backup og meta

Sugat Sa Cesarean, Paano Nga Ba Ito Inaalagaan?

Sugat Sa Cesarean, Paano Nga Ba Ito Inaalagaan?

Congratulations sa iyong bundle of joy! Ang journey mo sa panganganak ay malamang hindi naging madali, pero ang postpartum care ay maraming challenges. Pero huwag mag-alala, dahil may helpful sources tulad ng guide na ito para tulungan ka sa pag-aalaga ng iyong sugat sa cesarean.

Narinig mo na siguro ito sa iyong healthcare provider o sa pamilya at mga kaibigan na nagbibigay-daan ang C-section para sa higit pang care and recovery.

Ang maternity leave days ay pinalawak ng gobyerno noong Pebrero 20, 2019. Ito ay 78 days para sa cesarean section delivery, hanggang 105 days — regardless kung normal ang panganganak o sa pamamagitan ng c-section.

Nagbibigay- daan ito para sa mahusay na pangangalaga para sa bata at para sa iyong ligtas na paggaling bago makabalik sa trabaho sa pinakamaayos mong kalagayan.

Pag-aalaga ng Sugat sa Cesarean: Pag-alam sa mga uri nito 

  • Vertical incision o ang “classical cut”- Ito ay ginagawa mismo sa ibaba ng pusod hanggang sa linya ng pubic hair, sa gitna mismo ng iyong tyan. Ito ang dating common practice; pero ngayon, ginagawa na ito sa partikular na dahilan para i-consider ang posisyon ng sanggol sa loob ng sinapupunan, o kung may dati nang peklat sa bahaging iyon. Ang ganitong incision ay pwedeng mangailangan ng mas maraming oras para maka-recover at ito ay mas masakit kasya sa horizontal incisions.
  • Horizontal incision o ang “bikini cut “- malawakang ginagamit sa c-section deliveries, dahil naitatago at natatakpan nito ang peklat habang gumagaling. Ito ay nasa lowest area ng matris at nagreresulta sa mas kaunting bleeding dahil ito ay may mas manipis na hiwa kumpara sa vertical incision.

Ano ang aasahan pagkatapos ng C-section Delivery 

Karaniwang misconception na ang c-section ay ang “mabilis at madaling paraan” para maipanganak ang isang sanggol. Isa pa, na ito ay ganap na walang sakit at ito ay pinakamainam para sa mga ina na gustong umiwas sa nakakatakot na proseso ng pag-iri palabas sa iyong sanggol sa loob ng mga contraction.

Hindi ka makakaranas ng sakit ng panganganak, pero dapat maghanda para sa kung ano ang darating pagkatapos. May dahilan kung bakit ang c-section deliveries ay nangangailangan ng mas maraming araw ng maternity leave. Ito ay dahil mas mahaba ang iyong recovery time.

Pananakit ng tiyan sa loob ng 1-2 linggo pagkatapos mawala ang anesthesia – ang recovery time ay maaaring iba para sa lahat ng ina, ngunit ang 1-2 linggo ay isang estimated figure.  Ang sakit ay hindi lamang sanhi ng sugat sa cesarean. Ang iyong matris ay patuloy na bumabalik sa hugis nito bago ang pagbubuntis, na siyang dahilan ng:

Patuloy na pagdurugo habang ang iyong matris ay umuurong pabalik sa iyong pre-pregnancy state,  ilalabas mo ang madugong discharge na kilala bilang lochia. Ito ay hindi dapat i- pag-aalala at ganap na normal. Kung patuloy ang pananakit, kumonsulta sa iyong OB-GYN dahil maaari siyang magreseta ng ilang breastfeeding-friendly medication para makatulong na ma-manage ang pananakit.

  • Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong na paikliin ang postpartum bleeding. Maaari itong tumagal ng hanggang 3 buwan, kaya i-latch ang iyong sanggol nang maaga hangga’t maaari. May mga posisyon na maaari mong subukan nang hindi nakasandal sa direksyon kung nasaan ang iyong sugat sa cesarean.

C-Section Wound Care: Mga kapaki-pakinabang na tip para sa mga New Moms

Ang mga bagong ina ay karaniwang umuuwi na habang ang kanilang mga sugat sa cesarean ay sariwa pa at nakasuot ng bandages. Narito ang ilang mga tip upang gawing mas madali ang pag-aalaga ng sugat sa cesarean:

  • Palitan ang iyong benda araw-araw. Ito ay magbibigay-daan sa iyong sugat na huminga at matuyo nang mas mabilis, kumpara sa pagbabad sa isang medicated bandage sa loob ng ilang araw. Maliban kung madumi o nabasa ang iyong benda, palitan ito kaagad kahit na hindi pa lumipas ang 24 na oras. Nakakatulong din ito na mabawasan ang anumang uri ng impeksiyon na maaaring makuha ng iyong sugat sa cesarean.
  • Ang banayad na sabon at tubig ay sapat na upang linisin ang iyong sugat sa cesarean. Huwag kuskusin ang iyong sugat, dahil maaari itong manatiling malambot ng  least 2-3 araw. Hayaang makahinga ang iyong sugat sa ilalim ng umaagos na tubig habang naliligo ka.
  • Kung ang iyong sugat ay na-staple, nakadikit, o natahi, maaari mong tanggalin ang iyong benda habang naliligo ka.
  • Bigyan ang iyong sarili ng hindi bababa sa 3 linggo pagkatapos ng panganganak bago lumangoy. Gayundin ang makibahagi sa mga aktibidad na ibabad ang iyong katawan.
  • Kung ang iyong sugat ay isinara gamit ang strips, maaari kang mag-shower kasama ang mga ito at hayaan silang mahulog nang mag-isa. Huwag alisin ang mga ito maliban kung binigyan ka ng clearance ng iyong doktor na gawin ito.

Pangangalaga sa sugat sa Cesarean: Tips kung paano ka makaka-recover nang mas mabilis

  • Dagdagan ang iyong aktibidad habang nagpapagaling. Huwag pilitin ang iyong sarili na bumangon sa kama kung ang pakiramdam mo ay groggy o nakakaranas ng matinding sakit; gayunpaman, siguraduhing maglakad-lakad paminsan-minsan, kahit isang beses sa isang araw. Makakatulong ito sa iyong katawan na mag-adjust at masanay sa mas maraming pisikal na aktibidad habang lumalakas ka.
  • Bigyan ang iyong sarili ng 1-2 buwan bago ka magbuhat ng mas mabigat maliban sa iyong sanggol.
  • Okay lang ang mga light at magaan na gawaing bahay ( halimbawa: pagtitiklop ng nilabhan, pagpupunas ng mga kasangkapan na hindi nangangailangan ng squatting o pagluhod) Patuloy na dagdagan ang mga pisikal na paggalaw habang ikaw ay nagpapagaling. Pakiramdaman ang iyong katawan.
  • Kumuha ng tamang clearance mula sa iyong doktor. Ito ay para sa kung kailan ka maaaring magsimulang makipagsex pagkatapos ng pagbubuntis at kung kailan ka makakapag-ehersisyo. Huwag mag-crunch, sit-up, o paggalaw sa tiyan na maaaring magresulta sa mas mabagal na paggaling ng sugat sa cesarean.

Kailan dapat magpatingin sa iyong doktor

Kung nakakaranas ka ng matinding pagdurugo nang higit sa 4 na araw, o bahagyang pagdurugo ngunit nagpapatuloy pagkatapos ng isang buwan, makipag-ugnayan kaagad sa iyong healthcare professional.  Bukod sa wastong pangangalaga sa sugat sa cesarean at napansin mo ang iba pang mga sintomas tulad ng:

  • lagnat
  • pamamaga sa paligid ng iyong sugat
  • sakit at pamumula sa paligid ng iyong sugat
  • mabahong amoy na nagmumula sa sugat

Kumunsulta agad sa iyong doktor.

Kung nag-aalala ka tungkol sa pagkakaroon ng peklat, may ilang paraan kung paano ito gagamutin. Halimbawa ay paggamit ng mga produkto at cream na may silicone at pag-iwas sa araw.

Ang mabuting balita ay: hangga’t nananatili ka sa iniutos ng doktor, dapat kang gumaling sa loob ng halos 2 linggo. 

Mahalaga ang open communication sa iyong partner o sa sinumang miyembro ng pamilya na tumutulong sa iyo sa panahon ng iyong recovery, dahil ito ang oras kung kailan kailangan mo ng tulong. 

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Maternity Leave Period Increased Under Law ecop.org.ph/maternity-leave-period-increased-under-new-law/ Accessed January 14, 2022

Going Home after a C-section medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000624.htm Accessed January 14, 2022

C-section recovery www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/in-depth/c-section-recovery/art-20047310 Accessed January 14, 2022

C-Section recovery www.nhs.uk/conditions/caesarean-section/recovery/ Accessed January 14, 2022

Do’s and Don’ts of Healing from a C-Section https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/intermountain-moms/2018/03/the-dos-and-donts-of-healing-from-a-csection/ Accessed January 14, 2022

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Batang maagang nabuntis at nanganak sa edad na 5 taon! Kilalanin!

Paraan Para Bumaba Ang Cervix, Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement