backup og meta

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito

Ang cesarean section, o tinatawag ding C-section, ay isang surgical procedure kung saan ang isang sanggol ay ipinanganak sa pamamagitan ng isang paghiwa sa tiyan at matres ng ina. Tulad ng iba pang operasyon, ang isang C-section ay nagsasangkot ng ilang mga panganib at komplikasyon. Mahalagang malaman kung ano ang mga komplikasyon ng cesarean delivery makagawa ka ng matalinong desisyon, kasama ng iyong doktor, kung ang paraan ng labor na ito ay angkop para sa iyo.

Narito ang mga posibleng komplikasyon ng cesarean section:

Matinding Pagkawala ng Dugo

Ang matinding pagkawala ng dugo sa cesarean section ay isang bihirang ngunit seryosong komplikasyon. Ang average na pagkawala ng dugo sa panahon ng operasyon ay 500 mililitro (ml), ngunit maaari itong maging mas mataas sa ilang mga kaso. Kapag nangyari ito, maaaring kailanganin ng pagsasalin ng dugo (blood transfusion) bilang paggamot.

Mga Namuong Dugo

Ang mga operasyon, kabilang ang cesarean section, ay maaaring magpataas ng iyong panganib na magkaroon ng mga namuong dugo. Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang tugon ng katawan sa isang operasyon ay pagalingin ang sarili. Kabilang dito ang pagtaas ng kakayahan nitong mag-coagulate ng dugo. Ang mga namuong dugo ay maaaring magdulot ng stroke, pulmonary embolism (blood clot sa baga), atake sa puso, o deep vein thrombosis (blood clot sa binti).

Impeksyon

Isa sa mga karaniwang komplikasyon ng cesarean section ay impeksyon, na maaaring umunlad sa mismong lugar ng paghiwa. Upang mabawasan ang panganib ng impeksyon, i-didisinfect ng iyong doktor ang iyong balat bago gawin ang hiwa at siguraduhing na-sterilize ang lahat ng instrumento sa pag-opera. Nagsusuot din sila ng mga sterilized protective equipment (gown, mask, guwantes, atbp.) upang maprotektahan ka at ang kanilang sarili. Tandaan na ang impeksyon ay maaari ring bumuo sa uterine lining at urinary tract.

Pagkatapos ng operasyon, ang panganib ng impeksyon ay naroroon pa rin, lalo na kung hindi mo pinananatiling malinis ang lugar ng paghiwa.

Pinsala sa Bituka o Pantog

Isa pang posibleng komplikasyon ng cesarean section ay ang pinsala sa bituka o pantog. Maaaring mangyari ang mga pinsalang ito sa panahon ng operasyon, ngunit maaaring magpakita ang mga sintomas habang nagpapagaling ka.

Kung nagkakaroon ka ng mga problema sa iyong bituka o pantog pagkatapos ng operasyon, sabihi ito kaagad sa iyong doktor upang masimulan ang agarang paggamot. Kung minsan, ang pinsala sa mga organ na ito ay maaaring mangailangan ng isa pang operasyon.

Reaksyon sa Anesthesia o Iba pang Gamot

Ang allergic reaction sa anesthesia ay bihira, ngunit maaari pa rin itong mangyari. Tatanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong medical history at anumang mga allergy na mayroon ka kapag nag-iskedyul ng operasyon. Kung ikaw ay allergic sa ilang mga gamot o kung mayroon kang allergic reaction noon, maaaring magmungkahi ang doktor ng pagsusuri upang matiyak ito. Ang ilang mga ina ay naniniwala na ang kanilang hindi kasiya-siyang karanasan kasunod ng anesthesia ay isang allergic reaction, ngunit sa katunayan, ito ay maaaring side effect lamang.

Gayundin, maaari kang magkaroon ng negatibong reaksyon sa mga gamot na ibinigay sa panahon at pagkatapos ng C-section, tulad ng mga gamot sa pananakit at antibiotics.

Pinsala sa Sanggol

Ang C-section ay maaaring magdulot ng pinsala sa bagong panganak. Ang mga pinsalang ito ay karaniwang mga gatla o hiwa lamang sa balat habang pinuputol ng doktor ang iyong sinapupunan. Karamihan sa mga ganitong kaso ay minor lamang at gumagaling nang walang problema.

Mga Problema sa Paghinga sa Sanggol

Ayon sa mga ulat, ang mga sanggol na ipinanganak sa pamamagitan ng C-section ay mas malaki ang posibilidad na makaranas ng tachypnea o pagtaas ng respiratory rate. Ang magandang balita ay madalas pansamantala ito, tumatagal lamang ng ilang araw. Kung ang iyong sanggol ay nagkaroon o lumalala ang problema sa paghinga, mangyaring dalhin kaagad ito sa doktor.

Key Takeaways

Mahalagang malaman ang mga panganib at potensyal na epekto ng isang C-section upang makagawa ka ng matalinong desisyon tungkol sa iyong labor at panganganak. Kung hindi ka sigurado sa mga panganib o side effect, pinakamainam na magtanong sa iyong doktor. Ang ilan sa mga komplikasyon ng Cesarean section na kailangan mong pag-isipan ay ang matinding pagkawala ng dugo, mga namuong dugo, impeksyon, pinsala sa bituka o pantog, pinsala sa sanggol, hirap sa paghinga ng mga sanggol, at negatibong reaksyon sa mga gamot at anesthesia.

Alamin ang iba pa tungkol sa Labor at Pangangak dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What all pregnant women should know about blood clots, , https://utswmed.org/medblog/blood-clots-after-delivery/, Accessed August 3, 2022

Understand Your Risk for Excessive Blood Clotting, https://www.heart.org/en/health-topics/venous-thromboembolism/understand-your-risk-for-excessive-blood-clotting#:~:text=Blood%20clots%20can%20travel%20to,body’s%20organs%20or%20even%20death.Accessed August 3, 2022

WHAT IF I’M ALLERGIC TO ANESTHESIA?, https://www.cas.ca/en/about-cas/advocacy/anesthesia-faq/what-if-i-m-allergic-to-anesthesia, Accessed August 3, 2022

Blood loss during cesarean section, https://www.ajog.org/article/S0002-9378(35)90164-8/fulltext, Accessed August 3, 2022

Caesarean section, https://www.nhs.uk/conditions/caesarean-section/risks/, Accessed August 3, 2022

C-section, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/c-section/about/pac-20393655, Accessed August 3, 2022

Kasalukuyang Version

03/13/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Lscs at Kailan Ito Kailangan?

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement