backup og meta

Paraan Para Bumaba Ang Cervix, Alamin Dito

Paraan Para Bumaba Ang Cervix, Alamin Dito

Maraming pwedeng maging dahilan kung bakit gugustuhin ng isang buntis na makahanap ng paraan para bumaba ang cervix. Ang induction of labor ay isang paraan na nag-uudyok sa pag “contract” o pag-urong ng matris ng isang buntis. 

Karaniwan na ang vaginal birth ay nangyayari ng walang pag-uudyok. Ngunit sa ganitong sitwasyon, maaaring gustuhin ng buntis na gumamit ng ibang paraan upang mapadali ang panganganak.

Mga dahilan kung bakit kailangan ng paraan para bumaba ang cervix

Ito ang mga dahilan kung bakit nanaisin ng isang buntis na madaliin ang panganganak:

  • Pagod na sa pagiging buntis (at umabot sa 39 na linggo).
  • Gustong iwasan ang isang tiyak na petsa ng panganganak, gaya ng holiday. 
  • Nais na ipanganak ang kanilang mga sanggol sa mga partikular na petsa.
  • Isinaalang-alang ang schedule ng mahal sa buhay.
  • May mga inaalalang issues sa kalusugan

Kung ang iyong pagbubuntis ay hindi komplikado, mas mabuting maghintay ng natural o spontaneous labor. Gayunpaman, may ibang buntis na kakailanganin ang induction dahil sa mga komplikasyon gaya ng preeclampsia o lampas na ang panganganak sa takdang petsa.

Papel ng cervix sa panganganak

Importante ang papel ng cervix sa iyong panganganak kung kaya humahanap ng paraan para bumaba ang cervix. Ang cervix ay ang mas mababang bahagi ng matris. Humigit-kumulang dalawang pulgada ang haba nito, at hugis pantubo. Lumalawak ito sa panahon ng panganganak upang bigyang daan ang pagdaan ng sanggol. 

Malaki ang papel ng iyong cervix sa pagpapadali ng panganganak. Sa panahon ng pagbubuntis, ang cervix ay karaniwang matatag at matigas upang makatulong na hawakan ang sanggol sa matris. Iyan ay isang magandang bagay para sa karamihan ng pagbubuntis. 

Ngunit sa mga huling araw o linggo bago ang panganganak, ang cervix ay nagsisimulang lumambot at bumukas bilang paghahanda.  Ngunit ano ang paraan para pababain ang cervix kapag nais mo nang manganak at ito ay hindi pa handa?

Mga paraan para bumaba ang cervix

May mga paraan ang mga doktor upang bumaba ang cervix at hikayatin ang maagang panganganak. Ang sumusunod ay mga options na maaari mong isaalang-alang:

Natural na pamamaraan

Kung nais mong matulungan na bumaba ang iyong cervix, makabubuti ang pagbangon at paggalaw sa iyong tahanan. Maari mong subukan ang mga sumusunod na paraan:

  • Maglakad sa paligid ng silid
  • Gumawa ng mga simpleng movements sa kama o upuan
  • Pagwawalis sa tahanan
  • Pag-aasikaso sa iyong mga tanim
  • Pagsasayaw ng simpleng hakbang
  • Gumamit ng exercise ball o birthing ball
  • Regular na pagtawa

Interbensyong medikal

Natural man na proseso ang panganganak, may mga pagkakataon na kailangan ng interbensyon ng siyensya upang makahanap ng paraan para bumaba ang cervix. Kailangan ang interbensyon ng doktor kung

  • May impeksyon sa uterus ang buntis
  • Ang sanggol ay overdue na ng dalawang linggo 
  • Hindi nabasag ang water bag ngunit walang contractions
  • Kondisyong medikal na nagdadala ng komplikasyon sa panganganak

Prostaglandin

Sa mga ganitong sitwasyon maaaring gumamit ang doktor ng gamot na may prostaglandin. Ito ay isang paraan para bumaba ang cervix at lumuwang ito. Membrane stripping ang tawag sa proseso kung saan kukuskusin ng mga daliri ang membranes ng amniotic sac upang palabasin ang prostaglandin sa uterus.

Ang medical cervical ripening gamit ang oral o vaginal suppository drugs ay isa ring paraan para bumaba ang cervix. Ang mga gamot gaya ng prostaglandin at misoprotol ay karaniwang ginagamit upang pababain ang cervix. Iba-iba ang formulations ng mga gamot na ito at depende na sa iyong doktor kung ano ang kanyang gagamitin.

Kombinasyon ng pamamaraan

Maaaring gumamit ng mga kombinasyon ng pamamaraan gaya ng gamot, natural, o mekanikal upang bumaba ang cervix. Napag-alaman na ang paggamit ng mga pamamaraang ito ay ligtas at may parehong mga resulta.

Sa ilang mga protocol para sa cervical ripening, ang mekanikal at ang mga medikal na paraan ay ginagamit nang sabay-sabay. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpakita na ang paggamit ng parehong mga pamamaraan sa parehong oras ay ligtas at maaaring makamit ang parehong resulta sa mas kaunting oras.

Karamihan sa mga kababaihan ay sumasang-ayon na sa pagtatapos ng kanilang 40-linggong pagbubuntis, mas handa na silang makilala ang kanilang magiging baby. At sa sandaling magsimula ang proseso ng panganganak, talagang handa na silang lampasan ang huling hadlang kahit na gumamit man ng iba’t-ibang paraan para bumaba ang cervix.

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322810, Accessed July 13, 2022

https://www.webmd.com/baby/inducing-labor-naturally-can-it-be-done, Accessed July 13, 2022

https://utswmed.org/medblog/cervical-ripening-techniques/, Accessed July 13, 2022

https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/22165-cervical-ripening, Accessed July 13, 2022

https://kidshealth.org/en/parents/inductions.html, Accessed July 13, 2022

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Anu-Ano ang mga Uri ng Pagkalaglag? Alamin Dito

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement