Nakapagbibigay ng ilang advantage sa mga nanay at tatay ang pagsunod sa mga sikat na parenting influencers online. Una sa lahat, madalas na nagbibigay ang mga personalidad na ito ng mga tip at hack kung paano maging magulang. Kawili-wili ang marami sa mga sikat na parenting influencers kasama ang kanilang mga cute na baby, kaya’t nakapagbibigay sila ng pang-araw-araw na “good vibes”. At panghuli, praktikal at profitable ang pagsunod sa mga sikat na parenting influencers, lalo pa’t madalas silang magpamudmod ng giveaways.
Kung naghahanap ka ng masusundang parenting influencers online, narito ang listahang para sa iyo.
Mommy Pehpot
Si Mommy Pehpot, isang nanay na vlogger ng 5 magagandang bata at asawa ng “best husband in the world”, ay nagtatalakay ng maraming usapin hinggil sa pagiging magulang – mula sa pagpili ng diaper hanggang sa pagtulong sa ating mga anak sa pamamagitan ng homeschooling.
Nagpapaskil din siya ng mga recipe, negosyo ideas, mga tip sa pag-oorganisa ng bahay, at paghahalaman.
Kilala rin si Mommy Pehpot sa pamimigay ng pera sa pamamagitan ng pagpapaskil ng mga simpleng timpalak online na may kasamang premyong pera.
Mahahanap mo si Mommy Pehpot sa Facebook at Youtube.
Blissful Blooming
Kung isa kang millennial na nanay at tatay, matutuwa kang sundan ang Blissful Blooming. Isa itong parenting, family, at lifestyle blog.
Nais mo ba talagang mapaunlad ang iyong kakayahan sa pagiging magulang? Itong blog na ito ang para sa iyo. Matuto tungkol sa buhay may pamilya, mga produktong pang-baby, pag-aaral ng mga bata, pagpapaganda at kalusugan, mga tip sa pagbiyahe, pamamahala ng pera, at pagpaplano ng mga ganap o event.
Tingnan ang kanilang blog dito. Maaari mo rin silang sundan sa kanilang Facebook at Instagram.
DaddyDoodleDoo
Kung naghahanap ka ng sikat na parenting influencers online, bihira tayong makakita ng tatay. Ngunit may nahanap kaming para sa iyo: DaddyDoodleDoo.
Ang lalaki sa likod ng blog na ito, si Alvin Adarne, ay may dalawang magagandang anak na babae at gustong-gusto niyang ibahagi ang kanilang “daddy moments” kasama ng kanyang mga anak sa kanyang blog. Upang matulungan ang iba pang tatay, pinag-uusapan din sa kanyang blog ang mga parenting tip, teknolohiya, paraan ng pamumuhay, pagkain, at mga DIY project.
Matuto pa mula sa magaling na tatay na ito sa pagbisita sa kanyang Facebook.
Mommy Practicality
Kung nais mong sundan ang sikat na parenting influencers na nagbabahagi ng mga praktikal na bagay, hanapin mo si Mommy Practicality sa online.
Ang nanay sa likod ng blog na ito, na si Louise, ay nagbabahagi ng mga usapin tungkol sa pagiging nanay, pagpapalaki ng bata at kalusugan ng mga anak. Bukod pa rito, tinutulungan niya rin ang ibang mga magulang na magkaroon ng mas praktikal na mga desisyon pagdating sa family events, pamimili, at pagkain. Nagbabahagi rin siya ng meal ideas!
Panghuli, ibinabahagi rin si Mommy Practicality ang kanyang mga kaalaman hinggil sa financial management.
Maaari mong sundan si Mommy Practicality sa Facebook, Instagram, at Twitter. Maaari mo ring tingnan ang kanyang blog dito.
Bryce Larrosa at #TheClingyFam
Isang corporate man si Bryca Larrosa, ngunit ngayon, masaya na siya at kontento bilang full-time na ama, asawa, at nasa bahay lang na content creator.
Ibinabahagi niya ang kanilang family milestones, kasama ng mga parenting tip, mga karanasan sa homeschooling, at kapana-panabik na family activities.
Pangarap ni Bryce Larrosa na itaas ang boses ng mga tatay sa parenting community. Kaya’t hindi lamang siya nakatuon sa pagiging magulang, tinuturuan din niya ang mga gustong magsimula ng paggawa ng content.
Sundan ang mga Larrosa sa kanilang Youtube Channel. Mayroon ding sariling youtube channel si Daddy Bryce na makikita mo rito.
Mga Paalala sa Pagsunod sa mga Sikat na Parenting Influencers
Maraming mga magulang ang sumusunod sa mga sikat na parenting influencers online. Ngunit paano mo ba lubos na mapakikinabangan ang panonood sa kanila?
Una, tandaang ano man ang epektibo sa kanila ay maaaring hindi epektibo para sa iyo at sa iyong pamilya. Kunin at gawin ang puwede para sa iyo at huwag malungkot kung hindi ito gumana sa iyong sitwasyon.
Isa pang dapat tandaan ay makisalamuha sa iba pang mga magulang. Maglaan ng oras sa pagbabasa ng mga komento, at kung puwede, magbahagi ka rin ng kaunting karanasan na may kaugnayan sa pinag-uusapan.
Panghuli, maging maingat sa iyong screen time! Maaaring nakakaadik ang pagsunod sa mga sikat na parenting influencers lalo na kung pareho silang puno ng kaalaman at kawili-wili.
Key Takeaways
O nais mong magrekomenda ng iba pang influencer? Ipaalam ito sa amin sa comment section. Maaari mo ring tingnan ang aming parenting community dito.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]