Isa sa pinakamahirap na puwedeng pagdaanan ng isang ina ang natural birth, dahil may kaakibat itong iba’t ibang sakit ng labor. Lumalabas sa statistics na marami sa mga babae ang mas pinipili ang C-section delivery kaysa sa normal delivery dahil sa takot na makaranas ng iba’t ibang klase ng sakit.
Maganda ang maging handa sa mga bagay na ito. Kung malapit ka nang manganak, at nais mo ang normal delivery, narito ang ilan sa mga uri ng sakit ng labor na maaari mong maranasan.
[embed-health-tool-due-date]
Uri Ng Sakit Ng Labor At Panganganak
Kadalasan nangyayari ang sakit ng labor habang nanganganak at sa pagitan ng contractions, sa mga oras na sinusubukang itulak ng iyong uterus ang sanggol palabas. Madalas ding maranasan ang sakit ng labor sa palibot ng bandang baba ng iyong likod (lower back) at sa pelvis area.
Kadalasan napakasakit ng sakit ng labor, at tumitindi sa bawat contraction. Bukod dyan, kapag mas masakit ang back pain/labor pain, mas matagal din ito bago mawala. Ngunit hindi ito dapat maging sanhi ng pag-aalala dahil ito ang talagang dapat mong asahan.
Abdominal Cramps
Isa pa sa sakit ng labor na maaari mong maranasan ay ang abdominal cramps. Magkakaiba ang sakit na nararanasan ng mga babae. May nagsasabing para itong menstrual pains, ngunit may nagsasabing para itong waves at mas masakit kaysa sa regular na cramps.
Transitional Labor Pains
Nagsisimula ang transitional labor kapag nagsisimula na ang iyong katawang buksan ang iyong cervix upang ilabas ang sanggol. May mga taong nagsasabi na ito ang pinakamasakit na bahagi ng pag-le-labor.
May posibilidad na makaranas ka ng pressure sa iyong rectal area dahil sa pagbaba ng sanggol sa iyong pelvic floor. Makararanas ka rin ng kaunting discomfort sa paligid ng iyong bewang, balakang, at maging sa iyong singit.
Sakit Habang Nanganganak
Kapag oras nang ilabas ang iyong sanggol, makararanas ka ng sakit ng albor habang itinutulak ang iyong baby palabas. Magiging napakasakit nito, ngunit makararamdam ka ng ginhawa sa oras na lumabas na ang iyong anak.
May malaki ring tsansang makaramdam ka ng mahapdi/masakit na pakiramdam sa opening ng iyong vagina matapos manganak. Gayunpaman, normal lang ang lahat ng ito dahil katatapos mo lang ilabas ang iyong baby.
Vaginal Tear
Kung masyadong malaki ang ulo ng sanggol para sa iyong vaginal opening, maaari ka ring makaranas ng vaginal tear (perineal laceration) habang nanganganak. Karaniwan itong nangyayari sa isang normal birth delivery.
Gumagaling ito nang kusa paglipas ng dalawang linggo, ngunit may ilang pagkapunit na medyo malaki o may pagdurugo na kailangang tahiin upang tuluyang maisara.