Mahalaga na malaman ang side effect ng epidural na anesthesia sa buntis, dahil ito ang most common method na ibinibigay sa ina, kapag sila’y malapit ng manganak. Kadalasan ang mga doktor ay nagbibigay ng epidurals–kung sila ay kailangang sumailalalim sa cesarean o C-section, maging sa panahon ng labor at natural na panganganak. Sa kabila ng mga benepisyo taglay nito, mahalaga pa rin na malaman ang ilang posibleng epekto ng epidural, para na rin sa kaligtasan at pag-iingat.
Basahin ang artikulong ito para sa mahahalagang detalye at impormasyon.
Epekto ng Epidural sa Buntis
Para sa karamihan, ang epidural anesthesia ay ligtas. Hindi dapat mag-alala ang mga ina tungkol dito. Sa katunayan, ang epidural anesthesia ay naglalaman ng “lowest amount of medication”. Ito’y nangangahulugan, na ang ina ay hindi “na-knocked out” habang sila’y nanganganak. Sa madaling sabi, makapagpapasuso at maaalagaan nila ang kanilang anak, sa lalong madaling panahon pagkatapos manganak.
Kahit na ang epidurals ay ligtas, mayroon pa ring maliit na pagkakataon na ang mga ina ay pwedeng makaranas ng ilang epidural side effects. Mahalagang magkaroon ng kamalayan sa mga sintomas na ito, para maipaalam sa’yong doktor ang tungkol sa mga ito, at mabigyan ng angkop na treatment, kung kinakailangan. Narito ang mga sumusunod na epekto:
Side Effect ng Epidural sa Buntis: Mababang presyon ng dugo
Ang isa sa mga madalas na epekto ng epidural ay ang mababang presyon ng dugo. Karaniwan itong inaasahan, at sinusubaybayan ng mga doktor habang ikaw ay gumagaling. Gayunpaman, kung ang iyong presyon ng dugo ay masyadong bumaba, bibigyan ka ng mga doktor ng gamot upang makatulong na maibalik ito sa normal.
Sinasabi na ang iyong presyon ng dugo ay dapat na makabalik sa normal, lalo na kapag ikaw ay ganap na naka-recover mula sa panganganak.
Side Effect ng Epidural sa Buntis: Pagduduwal
Pangalawa sa listahan ng mga side effect ng epidural ay ang pagduduwal. Karaniwang nagaganap ito bilang resulta ng pagkakaroon ng mababang presyon ng dugo. Bagaman, posibleng ang gamot na ibinigay ang dahilan kung bakit ka nasusuka, kadalasan na ito ay nawawala din pagkatapos mawala ang epekto ng anesthesia.
Kung nakakaranas ka ng side effect na ito, siguraduhing ipaalam sa’yong doktor ang tungkol dito. Pwede silang magbigay sa’yo ng gamot upang makatulong na mapawi ang pagduduwal.
Side Effect ng Epidural sa Buntis: Pagkawala ng kontrol sa bituka o pantog
Ang pagkawala ng kontrol sa bituka o pantog ay karaniwang side effect ng epidural sa buntis. Ito’y dahil pinamanhid ng epidural ang ilan sa’yong mga ugat–pwedeng hindi mo masabi kung kailangan mo nang pumunta sa banyo. Karaniwang nawawala ang mga sintomas na ito, kapag naubos na ang gamot na ginamit at humupa na sa katawan.
Pansamantala, ang madalas na ginagawa ng mga doktor ay pagpapasok ng catheter sa’yong pantog para makatulong sa pag ihi.
Sakit ng ulo
Ang pananakit ng ulo ay medyo bihira pagdating sa epidural side effect. Karaniwan, ang mga ito ay pwedeng gamutin ng over-the-counter medication. Ito’y nawawala pagkatapos ng maikling panahon.
Gayunpaman, posibleng tumagal ang pananakit ng ulo ng ilang araw o kahit na linggo. Kinikilala rin ito bilang spinal headache. Para sa karamihan, ang pagkakaroon ng sapat na pahinga gayundin ang pag-inom ng gamot sa pananakit ay makakatulong, partikular, sa ganitong uri ng pananakit ng ulo.
Ngunit kung ito ay lumala, o kung ang sakit ay hindi nawala, pinakamahusay na kumunsulta sa’yong doktor tungkol dito.
Kahirapan sa paglalakad
Panghuli, posibleng makaranas ng kahirapan sa paglalakad, bilang isa sa mga posibleng epekto ng epidural. Nagaganap ito bilang resulta ng pamamanhid na epekto ng anesthesia.
Para sa karamihan, dapat kang makalakad at maramdaman ang iyong mga binti sa ilang sandali matapos ang mawala ang anesthesia. Gayunpaman, pwede kang makaramdam ng ilang pamamanhid o panghihina kahit ito’y mawala, ngunit hindi ito dapat alalahanin. Pero dapat ka pa ring mas maingat, para maiwasan ang anumang pagkadulas at pagkahulog.
Gaya ng nakasanayan, kung maranasan mo ang mga sintomas na ito nang mas matagal, o kung hindi nawawala ang pamamanhid, siguraduhing kumunsulta sa’yong doktor sa lalong madaling panahon.
Matuto pa tungkol sa Labor at Panganganak dito.