backup og meta

Nakakasama Ba Ang Protective Parenting Sa Iyong Anak?

Nakakasama Ba Ang Protective Parenting Sa Iyong Anak?

Madalas na pinoprotektahan ng mga magulang ang kanilang anak, dahil na rin sa natural instinct nila na panatilihing ligtas at secure ang mga ito. Kung saan ito ang isa sa pangunahing bahagi ng tungkulin ng magulang sa pagpapalaki ng kanilang anak. Sa madaling sabi, ang mga magulang ay may pananagutan para sa pisikal, emosyonal, at panlipunang pag-unlad ng kanilang mga supling.

Ang pagiging protective na magulang sa kanyang supling ay maaaring makita sa iba’t ibang paraan, gaya ng pagtatakda ng rules at boundaries sa mga dapat gawin at iasal, pagsubaybay sa mga aktibidad, at pagtataguyod para sa kanilang mga pangangailangan at interes. Sapagkat gusto nilang tiyakin na ligtas at masaya ang kanilang anak — at para magawa ang mga layunin na ito madalas ginagamit nila ang protective parenting sa pagpapalaki ng kanilang supling. Ngunit ang tanong totoo nga bang nakakabuti ang ganitong style ng pagpapalaki ng anak?

Para malaman ang sagot sa tanong na ito, alamin muna natin kung ano ang protective parenting.

Ano ang protective parenting?

Ang protective parenting ay isang approach ng magulang na laging inuuna ang kaligtasan at kagalingan ng kanilang anak. Naniniwala ang mga protective parent na responsibilidad nilang protektahan ang kanilang mga anak mula sa kapahamakan — at makalikha ng ligtas at secure environment para sa kanilang supling. 

Masasabi na kasama sa ganitong uri ng parenting ang pagiging mapagbantay ng magulang sa mga potensyal na panganib at risks, pagtatakda ng malinaw na boundaries at rules, pagsubaybay sa mga gawain at relasyon ng anak, paglilimita sa exposure sa mga potensyal na nakakapinsalang sitwasyon o tao, at pagtuturo sa anak kung paano manatiling ligtas sa iba’t ibang sitwasyon. 

Bukod pa rito, maaari rin na kasangkot sa protective parenting ang pagbibigay ng emosyonal na suporta at patnubay sa anak, upang matulungan sila na magkaroon ng isang malakas na pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili at self-efficacy. 

Nakakabuti ba ang paggamit ng ganitong uri ng parenting style?

Bagama’t maaaring makabuti ang protective parenting para sa pagpapanatiling ligtas ng mga anak, mahalaga pa rin na magkaroon ng balanse sa pagitan ng proteksyon at pagpayag sa mga bata na i-explore ang buhay at mundo — at pag-take ng mga risks bilang bahagi ng kanilang pag-unlad bilang isang indibidwal. Dahil ang sobrang pagprotekta sa anak ay nagreresulta minsan nang pagiging sobrang palaasa ng anak sa ibang takot — o pagkakaroon ng matinding takot na maaaring makagambala sa kanilang kakayahang matuto ng mahahalagang kasanayan sa buhay at bumuo ng katatagan.

Paano maaaring balansehin ang paggamit ng protective parenting sa pagpapalaki ng anak?

Maaaring maging beneficial ang paggamit ng protective parenting sa pagtiyak ng kaligtasan at kagalingan ng mga bata, ngunit mahalagang maging balanse ang pagprotekta sa kanila at pagpayag sa anak na bumuo ng kanilang kalayaan at katatagan. 

Kaya naman narito ang ilang tip para mabalanse ang paggamit ng parenting style na ito:

  1. I-assess ang risks

Mahalagang i-assess mo muna ang mga panganib na kasangkot sa anumang sitwasyon bago ka gumawa ng desisyon tungkol sa kung paano dapat proteksyunan ang iyong anak. Maganda rin kung isaalang-alang mo ang edad ng iyong anak, ang kanilang maturity level, at ang potential consequences ng iba’t ibang mga pagpipilian — at sitwasyon.

  1. Hikayatin na maging independent ang anak

Dapat na hikayatin mo ang iyong anak na mag-take ng mga risks na naaangkop sa edad at gumawa ng mga desisyon nang mag-isa. Dahil makakatulong ito sa kanila upang magkaroon ng kumpiyansa at katatagan sa sarili.

  1. Mag-set ng boundaries

Magtakda ng isang malinaw na boundaries, at inaasahan para sa pag-uugali at mga kahihinatnan para sa paglabag sa rules. Malaki ang maitutulong nito sa iyong anak para maunawaan nila kung ano ang inaasahan sa kanila — at maging ligtas sa kanilang kapaligiran.

  1. Maging available sa anak

Bilang isang magulang, mahalaga na maging available ka sa iyong anak, lalo sa mga panahon na kailangan ka nila. Dapat kang makinig sa kanilang mga alalahanin at magbigay ng suporta — at paggabay kung kinakailangan.

  1. Ipakita ang magagandang gawi at pag-uugali

Tandaan mo na maaaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang mga magulang, kaya mahalagang ipakita sa anak ang mga malusog na pag-uugali at coping skills. Dahil makakatulong ito sa kanila para makabuo ng sariling malusog na mga gawi at paraan ng pamamahala ng stress. 

Dapat mong tandaan

Mahalaga na malaman mo bilang magulang kung ano ang protective parenting para mas magamit mo ito nang maayos at naaakma sa pangangailangan ng iyong anak. Tandaan na dapat maging flexible at naakma ang iyong diskarte ng paggabay habang lumalaki at lumalaki ang iyong anak.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The Benefits Of Protective Parenting, https://franklin.uga.edu/news/stories/2023/benefits-protective-parenting#:~:text=Being%20a%20protective%20parent%20could,physical%20health%20limitations%20in%20adulthood. Accessed May 24, 2023

Helping or Hovering? The Effects of Helicopter Parenting on College Student ‘Well Being, https://link.springer.com/article/10.1007/s10826-013-9716-3 Accessed May 24, 2023

Protective parenting may help your kids avoid health problems as adults, https://www.sciencedaily.com/releases/2023/02/230228113808.htm Accessed May 24, 2023

Protective parenting: neurobiological and behavioral dimensions, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28813267/ Accessed May 24, 2023

Protective Factors to Promote Well-Being and Prevent Child Abuse and Neglec, https://www.childwelfare.gov/topics/preventing/promoting/protectfactors/ Accessed May 24, 2023

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement