pangunahing developmental areas ng child development, mahalaga rin para sa mga magulang na maunawaan na ang development journey ay nagkakaiba-iba sa bawat bata. Hangga’t nakasasabay ang inyong anak sa katanggap-tanggap na time frame o bilis ng bawat development milestone, hindi mo kailangang mag-alala. Kung nag-aalala ka sa development ng iyong anak, kumonsulta sa iyong pediatrician.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Cognitive Development,  http://helpmegrowmn.org/HMG/HelpfulRes/Articles/WhatCognitiveDev/index.html, Accessed June 2, 2020

Ages and Stages of Development, https://www.cde.ca.gov/sp/cd/re/caqdevelopment.asp, Accessed June 2, 2020

Social Emotional Development, https://tkcalifornia.org/teaching-tools/social-emotional/, Accessed June 2, 2020

Five Reasons Why Early Childhood Development Matters, https://info.athenacareers.edu/blog/5-reasons-why-early-childhood-development-matters, Accessed 2 June, 2020

What is Child Development, https://childdevelopment.com.au/areas-of-concern/what-is-child-development/, Accessed 2 June, 2020

Transforming the Workforce for Children Birth Through Age 8: A Unifying Foundation, Chapter 4: Child Development and Early Learning, https://www.nap.edu/read/19401/chapter/8, Accessed 2 June, 2020

Areas of Development,  https://depts.washington.edu/allcwe2/fosterparents/training/chidev/cd03.htm, Accessed 2 June, 2020

Child Development: Know What’s Ahead, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/child-development/art-20045155, Accessed 2 June, 2020

What Are Social Skills, https://childdevelopment.com.au/areas-of-concern/play-and-social-skills/social-skills/, Accessed 2 June, 2020

Kasalukuyang Version

08/08/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Magandang Asal Ng Bata: Paano Ito Masisigurado Ng Mga Magulang?

Tips para sa Tantrum: Heto ang Dapat Tandaan ng mga Magulang


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement