Matapos ang ilang taon ng pagpapalaki sa iyong mga anak, kalaunan sila ay lilipat sa kanilang sariling tahanan, maaaring upang mag-aaral, magsimula ng kanilang bagong pamilya, o mamuhay nang simple para sa kanilang sarili. Para sa mga pamilyang may maraming mga anak, ang paghihiwa-hiwalay ay ay maaaring maging mas madali. Ito ay dahil ang mga nakakatandang anak ay isa-isang aalis habang maiiwan ang mga nakababata sa bahay ng kanilang mga magulang. Ang bawat magulang ay may iba’t ibang reaksyon sa paghihiwa-hiwalay na ito. Maaaring ang iba ay nakakaramdam ng pagmamalaki at kapanatagan dahil ang kanilang anak ay kayang tumayo sa kanilang sariling mga paa. Ang iba naman ay maaaring may pagdududa at maaaring makaramdam ng lungkot o pag-aalala kung kakayanin ba ng kanilang anak na mamuhay nang mag-isa. Ang ibang mga magulang naman ay maaaring makaranas ng empty nest syndrome. Ano ang empty nest syndrome at mga yugto nito?
Ano Ang Empty Nest Syndrome?
Nangyayari ang empty nest syndrome kung ang magulang ay nakararanas ng pakiramdam ng pagkawala, takot, kalungkutan, pagkabalisa, o maging pagdadalamhati sa unang beses nang pag-alis ng kanilang anak. Maaaring maranasan ng mga magulang ang iba’t ibang yugto ng empty nest syndrome kung ang kanilang huling anak ay umalis sa kanilang upang manirahan sa ibang lugar.
Kabilang sa mga sintomas ng empty nest syndrome ay ang mga sumusunod:
Bilang magulang, alam natin ang kahalagahan ng paghikayat at pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga anak na maranasan ang pagsasarili upang matuto silang tumayo sa kanilang sariling mga paa. Bagama’t ito ay may positibong epekto, nakararamdam pa rin ang mga magulang ng kawalan at walang kasiguraduhan kung wala ang kanilang anak sa kanilang tahanan. Maaaring maramdaman nilang marami silang hindi nalalaman sa araw-araw na buhay ng iyong anak. Para sa mga ina na nasanay mabuhay kasama ang kanilang mga anak araw-araw, maaaring mangulila sila laging pagkakaroon ng kasama. Maaaring mag-alala ang mga ina sa seguridad ng kanilang mga anak at sa kanilang kakayahang alagaan ang kanilang mga sarili.
Kung ikaw ay may iisang anak o ang iyong bunsong anak na lamang ang naiwan sa inyong bahay, maaaring mas matindi ang maramdaman mong pangungulila. Kung ikaw ay sobrang naging malapit sa iyong mga anak at inaasahan mong makakasama mo sila nang mas matagal, tiyak na mahihirapan kang makasanayan ang empty nest.
Ano Ang Empty Nest Syndrome? Mga Epekto Nito
Ang empty nest syndrome ay hindi opisyal na nada-diagnosis. Gayunpaman, ipinapakita ng mga pag-aaral na ang taong nakakaranas ng matinding pakiramdam ng kawalan ay may tyansang:
- Magkakaroon ng depresyon o pagkabalisa
- Maging manginginom
- Problema sa pagkakakilanlan
- Magkaroon ng problema sa asawa
Sa kabila nito, ipinakikita ng mga pag-aaral na ang empty nest ay mayroon ding positibong benepisyo tulad ng:
- Nababawasan ang problema sa pamilya
- Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magulang na magkaroon ng oras sa isa’t isa at mapatatag ang kanilang pagsasama
- Magagawa ng mga magulang ang kanilang mga hilig o gustong gawin na hindi nila magawa noon dahil may anak silang dapat alagaan
Ano Ang Empty Nest Syndrome? Mga Yugto Nito
May iba’t ibang stage ang empty nest syndrome na maaaring maranasan ng mga magulang kapag lumipat na ng bahay ang kanilang anak. Kabilang dito ang:
Pagtatanggi
Sa mga unang buwan ng paghihiwalay, masasabi ng mga magulang sa kanilang sarili na makakasama pa rin nila ang kanilang mga anak sa mga mahahalagang okasyon, o mabibisita sila ng kanilang mga anak sa kanilang libreng oras. Ngunit ang katotohanan ay may mga salik na maaaring makaapekto sa dalas ng kanilang pagbisita. Ang inyong tahanan ay hindi na bahay nila. Gayunpaman, bibisitahin ka nila paminsan-minsan at maglalaan ng oras upang makasama ka sa abot ng kanilang makakaya.
Pangungulila At Kalungkutan
Sa oras na mapagtanto ng mga magulang na hindi na sila makapaglalaan ng oras kasama ang kanilang mga anak tulad ng dati, magsisimula na silang makaramdam ng pagkaawa sa sarili. Maaaring maramdaman nilang talagang tumatanda na sila at wala na silang layunin upang mabuhay. Sa yugtong ito, maaaring maranasan nila ang mga negatibong epekto ng empty nest syndrome. Ang pagtukoy sa mga negatibong emosyong maaaring nararanasan ay makatulong upang malampasan ito bago pa lumbha.
Pagtanggap At Kaginhawaan
Kapag nalampasan na ng mga magulang ang kalungkutan at natanggap na nila ang katotohanang ang paghihiwalay ay kapaki-pakinabang sa kanila at sa kanilang anak, magiging handa na silang mag-move on. Dapat nilang ipagmalaki ang kanilang mga anak habang pinanonood ang mga itong mamuhay nang mag-isa tulad ng kanilang mga itinuro. Ikaw at ang iyong anak ay patungo sa mga mas magagandang oportunidad.
Kaligayahan At Kalayaan
Sa oras na mapagtanto ng magulang na hindi lamang sila ang may pananagutan sa buhay ng kanilang anak, mapapalaya nila ang kanilang sarili sa sobrang pag-aalala (maiisip mo pa rin ang kapakanan ng anak, ngunit ngayon ay mas pinagkakatiwalaan mo na siya). Ang empty nest ay nagbubukas sa mas maraming posibilidad. Sa yugtong ito, ang mga magulang ay maaaring magkaroon ng kaunting kalayaan at oportunidad na kanilang isinantabi habang nagpapalaki ng mga anak. Mayroon na silang oras para sa kanilang asawa. Dahil kakaunti ang taong nasa bahay, ang mga magulang ay maaaring magkaroon ng mas maraming pera kaysa sa nakasanayan at makapag-ipon para sa kanilang pagreretiro. Dahil mas marami na silang oras para sa kanilang mga sarili, makadidiskubre sila ng mga bagong libangan at oportunidad.
Ano Ang Empty Nest Syndrome? Paano Ito Makasasanayan
Kung ikaw ay nakararanas ng mga yugto ng empty nest syndrome, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
- Tanggapin ang pagkakataon. Huwag ikumpara ang mas maagang pagbukod ng iyong anak kaysa sa iba. Bawat tao ay may sari-sariling pagkakataon. Ang kailangan ng iyong anak ay ang iyong suporta at pagsang-ayon upang sila ay maging matagumpay sa kanilang buhay.
- Panatilihin ang pagkakaroon ng komunikasyon. Maaaring ang iyong anak ay hindi mo na kasamang tumira subalit hindi naman ito nangangahulugang hindi na kayo maaaring makipag-usap sa isa’t isa. Maglaan ng oras para kayo ay makapag-usap — pagtawag sa telepono, video call, email, o text. Ang pagbisita sa kaniyang bagong bahay ay maaaring makatulong sa iyo upang matigil ang pag-aalala sa kanilang kaligtasan.
- Humingi ng Suporta. Hindi mo kailangang magdusa nang mag-isa. Ibahagi ang iyong mga iniisip sa iyong karelasyon. Ang iyong mga kamag-anak na maaaring makaunawa sa iyong pinagdaraanan ay maaaring makapagbigay ng mga magagandang payo. Muling makipag-ugnayan sa iyong mga dating kaibigan upang makabawi sa mga taong ikaw ay naging abala sa pagiging ina o ama.
- Manatiling Positibo. Kailangan mong tingnan ang mga bagay-bagay sa positibong pananaw. Ang positibong pag-iisip ay maaaring makatulong na matanggap ang pagbabagong ito. Ang paghihiwalay ay maaaring magbukas ng oportunidad para sa iyo at sa iyong anak.
Kung ikaw ay isang anak na kalilipat lamang, at sa palagay mong ang iyong magulang ay nakararanas na mga yugto ng empty nest syndrome, tulungan silang makayanan ito sa pamamagitan ng:
- Siguruhing maagang magplano at huwag biglain ang iyong mga magulang.
- Isama sila sa paghahanap ng bagong tirahan at hikayatin silang bumisita upang mabawasan ang kanilang pag-aalala.
- Huwag mawalan ng komunikasyon. Bisitahin sila nang madalas sa abot ng iyong makakaya.
- Hikayatin ang iyong mga magulang na subukan ang mga bagong gawain.
- Palaging tiyakin sa kanila na ikaw ay responsable at ligtas.
Key Takeaways
Maaaring ang pangunahing reaksyon ng magulang sa oras na kailangan nang umalis ng kanilang anak ay “ano ang gagawin ko ngayon?” Sa mahabang panahon, ikaw ay naging isang magulang, at unti-unti ay nakaliligtaan mo na ang iyong sarili. Gayunpaman, ito ay magandang pagkakataon upang kilalanin muli ang iyong sarili at muling alamin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo. Kung pakiramdam mong kinakain ka ng kalungkutan, humingi ng tulong mula sa iyong mga mahal sa buhay. Kumonsulta sa iyong doktor upang matulungan kang makapag-adjust iyong sa bagong buhay. Tandaan, ang iyong anak ay umalis lamang sa inyong bahay ngunit hindi sa inyong buhay.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]