backup og meta

Sintomas Ng Maselang Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?

Sintomas Ng Maselang Pagbubuntis, Anu-ano Nga Ba?

Ang pagbubuntis ay hindi birong panahon para sa mga babae. Doble ang pag-iingat na kailangan sa bawat kilos na ginagawa ng isang buntis. Kailangan na palaging kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng wastong vitamins na kinakailangan. Ganoon na rin kahalaga ang pag-alam sa mga sintomas ng maselang pagbubuntis.

Sintomas ng Maselang Pagbubuntis

Madalas na magkakaiba ang sintomas na nararanasan ng mga babaeng buntis. Ang pinagkapareho lamang at isa sa sintomas ay ang pagkawala ng buwanang dalaw. Masisigurado naman ng isang babae kung siya ay buntis kapag gumamit ng pregnancy test.

Ilan ang sumusunod sa maaaring maranasan kung ikaw ay buntis.

  • Hindi pagkakaroon ng regla
  • Malambot at namamaga ang suso
  • Pagduduwal na maaaring mayroon o walang suka
  • Palagiang pag-ihi
  • Pagkapagod
  • Pabago-bagong ugali
  • Pananakit ng likod
  • Sakit ng ulo
  • Pagnanasa o pag-ayaw sa pagkain
  • Pangingitim ng areola o parte ng balat na nakapalibot sa utong
  • Bloating o pagkabusog
  • Light spotting

Komplikasyon sa Pagbubuntis

Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga buntis upang mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan. Ngunit may ilang mga pagkakataon na mararanasan upang maging maselan ang pagbubuntis. Sa ganitong sitwasyon, kinakailangang kumonsulta kaagad sa iyong doktor.

Preeclampsia

Ang preeclampsia ay isang kondisyon na nangyayari lamang sa panahon ng pagbubuntis. Ilan sa maaaring sintomas nito ay high blood pressure at pagkakaroon ng protina sa ihi, na kadalasang nangyayari pagkatapos ng ng ika-20 linggo ng pagbubuntis. Lima hanggang walong porsyento ng mga pagbubuntis ang naapektuhan ng kondisyong ito.

Maaaring pigilan ng preeclampsia ang inunan na makakuha ng sapat na dugo. Kapag ito ay nangyari, hindi sapat o kaunti lamang ang nakukuhang oxygen at pagkain ng sanggol. Ito ay magreresulta sa mababang timbang ng sanggol pagkapanganak. Kung kaagad na matukoy ito sa iyong pagbubuntis, maaari pa rin maging malusog ang sanggol sa tulong ng panggagamot at regular na pangangalaga.

Minsan ay walang sintomas na ipinapakita ang preeclampsia sa panahon ng pagbubuntis. Sa ilan naman, ang kadalasang sintomas ay unti-unting pagtaas ng blood pressure. Ganito na lamang kahalagang i-monitor ng isang buntis ang kanyang blood pressure. Hindi normal ang blood pressure na lumalampas sa 140/90 millimeters ng mercury o higit pa na naitala sa dalawang pagkakataon, hindi bababa sa apat na oras na pagitan.

Kabilang pa sa mga maaaring sintomas nito ay ang sumusunod:

  • Pagkakaroon ng labis na protina sa ihi ng buntis o karagdagang mga palatandaan ng problema sa bato
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Nagbabagong paningin, kabilang ang pansamantalang pagkawala ng paningin, malabong paningin o pagiging sensitibo sa liwanag
  • Pananakit ng tiyan na kadalasan sa ilalim ng iyong tadyang sa kanang bahagi
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Hindi gaanong pag-ihi
  • Pagbaba ng platelets sa dugo
  • Problema sa atay
  • Kapos na paghinga

Antiphospholipid Syndrome

Ito ay isang sakit na autoimmune. Nangyayari ito kapag ang iyong immune system ay lumalaban sa mga normal na cells. Sa ganitong sitwasyon, ang katawan ay gumagawa ng mga antibodies na umaatake sa isang uri ng taba sa mga cells. Maaari itong maging sanhi ng thrombosis, thrombocytopenia at pagkawala ng pagbubuntis.

Ang kondisyong ito ay mas madalas na nakaaapekto sa kababaihan kaysa sa kalalakihan. Malamang na magkaroon ng ganitong problema sa pagbubuntis ang mga babaeng may ganito na bago pa man mabuntis. Hindi pa rin alam kung lumalala ba ito o nananatiling pareho sa panahon ng pagbubuntis.

Maaaring magdulot ito ng malubhang problema sa panahon ng iyong pagbubuntis para sa iyo at sa sanggol. Ang mga babae na may ganitong kondisyon ay nasa panganib din para sa iba pang mga problema sa kalusugan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Stroke
  • Mga namuong dugo o blood clot
  • High blood pressure
  • Pagkamatay ng sanggol
  • Hindi maayos na paglaki ng fetus
  • Preterm o kulang sa buwan na panganganak

Amniotic Fluid Complication

Ang sobra o kaunting amniotic fluid sa paligid ng fetus ay maaaring senyales ng problema sa pagbubuntis. Magbibigay ng labis na pwersa sa matris ng ina ang sobrang likido na humahantong sa preterm labor. Habang ang kaunting likido naman ay maaaring senyales ng mga depekto ng kapanganakan, pagkaantala ng paglaki o panganganak ng patay.

Bleeding

Ang pagdurugo sa mga huling panahon ng pagbubuntis ay maaaring senyales ng mga komplikasyon ng inunan, impeksyon sa vagina o cervical, o preterm labor. Maaaring nasa mas malaking panganib na mawala ang fetus at dumugo nang labis ang mga buntis na nakararanas nito. Agaran na dapat kumonsulta sa iyong doktor kung naranasan ang pagdurugo.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Getting Pregnant

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/getting-pregnant/in-depth/symptoms-of-pregnancy/art-20043853

Accessed August 12, 2022

Pregnancy and Medical Conditions

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=pregnancy-and-medical-conditions-90-P02483

Accessed August 12, 2022

Early Signs of Pregnancy

https://americanpregnancy.org/pregnancy-symptoms/early-signs-of-pregnancy/

Accessed August 12, 2022

The Most Common Pregnancy Complications – Causes, Symptoms and Treatments

https://www.fhcsd.org/prenatal-care/what-are-the-most-common-complications-during-pregnancy/

Accessed August 12, 2022

Complications of Pregnancy

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/complications-of-pregnancy

Accessed August 12, 2022

Congenital Abnormalities

https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/developmental-disabilities/Pages/Congenital-Abnormalities.aspx

Accessed August 12, 2022

Antiphospholipid Syndrome in Pregnancy

https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/a/antiphospholipid-syndrome-in-pregnancy.html

Accessed August 12, 2022

Preeclampsia

https://americanpregnancy.org/healthy-pregnancy/pregnancy-complications/preeclampsia/

Accessed August 12, 2022

Medical Conditions and Pregnancy

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/staying-healthy-during-pregnancy/medical-conditions-and-pregnancy

Accessed August 12, 2022

 

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement