Maraming naniniwala na may kaugnayan ang partikular na sex positions sa pagbuo ng bata. Sa katunayan, may mga nagsasabi na ang chances ng pagbubuntis matapos makipagtalik gamit ang woman on top sex position ay mas mataas kumpara sa ibang positions.
Totoo nga ba ito? Importante nga ba ang mapipiling sex positions para sa mga couples na gustong maka-buo ng baby?
Woman On Top Sex Position: Mas Mataas Ba Talaga Ang Chances Na Mabuntis?
Iba’t iba ang impormasyon sa internet tungkol sa sex positions at pagbubuntis. Kahit sa pamamagitan ng isang simpleng pag-search lamang ay may makikita na tayo ng mga impormasiyon at articles na nagsasabing may specific na sex positions na nag-i-increase ng chances ng pagbubuntis.
Pero may katibayan nga ba ito? Base ba ito sa siyensiya? Ano ang explanation para sa claims na ito?
May Koneksiyon Nga Ba Ang Sex Positions Sa Pagbubuntis?
Ang nananaig na paniwala ukol sa sex positions upang makabuo ng baby ay base sa lapit ng penis sa cervix o kuwelyo ng matres. Ayon sa mga teorya, kapag mas malapit ang penis sa cervix, mas kakaunti na lamang ang distansiya na kailangang tahakin ng sperm kaya mas madaling mabuntis.
Ito ang rason kung bakit maraming nagsasabi na ang sex positions tulad ng missionary position at ang woman on top sex position ay epektibo.
Kahit na may katotohanan ito, hindi lamang ang sex positions ang dapat asahan pagdating sa pagbuo ng baby.
Maraming factors ang dapat i-consider, tulad ng kalusugan ng mag-asawa o partner, ang kanilang edad, history paggamit ng drugs, alkohol o paninigarilyo. Kasama na rin dito ang kanilang medical history o mga karamdaman na maaaring maka-apekto sa kanilang fertility.
Ito ang rason kung bakit ang mga couples ay hindi lamang dapat umasa sa sex positions kung gusto nilang makabuo ng baby. Marami pang bagay na maaaring pagtuunan ng pansin kung gustong magbuntis.
Paano Ma-I-Improve Ang Chances Na Mabuntis? Mabilis At Mabisang Tips
Sa totoo lang, wala naman talagang paraan para masigurong makakabuo ng baby. Pero kahit posible na mabuntis gamit ang woman on top sex position, maraming pang ibang factors na dapat i-consider.
Narito ang mga dapat tandaan:
1. Importante Ang Kalusugan Ninyong Mag-Partner
Ang kalusugan ninyo ang pinaka-importanteng konsiderasyon pagdating sa fertility. Ang pagiging obese (o sobra sa normal range na timbang) o ang kakulangan sa exercise ay maaaring magpababa ng fertility ng isang tao. Nagiging hadlang ito sa kapasidad nilang makabuo ng baby.
Ang iba pang lifestyle habits, tulad ng bisyo na pag-inom, paninigarilyo, at paggamit ng droga ay nakaka-apekto rin sa fertility.
Ito ang rason kung bakit ang mga couples na nagpaplanong magka-baby ay dapat magsumikap na kumain ng tama, mag-ehersisyo, at umiwas sa mga bisyo at iba pang unhealthy lifestyle choices. Hindi lamang nito mapapataas ang fertility, makakatulong rin itong i-improve ang overall na kalusugan.
[embed-health-tool-bmi]
2. Siguraduhing Makipagtalik Kapag Ovulation Period
Ang ovulation period ay ang time of the month na ang egg cell ay pinaka-ready na for fertilization. Sa panahong ito, ang babae ay nasa tugatog ng pagiging fertile. Ang ibig sabihin nito mataas ang chances na magka-baby.
Maaaring ma-track ang ovulation period gamit ang menstrual cycle. Ang isang babae ay nag-oovulate apat na araw bago o pagkatapos ng gitna ng kanilang menstrual cycle.
Maaari ring gumamit ng ovulation predictor kit, na nagbibigay ng ideya kung magsisimula na sila mag-ovulate.
3. Mag-Take Ng Fertility Test
Maaari ring mag-take ng fertility test ang couples upang malaman ang rason kung bakit hindi sila magka-baby na maaaring dahil sa infertility. Kung infertility nga ang rason kung bakit hindi magka-baby ang isang couple, maaaring mag-provide ang mga doktor ng options para sa couples na gusto magka-baby.
Sa mga babae naman, ang pag-take ng fertility drugs ay makakatulong na i-improve ang fertility at i-stimulate ang ovulation.
Posible rin na i-rekumenda ng mga doktor ang in-vitro fertilization or intrauterine insemination upang ang isang babae ay mabuntis. Pero importanteng tandaan na ang mga methods na ito ay hindi 100% successful at may kamahalan ang gastos ng procedure.
[embed-health-tool-ovulation]
Matuto pa tungkol sa Nagbubuntis dito.