backup og meta

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

Parents are crucial role models for their children, dahil tinitingnan at ginagaya ng mga bata ang kanilang mga pag-uugali, at pananaw. By embodying positive behaviors, parents provide a foundation for their children’s development. Dahil ang mga aksyon ng mga magulang ay nakaaapekto sa children’s behavioral learning, maging sa paghulma ng values at morals ng kanilang anak, na nag-aambag sa emotional development nila na nagpapataas sa self-confidence, at self-esteem. Bukod pa rito, sa pamamagitan rin ng pagiging positibong huwaran ng isang magulang, tinutulungan nila ang kanilang mga anak na maging compassionate, at responsable na mga indibidwal.

Kaya’t napakahalaga na maging maingat ang bawat magulang sa pagkilos sa harap ng kanilang mga anak. Sapagkat malaki ang posibilidad na gayahin ng mga bata ang bawat pag-uugali na makikita, lalo’t marami sa mga anak ang tinitingan ang kanilang mga magulang bilang isang “role model”.

Para maiwasan na makapag-execute tayo ng maling pag-uugali sa ating mga anak, narito ang listahan ng mga hindi dapat gawin sa harap ng bata.

7 Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata

Bilang mga magulang, mayroong ilang mga bagay na dapat nating iwasan gawin sa harap ng mga bata upang mapanatili ang kanilang kaligtasan, proteksyon, at pangkalahatang kalusugan. Narito ang ilang mga halimbawa:

  1. Pang-aabuso o pagmamalupit

Dapat iwasan ng mga magulang ang anumang uri ng pisikal, emosyonal, o pang-aabuso sa harap ng mga bata. Sapagkat ang mga magulang ay dapat maging mga halimbawa ng paggalang, pagmamahal, at pag-aaruga. Malaking bagay rin ito upang hindi maging mapanakit ang anak sa hinaharap.

  1. Pangungutya 

Mainam na hindi nangungutya ang isang magulang lalo na kung maaaring makaapekto ito sa pagkatao at kumpiyansa ng anak o sa indibidwal na kinukutya. Bukod pa rito, ang pangungutya ay isang anyo ng verbal abuse na maaaring gayahin ng anak.

  1. Pag-aaway o pagtatalo

Ang mga magulang ay dapat na magpakita ng maayos na paraan ng pag-uusap at paglutas ng mga problema. Hindi dapat ipahayag ang galit at pag-aaway sa harap ng mga bata, dahil maaaring makaapekto ito sa kanilang emosyonal na kalagayan.

  1. Pagmumura o paggamit ng malalaswang salita

Bilang magulang, dapat iwasan ang pagmumura at paggamit ng malalaswang salita sa harap ng mga bata. Ang mga salitang ito ay hindi angkop para sa kanila at maaaring makaapekto sa kanilang bokabularyo at pag-uugali sa kasalukuyan at hinaharap.

  1. Pag-inom o paggamit ng bawal na gamot

Mahalagang huwag ipahayag o ipakita sa mga bata ang paggamit ng bawal na gamot o ang pag-inom ng alak nang sobra. Dahil ang mga magulang ay dapat maging mga modelo ng malusog at responsableng pamumuhay.

  1. Paglalabas ng galit o pagiging agresibo

Dapat nating kontrolin ang ating galit at huwag maging agresibo sa harap ng mga bata. Kapag may problema o isyu na kailangang pag-usapan, mahalagang gawin ito nang malumanay at bukas sa komunikasyon.

  1. Pagkuha ng mga gawain na hindi angkop sa edad

Dapat nating bigyang-pansin ang limitasyon at pangangailangan ng mga bata sa pagbibigay ng mga gawain. Huwag pilitin ang mga bata na gawin mga bagay na hindi pa nila kayang gawin o hindi pa angkop sa kanilang edad at kakayahan.

Paalala ng mga doktor

Tandaan na ang isa sa mga mahalagang tungkulin ng magulang ay ang pag-iwas sa paggawa ng mga nakasasamang mga gawain sa harap ng mga anak. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuting halimbawa at paggabay sa kanila, nabibigyan natin sila ng malusog na pundasyon para sa kanilang kinabukasan. Ang pag-iwas sa mga mapang-abusong kilos, at pagtuturo sa kanila ng wastong mga pag-uugali ay nagbibigay-daan sa kanila upang maging responsableng tao, at magkaroon ng magandang pag-uugali. Sa ganitong paraan, nakakatulong ang mga magulang sa kanilang pag-unlad at pagtataguyod ng isang lipunang mas mapayapa at maunlad para sa lahat.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

6 Things You Should Avoid Doing In Front Of Your Child, https://doctor.ndtv.com/living-healthy/6-things-you-should-avoid-doing-in-front-of-your-child-1785314 Accessed July 7, 2023

7 things you should avoid doing in front of your kids, https://tribuneonlineng.com/7-things-you-should-avoid-doing-in-front-of-your-kids/ Accessed July 7, 2023

10 Key Things You Should Not Do In Front Of Your Children, https://www.newagepregnancy.com/things-you-should-not-do-in-front-of-your-children/ Accessed July 7, 2023

A therapist shares the 7 biggest parenting mistakes that destroy kids’ mental strength, https://www.cnbc.com/2020/05/25/biggest-parenting-mistake-destroys-kids-mental-strength-says-therapist.html Accessed July 7, 2023

Playground Safety, https://kidshealth.org/en/parents/playground.html Accessed July 7, 2023

Kasalukuyang Version

08/08/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kailan At Paano Putulan Ang Kuko Ng Baby?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement