backup og meta

Ano Ang Fear Conditioning? Bakit Dapat Itong Iwasan Ng Magulang?

Ano Ang Fear Conditioning? Bakit Dapat Itong Iwasan Ng Magulang?

Isa sa “most challenging role” ng magulang ang pagdidisiplina. Kaya mahalaga na dapat alam nila kung ano ang fear conditioning. Lalo na kung ito ang gustong gamitin sa pagtuturo ng tamang habit at gawi sa bata. Maraming pagkakataon na sinusubukan ng ilan sa mga magulang na takutin ang anak upang makontrol sila. Ngunit, ang mahalagang tanong na kaugnay dito — epektibo ba ito para sa anak? Makakabuti ba ito para sa kanila? Makakatulong ba ito sa kung paano huhubugin ng isang magulang ang bata?

Ito ang ilan sa mga tanong na dapat isaalang-alang ng magulang para sa kanilang anak. Dahil anuman ang magiging karanasan ng isang tao sa kanyang pagkabata ay mahalagang sangkap sa pagbuo ng kanyang personalidad. 

Sa artikulong ito, malalaman natin kung bakit dapat iwasan ang fear conditioning sa bata — at ano ang simple tips na maaaring gamitin sa pagdidisiplina sa anak.

Ano ang fear conditioning o pananakot sa bata?

Ang fear conditioning ay isang uri ng classical conditioning. Ito ay isang mekanismo na pwedeng matutunan ng mga bata o matanda. Ayon sa artikulong “Fear Conditioning l Classical Examples in Psychology”,  makikita sa klase ng conditioning ito na natututo ang tao na matakot sa tao, lugar, bagay at mga kaganapan na hindi maiiwasan, gaya ng electric shock.

Mula rin sa nabanggit na artikulo, upang mapag-aralan ang human fear conditioning, ang mga behavioral neuroscience researcher ay gumamit ng daga sa pagkondisyon ng takot sa daga inilagay sila sa “novel environment” at binigyan sila ng electric shock sa paa. Mabilis tinanggal ng mga daga ang kanilang mga paa at noong ibinalik sila sa parehong “novel environment”. Nagpakita ng freezing response o pagbabago sa heart rate ang mga daga — at naging fear-conditioned.

Kaugnay nito, lumalabas na ang fear-conditioning ay pwedeng maganap sa pamamagitan ng mga karanasan magdudulot ng sakit.

Bakit dapat iwasan ng magulang ang fear conditioning?

Kadalasan ang ginagawa ng ilang mga magulang para disiplinahin ang kanilang anak ay sa pamamagitan ng paninindak at pamamalo. Hal: para sumunod ang bata na kumain ng masustansyang pagkain. May hanger na katabi ang nagpapakain na magulang. Kung saan, pinapalo ang anak kapag hindi ito sumusunod. Ang ganoong senaryo ay pwedeng makabuo ng takot sa bata kapag nakakakita ng hanger.

Isa pang halimbawa ng fear conditioning ang pagpapakita ng mga nakakatakot na larawan sa bata para matulog. Makikita rito nagkakaroon ng pangongondisyon sa bata sa kung ano ang mga nakakatakot na imahe sa kanyang paligid. Pwede itong maging dahilan ng pag-iyak ng anak at pagkabalisa.

Patuloy na basahin ang artikulong ito. Sapagkat, narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat iwasan ng magulang ang fear conditioning sa bata:

Pagdebelop ng anxiety disorder o pagkabalisa

Batay sa artikulong “Fear May Be in the Genes”, sa maraming kaso pwedeng maging mabuti ang takot dahil inilalayo ang tao nito sa pagkakadisgrasya at sa sakit. Ngunit, sa kabilang banda pwede itong makapagdebelop ng anxiety disorders, dahil sa mga nakondisyong takot sa tao, bagay, pangyayari at paligid. 

Ayon kay Dr. John Hettema, nakakasagabal sa normal na buhay ng tao ang pagkakaroon ng anxiety disorder. Nagbigay ng halimbawa si Dr. Hettema upang ipakita kung paano nakakaapekto ito sa buhay ng isang indibidwal. Kung saan, ang isang tao na naglalakad sa mall ay pwedeng magkaroon ng panic attack. Kahit wala namang nagbabanta (threatening sa mall).

Maaaring sumunod na lamang ang bata dahil sa takot na masaktan

Dahil na kondisyon ang bata sa takot na sumunod sa mga pangaral at pagdidisiplina ng magulang. Pwede itong maging sanhi, upang sumunod na lamang sila sa kagustuhan ng magulang dahil ayaw nilang masaktan. Hal: nais mag-utos ng magulang sa bata na ikuha siya ng tubig. Ayaw siyang ikuha ng bata ng tubig, subalit noong nakita niya na may hawak na sinturon ang magulang ay agad siyang sumunod. Sapagkat, mayroon na siyang karanasan na napalo siya gamit ang sinturon dahil sa hindi niya pagsunod.

Pagtaas ng risk ng tularan ng bata ang magulang

Tumataas ang risk na gayahin ng bata ang pananakot na ginagawa ng magulang. Dahil batay na rin kay Dr. Sperling, isang psychologist. Bahagi ng development ng isang bata ang imitation. Ibig sabihin nito, pwede niyang gayahin kung ano ang nakikita at naririnig mula sa ibang tao.

Pagdududa sa mga taong nakapaligid

Ayon kay Catherine Gajudo, isang psychometrician, maaaring magkaroon ng conflict sa personalidad ng bata. Dahil sa fear conditioning na ginagawa ng mga magulang. Pwede silang hindi lubusan na magtiwala sa mga adult na nakapaligid sa kanila. Sapagkat, hindi sila nabigyan ng lakas ng loob, bagkus takot at alinlangan ang naitanim sa kanila.

Pagkakaroon ng maraming alinlangan

Idinagdag pa ni Catherine Gajudo na may posibilidad na magkaroon ng maraming alinlangan ang bata sa paglaki. Dahil sa paraan ng pagpapalaki ng magulang gamit ng fear-conditioning. Maaari itong maging sanhi para mahirapan na makapag-adjust ang bata sa susunod na yugto ng kanilang buhay. Sapagkat nahihirapan silang sumubok ng ibang mga bagay dahil sa takot.

Tips kung paano disiplinahin ang anak

Hindi madaling maghubog at magpalaki ng bata. Kaya para matulungan ang bawat magulang. Narito ang ilang tips na pwedeng subukan para madisiplina ang anak:

  • Mismo ikaw na magulang ay ipakita ang tama para tularan ka ng bata.
  • Huwag dadaanin sa init ng ulo ang pagdidisiplina sa anak dahil pwede itong makapagpalala lamang ng sitwasyon
  • Magtakda ng mga tuntunin sa inyong tahanan na makakatulong sa bata para maging responsable
  • Kausapin ang anak ng may bukas na pag-iisip lalo na kung may hindi pagkakaunawaan
  • Subaybayan ang behavior patterns ng anak at alamin ang sanhi kung bakit nagiging hindi maganda ang pag-uugali ng bata
  • Purihin sila kung may magandang nagawa

Key Takeaways

Ang mga bata ay parang “sponge” madali nilang naa-absorb ang mga nagaganap at mayroon sa kanilang kapaligiran. Maaaring makatulong ang fear conditioning sa mga anak. Partikular sa aspetong naproproteksyunan ang sarili sa sakit, at nagkakaroon ng kamalayan sa disgrasya. Subalit, kung magiging sobra at hindi wasto ang paggamit ng pangongondisyon ng takot sa bata. Pwede itong maging dahilan ng iba’t ibang problema sa bata at sa kanilang development. Kaya mainam na lagi munang i-assess ang mga paraan na gagamitin sa pagdidisiplina.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Fear Conditioning https://med.stanford.edu/sbfnl/services/bm/lm/bml-fear.html#:~:text=Fear%20Conditioning%20(FC)%20is%20a,CR%3B%20often%20as%20freezing). Accessed May 24, 2022

Fear Conditioning l Classical Examples in Psychology https://www.parentingforbrain.com/fear-conditioning/ Accessed May 24, 2022

Conditioned Fear https://link.springer.com/referenceworkentry/10.1007/978-3-540-68706-1_1618 Accessed May 24, 2022

Fear Conditioning: How The Brain Learns About Danger

https://brainconnection.brainhq.com/2005/08/26/fear-conditioning-how-the-brain-learns-about-danger/ Accessed May 24, 2022

What’s wrong with fear conditioning? https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0301051111003164 Accessed May 24, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement