backup og meta

Ano Ang Sibling Rivalry At Paano Ito Dapat Harapin Ng Magulang?

Ano Ang Sibling Rivalry At Paano Ito Dapat Harapin Ng Magulang?

Normal ba ang pagkakaroon ng sibling rivalry— at paano ba dapat harapin ang bagay na ito bilang isang magulang?

Ito ang ilan sa mga tanong ng mga magulang na dapat bigyan ng kasagutan, dahil ang sibling rivalry ay maaaring maging sanhi ng pagkakagulo sa isang pamilya.

Karaniwan ang sibling rivalry o tunggalian ng magkapatid ay nagmumula sa selos, at kompetisyon. Madalas nagsisimula ang sibling rivalry kapag isinilang na ang pangalawang anak sa pamilya, at nagpapatuloy ang tunggalian ng magkapatid sa buong pagkabata nila o childhood. Ang madalas nilang pag-aaway ay maaaring maging frustrating at nakaka-stress para sa mga magulang. Kaya ang tanong, ano ba ang dapat gawin kapag nakikita mo na ang sibling rivalry bilang magulang.

Para malaman ang kasagutan sa tanong na ito, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang sibling rivalry? Narito ang sagot ng ating expert!

Maaaring ilarawan ang sibling rivalvy bilang isanf hindi maiiwasang kompetisyon at pag-aaway na nangyayari sa pagitan ng magkapatid. Ang ganitong uri ng relasyon ay kadalasang nagaganap sa magkakapatid na malapit sa edad. Ngunit maaari rin itong mangyari sa magkapatid na may malalaking agwat sa edad, gayundin sa pagitan ng magkapatid na hindi magkadugo. 

Gayunpaman, ayon sa pahayag ni Susan Albers, PsyD isang psychologist, na ang relasyon sa kapatid ang isa sa mga pinakauna at pangmatagalang relasyon na nabuo ng mga tao.

Siblings are a child’s first peer group where they learn critical social skills like how to share, how to manage conflict and how to communicate.

Kaya itinuring ang sibling rivalry bilang bahagi kung paano ginagawa ng isang anak ang kanyang lugar sa pamilya— at paano siya natuto mag-handle ng isang sitwasyon, makitungo, at makipag-usap sa ibang tao.

Bakit nagkakaroon ng away sa magkapatid?

Batay na rin sa article na pinamagatang Paano Nagiging Healthy At Unhealthy Ang Away Ng Magkapatid?” maraming dahilan bakit hindi nagkakasundo ang magkapatid— at narito ang mga sumusunod na sanhi:

  1. pagkakaroon ng magkakaibang pangangailangan, interes, at point of view sa maraming bagay at aspeto;
  2. individual temperaments at personalidad ng magkapatid
  3. selos sa kapatid
  4. pag-imitate sa magulang sa kung paano nakikitungo at usap sa ibang tao
  5. paggaya sa paraan ng magulang sa paglutas ng problema

Ang dahilan ng pag-aaway ng magkapatid ay hindi lamang limitado sa mga bagay na nabanggit. Sapagkat maaaring magkaroon ng mga bagong sanhi ng away depende sa kanilang sitwasyon, at takbo ng buhay.

Ano ang dapat mong gawin sa sibling rivalry?

Ngayon na alam mo na kung ano ang sibling rivalry at bakit nagaganap ito— panahon na para tukuyin mo ang mga paraan kung paano harapin ang pag-aaway ng iyong mga anak. Narito ang mga sumusunod na tips ayon na rin kay Dr. Albers:

  1. Manatiling kalmado, tahimik at may kontrol

Bigyang-pansin kung ano ang ginagawa ng iyong mga anak para magkakaroon ka ng kakayahan na makialam bago pa magsimula o lumaki ang isang sitwasyon. Panatilihin ang iyong composure para tularan ka ng iyong anak.

  1. Gumawa ng cooperative environment

Iwasang ihambing ang iyong mga anak, paboran ang isa kaysa sa isa, o hikayatin ang kompetisyon sa pagitan nila. Sa halip, lumikha ng mga pagkakataon para sa kooperasyon at kompromiso sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa kanila na maglaro nang sama-sama, galugarin ang kanilang mga indibidwal na curiosity at magbahagi ng oras sa iyo.

  1. Kilalanin ang pagkakaiba at katangian ng bawat anak

Ang mga bata ay mas malamang na hindi mag-away kung sa tingin nila ay pinahahalagahan mo ang bawat isa sa kanila bilang isang indibidwal. Kaya naman maganda na iiwasan mo ang pagbibigay sa kanila ng label at ipaalam sa bawat anak na sila ay espesyal sa’yo sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa kanila ng paisa-isa.

  1. Magplano ng oras sa pamilya at anak

Ang paggawa ng family bonding at mga aktibidad ay isang magandang paraan para sa mga bata na magkabuklod at magkaroon ng masayang alaala nang magkasama. Ang mga sandaling ito ay nagbibigay ng ideya sa mga bata na hindi dapat sila nakikipag-away sa isa’t isa.

  1. Tratuhin ang mga bata ng patas

Para sa mga magulang, ang pagiging patas ay mahalaga, pero ang pagiging patas ay hindi palaging nangangahulugang pantay. Ang mga parusa at gantimpala ay dapat na iayon sa mga indibidwal na pangangailangan ng iyong mga anak.

  1. Pakinggan o alamin ang pinaka-ugat ng away

May mga pagkakataon na hindi mo nakikita ang mga kaganapan bakit humantong sa pag-aaway ang magkapatid. Kaya naman ang isang mahusay na paraan upang makuha ang ugat ng away ay ang pakikipag-usap sa kanila. Mahalaga na pag-usapan kung ano ang nararamdaman ng lahat ng kasangkot at humanap ng mga kapaki-pakinabang na paraan upang pamahalaan ang away na iyon.

  1. Pag-validate ng kanilang nararamdaman

Sa panahon ng isang away, karamihan sa mga bata ay emosyonal. Tiyak na maaari itong maging sanhi ng pagkabalisa para sa mga magulang na ma-parse out ang lahat ng mga detalye. Ngunit kung minsan, ang paglalaan ng oras upang makinig lamang sa iyong mga anak at igalang ang kanilang mga damdamin ay makakabuti para maproseso at sitwasyon at kanilang damdamin.

  1. Bigyan ang mga bata ng tools sa paglutas ng problema

Gamitin ang sibling rivalry bilang isang pagkakataon upang bigyan ang iyong mga anak ng tools para sa paglutas ng mga problema sa hinaharap. Ipakita kung paano sila maaaring magkompromiso, magbahagi o lumapit sa isang katulad na sitwasyon sa isang mas positibo, naaangkop na paraan.

  1. Gawing pribado ang disiplina

Kung ang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid ay nagreresulta sa pangangailangan ng disiplina, iwasang ipaalam sa publiko ang inyong pag-uusap. Maaari kasi nitong ipahiya ang isang bata sa harap ng kanilang mga kapatid, na maging dahilan ng paglikha ng higit na galit sa isa’t isa. Mas maganda kung may mga pagkakataon na kausapin at disiplinahin sila ng bukod.

  1. Magkaroon ng family meeting

Ipunin ang pamilya at makipag-usap para mabigyan ng pagkakataon ang lahat na sabihin ang gusto nilang sabihin. Gamitin ang pagkakataon na ito upang magtatag ng mga panuntunan sa bahay na maaaring sang-ayunan ng mga miyembro ng pamilya na sundin.

Key Takeaways

Bilang isang magulang, mahalaga na maging angkop ang paraan ng pagtulong at pagdidisiplina natin sa ating mga anak. Mahalaga na malaman natin ang dahilan ng sibling rivalry nila upang maibigay ang angkop na atensyon sa kanila. Dapat mong tandaan mo na importante ang pakikinig sa kanila at pag-assess sa sitwasyon para mas makapagbigay ka ng angkop na tulong sa magkapatid at magkaroon ng mas mabuting ugnayan sa hinaharap.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sibling Rivalry, https://www.mottchildren.org/posts/your-child/sibling-rivalry#:~:text=Sibling%20rivalry%20is%20the%20jealousy,birth%20of%20the%20second%20child. Accessed April 17, 2023

What Is Sibling Rivalry, https://kidshealth.org/en/parents/sibling-rivalry.html Accessed April 17, 2023

10 Tips for dealing with sibling rivalry, https://health.clevelandclinic.org/sibling-rivalry/ Accessed April 17, 2023

Concerned About Sibling Rivalry, https://centerforparentingeducation.org/library-of-articles/sibling-rivalry/coping-sibling-rivalry/ Accessed April 17, 2023

Children and Sibling Rivalry, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/sibling-rivalry Accessed April 17, 2023

10 Tips for Dealing With Sibling Rivalry, https://health.clevelandclinic.org/sibling-rivalry/ Accessed April 17, 2023

Kasalukuyang Version

06/27/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kailan At Paano Putulan Ang Kuko Ng Baby?

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement