Bago umuwi kasama ang iyong bundle of joy, bibigyan ka ng instructions ng doktor at nurses ukol sa postpartum care. At kahit na gusto mong alalahin lahat, mula sa wound care hanggang sa unang pagligo pagkatapos manganak, natural lamang na maging overwhelmed sa dami ng impormasiyon. Kaya upang makatulong sa best hygiene practices matapos ang normal vaginal or C-section delivery, narito ang isang simpleng guide.
Pagligo Pagkatapos Manganak: Kailan ang Tamang Panahon?
Gusto ng mga mommies na fresh and clean sila bago hawakan ang kanilang baby at kamanghaan ang napaka-cute na maliit nilang features. Pero, minsan, may mga pagaalinlangan sila tungkol sa pagligo pagkatapos manganak o kung safe ba magbabad sa bathtub.
Narito ang isang importanteng dapat tandaan: Wala namang strict na rules tungkol sa pagligo pagkatapos manganak. Depende ito sa iba’t ibang factors.
Halimbawa, normal delivery ba o Cesarean ang panganganak? Kamusta ang iyong energy level? May sugat bang dulat ng episiotomy? Ano ang ginamit ng surgeon para sa iyong stitches?
Lahat ng ito’y dapat i-consider, kaya ang best course of action ay i-contact ang iyong healthcare provider. Gayun pa man, narito ang isang general guide para sa pagligo pagkatapos manganak.
Pagligo Pagkatapos Manganak via Vaginal Delivery
Kung ika’y nanganak via normal spontaneous delivery or vaginal birth, marahil, puwede ka nang maligo kapag kaya mo na. Alalahanin lamang ang mga guidelines na ito:
- Ayon sa mga reports, maaari kang mag-shower kahit kailan, basta malakas ka na upang magawa ito.
- Ang pagbabad sa bathtub ay okay lang, pero iba-iba ang mga opinyon ng eksperto ukol dito. Importante ring siguraduhin na ang iyong tub at ang tubig ay malinis.
- Sabi ng iba, kailangang magantay ng 3 araw bago makapag-relax sa bathtub; sabi naman ng iba safe naman ito basta’t maingat ka sa produkto na gagamitin.
- Para makasiguro, gumamit lamang ng malinis na tubig para magbabad.
- Kung ika’y may episiotomy wound mabuting mag-antay ng 24 hours bago maligo.
- Ayon sa maraming institusyon, ang pag-soak sa konting plain, warm water o Sitz bath ng 15 na minuto ay makakapagbigay ng ginhawa. Gawin ito dalawa o tatlong beses sa isang araw, lalo na kung ika’y nahirapan o sumasakit ang iyong episiotomy or tear wound.
- Kung ika’y may tahi, tanungin ang iyong doktor kung safe bang magbabad sa mainit na tubig. May ibang klaseng stitch na maaaring mag-dissolve sa mainit na tubig.
- Pagkatapos maligo o mag-shower, siguraduhing maingat na tuyuin ang vaginal area.
Pagligo Pagkatapos Manganak via C-section
Ang panganganak via C-section ay naiiba sa pangangnak via normal delivery. Para sa karamihan, magbibigay ang doktor ng striktong instructions kung kailan ka puwedeng mag-shower o maligo. Ito’y karaniwang isini-schedule kapag gumaling na ang sugat ng iyong incision.
Narito ang mga ibang guidelines na dapat tandaan:
- Maaaring puwede ang pag-shower kung may stitches, glue, o staples na ginamit upang isara ang iyong balat. Pero maaari ring i-advise ng doktor na mag-antay ng ilang araw.
- Maaaring payagan ka ng doktor na gumamit ng antimicrobial bath soap, pero subukang huwag i-apply directly ang soap. Maaaring pabulain muna ito sa iyong kamay bago mo ito i-apply sa sugat.
- Habang nasa shower, madalas sapat nang hayaan tumulo ang tubig sa iyong sugat.
- Huwag kusutin ang sugat.
- Siguraduhing maligamgam ang tubig, hindi masyadong mainit o malamig.
- Dahan-dahang tuyuin ang area upang siguraduhing dry ito matapos maligo.
- Maaaring hindi ka payagan ng iyong doktor na magbabad sa bathtub pagkatapos ang C-section. Ayon sa maraming reports kailangang mag-antay ng ilang linggo bago gawin ito.
- Kung ika’y magka-almuranas, ang pag-soak sa warm water ay maaaring i-advise ng iyong doktor. Pero ang water level ay dapat mababa upang hindi mabasa mismo ang sugat.
Importante na panatilihing malinis ang iyong katawan upang maalagaan mo ang iyong baby, lalo na kung gusto mong mag-breastfeed. Pero maliban dito, ang pagligo pagkatapos manganak ay maaaring:
- Mag-reduce ng risk ng impeksiyon. Sa paninigurong ang iyong katawa’y malinis, maaari mong pigilan ang impeksiyon.
- Gagaan ang iyong pakiramdam. Ang pagligo ay tumutulong upang ika’y maging refreshed. Ito’y maaaring makatulong na i-increase ang iyong energy upang pangalagaan ang iyong pamilya, lalo na ang iyong baby.
- Pag-promote ng pagdaloy ng dugo. Ang warm bath, lalo na ang Sitz bath para sa vaginal birth, ay maaaring mag-promote ng blood flow.
- Naiibsan ang pain at nagpopromote ng relaxation. Ang pagligo pagkatapos manganak ay isang relaxing experience, lalo na dahil naso-soothe nito ang perineal pain at soreness sa dibdib.
Para sa vaginal birth at C-section delivery, kailangan mong humingi ng tulong kung sa tingin mo’y wala ka pang sapat na lakas upang maligo mag-isa.
Key Takeaways
Maliban sa pag-iingat sa pag-shower o pagligo, alalahanin na kailangang kumunsulta sa doktor kung ma-experience mo ang mga ito:
- Fever na 38°C pataas (with or without chills)
- Hirap sa pag-urinate o bowel movement
- Malakas na vaginal bleeding (more than 1 soaked pad per hour)
- Biglaan at malalang kawalan ng lakas
- Pagkawalan ng malay
- Panlalambot, pamamaga, o pamumula sa legs o breasts
- Discharge mula sa vagina or sugat na may mabahong amoy
- Hirap sa paghinga
- Incision wound na nabuksan o hindi gumaling.
Ang pagligo pagktapos manganak ay importantent parte ng postpartum recovery. Pero dahil maraming kailangang i-consider, mag-ingat kapag nag-shower o naligo sa bathtub. Kung may katanungan tungkol sa pagligo pagkatapos manganak, huwag mag-alinlangan na i-contact ang iyong doktor.
Alamin ang latest news and updates tungkol sa Postpartum Care dito.
[embed-health-tool-due-date]