backup og meta

Paghilab Ng Tiyan Ng Buntis: Dapat Bang Ipag-Alala?

Paghilab Ng Tiyan Ng Buntis: Dapat Bang Ipag-Alala?

Ang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis ay karaniwan at wala kang dapat ipag-alala dito. Kung ang sakit ay banayad at nawawala kapag nagpalit ka ng posisyon o nagpahinga, malamang na walang dapat alalahanin.

Malamang na ito ay parte ng pagbubuntis na tinatawag na growing pains. Ang pagbubuntis ay kadalasang isang kapanapanabik na panahon sa buhay ng isang babae. Subalit, ito rin ay isang panahon na puno ng kakaibang mga bagong pisikal na sintomas o karanasan. 

Ang mga cramps at spasms ay ilan lamang sa mga sintomas na nararanasan ng maraming kababaihan sa panahon ng pagbubuntis.

Sintomas Ng Paghilab Ng Tiyan Sa Buntis: Posibleng Dahilan

Ang ganitong klaseng paghihilab ay dahil sa lumalawak ang mga ligaments upang suportahan ang lumalaking tiyan. Maraming dahilan kung bakit sumikip ang tiyan o tiyan sa panahon ng pagbubuntis, at maaaring mag-iba ang mga ito, depende sa trimester.

Nagbabanat Na Tiyan

Lumalawak ang tiyan at lumalaki ang matris sa unang trimester upang mabigyang daan ang lumalaking fetus. Ang nagbabanat ng tiyan ay maaaring maging sanhi ng cramps o matalim na pananakit sa may gilid ng tiyan.

Kabag

Pangkaraniwan na sa nagbubuntis ang kabag o gas pain dahil sa pagtaas ng progesterone. Pinapahaba ng progesterone ang oras ng paglalakbay ng pagkain patungo sa bituka. Dahil dito, nananatili ang pagkain sa colon ng mas matagal kung saan mas maraming gas ang nabubuo. Kadalasan ang sakit na dulot nito ay katulad ng cramps o spasm.

Paninigas Ng Dumi

Ang sintomas ng paghilab ng tiyan sa buntis ay maaaring dahil sa  paninigas ng dumi. May mga pagbabago sa iyong mga hormones at nagreresulta ito sa pagbagal ng iyong gastrointestinal tract.

Suriin mo na rin ang prenatal na bitamina na ibinigay ng iyong doktor. Maaaring kasama dito ang iron na syang dahilan kung bakit naninigas ang iyong dumi at nakakaramdam ka ng sakit sa tiyan.

Braxton Hicks Contractions 

Ang Braxton Hicks contractions Ito ay maaaring maramdaman mo sa second trimester ng pagbubuntis. Ngunit hindi lahat ng buntis ay nakakaramdam nito. Nangyayari ito dahil minsan ay nagsasanay ang iyong katawan para sa panganganak.

Ang tawag dito ay “false labor” pains kung kaya ang paghilab na ito ay mas banayad sa sakit ng totong panganganak. Kadalasan ito ay nawawala ng di kahit walang gamot.

May ilang mga bagay na maaaring mag-trigger o magpalala ng mga contraction dulot ng Braxton-Hicks. Ito ay ang sumusunod:

  • pakikipagtalik o orgasm
  • dehydration
  • punong pantog
  • pagsipa ng sanggol

Unang Lunas Sa Sintomas Ng Paghilab Ng Tiyan Sa Buntis

  • Kapag banayad ang sakit at walang ibang kasamang sintomas maaari mong gawin ang sumusunod bilang paunang lunas:
  • Subukan mong umupo, humiga, o magpalit ng posisyon
  • Magbabad sa lukewarm na tubig
  • Subukan ang mga ehersisyong nakaka-relax
  • Maglagay ng mainit na water bottle na nakabalot sa tuwalya 
  • Uminom ng maraming tubig

Kailan Dapat Mag-Alala Sa sintomas Ng Paghilab Ng Tiyan Ng Buntis?

Karamihan ng mga kaso ng paghilab ng tiyan ay di dapat ipag-alala. Subalit kung ito ay lumalakas o papalapit ang mga contraction, ito ay di napapawi at may tumutulo na likido o pagdurugo sa ari, dapat nang kumunsulta sa doktor.

Bihirang ang pananakit ng tiyan ay nagpapahiwatig ng miscarriage o pagkalaglag ng bata sa sinapupunan. Ang miscarriage ay pinaka-karaniwan bago ang ika-12 linggo ng pagbubuntis, at iba-iba ang mga palatandaan nito sa bawat buntis.

Regular Na Prenatal

Mahalaga para sa isang buntis na makakuha ng regular na prenatal care upang masubaybayan ng kanyang doktor ang paglaki ng sanggol.

Sa pangkalahatan, normal lang naman ang mga cramps sa tiyan pag ikaw ay buntis. Gayunpaman, maaaring ito ay isang senyales ng bagay na mas seryoso at kailangang suriin. Sa ganitong sitwasyon, mas mabuting tawagan agad ang iyong doktor upang ikaw ay masuri.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stomach pain in pregnancy, https://www.nhs.uk/pregnancy/related-conditions/common-symptoms/stomach-pain/#:~:text=Stomach%20(abdominal)%20pains%20or%20cramps,a%20poo%20or%20pass%20wind., Accessed July 15, 2022

Causes of stomach tightening during each trimester, https://www.medicalnewstoday.com/articles/321659, Accessed July 15, 2022

Pregnancy Cramps, https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-concerns/cramping-during-pregnancy/, Accessed July 15, 2022

What really happens during a miscarriage, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/what-really-happens-during-a-miscarriage, Accessed July 15, 2022

Kasalukuyang Version

07/10/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pananakit Ng Likod Ng Buntis, Ano Kaya Ang Maaaring Dahilan?

Gamot Sa Manas Ng Buntis: Alamin Ang Mga Mabisang Halamang Gamot


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement