backup og meta

Kailan Kinakailangang Gawin Ang Forceps Delivery?

Kailan Kinakailangang Gawin Ang Forceps Delivery?

Ang forceps delivery ay isang anyo ng assisted delivery o instrumental delivery. Sa ganitong paraan, ang healthcare provider ay gumagamit ng instrumento (forceps o vacuum) para gabayan ang sanggol sa palabas nito sa birth canal. Ang ilang mga nagsasagawa nito ay gumagamit pa ring mga forceps hanggang sa kasalukuyan — kung lubhang kinakailangan — ngunit ang katotohanan ay hindi na ito isinasagawa dulot ng mga panganib na kaakibat nito. Alamin pa sa artikulong ito ang tungkol sa delivery gamit ang forceps.

Ano Ang Forceps?

Ang ginagamit sa assisted delivery ay mukhang malaking tongs ng salad o isang pares ng kurbadong kutsara na may butas sa gitna. Kung titingnan, mapapansing ang dulo ay maaaring “hawakan” ang ulo ng isang bagong panganak na sanggol.

Bakit Iminumungkahi Ng Doktor Ang Delivery Gamit Ang Forceps?

May maraming mga dahilan kung bakit iminumungkahi ng doktor ang forceps delivery:

  • Ang ulo ng sanggol ay nasa hindi mabuting posisyon.
  • Ang ina o ang sanggol ay pagod na sa pag-labor.
  • Matagal na pag-labor, lalo na kung saan sobra na ang isinasagawang push ngunit walang pag-unlad.
  • Ang tibok ng puso ng sanggol ay tila nagpapahiwatig ng problema.
  • May iba pang kondisyon ang ina kung saan ang matagal na pag-labor o push ay contraindicated.

Ang pangunahing bentahe ng assisted delivery ay maaaring maligtas ang ina mula sa pagkakaroon ng malaking operasyon, tulad ng Cesarean Section, na kadalasang mas komplikado habang nasa ikalawang yugto ng pag-labor.

Tandaang imumungkahi lamang ng doktor ang forceps delivery kung ang cervix ay ganap nang dilated, ang membranes ay pumutok na, at ang ulo ng sanggol ay nakababa na sa birth canal.

Gayundin, isinasagawa lamang ito sa mga ospital na nagsasagawa ng CS delivery.

Ano Ang Nangyayari Sa Forceps Delivery?

Una, sasabihin sa iyo ng doktor kung bakit sa tingin nila ay kailangan ang pagsasagawa ng assisted delivery. Matapos makuha ang iyong pahintulot, bibigyan ka nila ng local anesthesia kung hindi ka pa nagkakaroon ng epidural. Maaari ding isagawa ang episiotomy upang mas palakihin ang butas ng puki.

Kung may marami pang mga alalahanin, tandaang maaari ka nilang ilipat sa operating room kung saan maaari silang magsagawa ng CS kung kinakailangan.

Pipiliin ng doktor ang uri ng forceps na gagamitin depende sa layunin. Halimbawa, may forceps na partikular na ginagamit upang maitama ang posisyon ng sanggol.

Kailan ang panahon para sa assisted delivery:

  • Ang doktor ay maglalagay ng isang piraso ng forceps upang magkasya ang isang bahagi ng ulo ng sanggol.
  • Pagkatapos, ilalagay nila ang pangalawang piraso upang magkasya sa kabilang bahagi ng ulo ng sanggol.
  • Ang forceps ay pagsasamahin sa mga hawakan.
  • Sa tulong ng contraction at pushing, dahan-dahang hihilahin ng doktor ang ulo ng sanggol gamit ang mga forceps upang gabayan ang sanggol palabas ng birth canal.

Anu-Ano Ang Mga Panganib Sa Delivery Gamit Ang Forceps?

Sinasabi ng mga eksperto na ang forceps delivery ay may mga posibleng panganib sa ina at sa sanggol, subalit bihira ang mga ito.

Mga posibleng panganib sa mga ina:

  • Mas mataas na tyansa ng mga lacerations sa ari, perineum, at urethra.
  • Hindi mapigilang pag-ihi (panandalian)
  • Pagkawala ng maraming dugo

Mga posibleng panganib sa mga sanggol:

  • Pagdurugo
  • Maliit na pinsala sa mukha, tulad ng pasa
  • Panghihina ng muscles sa mukha (panandalian)
  • Fracture sa bungo. Mahalagang tandaan, gayunpaman, na ang fracture sa bungo ay maaari ding mangyari sa CS delivery lalo kung ang ulo ng sanggol ay nasa pelvis na.

Kailan Contraindicated Ang Forceps Delivery?

Hindi iminungkahi ng doktor ng assisted delivery kung ang cervix ay hindi ganap na dilated, ang membrane ay buo, at ang ulo ng sanggol ay hindi pa bumababa sa birth canal.

Gayundin, ang assisted delivery ay contraindicated kung hindi alam ang posisyon ng sanggol o kung may cephalopelvic disproportion kung saan may hindi magkatugma sa pagitan ng ulo ng sanggol at pelvis ng ina.

Key Takeaways

Ang delivery gamit ang forceps ay anyo ng assisted delivery kung saan ginagabayan ng practitioner ang sanggol sa paglabas sa birth canal gamit ang isang instrumento. Ang pangunahing bentahe ng paraang ito ay nakatutulong ito upang maiwasan ang malaking operasyon. Gayunpaman, bagama’t bihira, mayroon pa ring mga panganib na nauugnay dito.

Matuto pa tungkol sa Panganganak dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Forceps delivery, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/forceps-delivery/about/pac-20394207#:~:text=A%20forceps%20delivery%20is%20a,out%20of%20the%20birth%20canal. Accessed July 4, 2022

Forceps or vacuum delivery, https://www.nhs.uk/pregnancy/labour-and-birth/what-happens/forceps-or-vacuum-delivery/, Accessed July 4, 2022

Forceps Delivery, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK538220/ , Accessed July 4, 2022

What moms should know about forceps and vacuum deliveries, https://utswmed.org/medblog/forceps-vacuum-delivery/, Accessed July 4, 2022

Assessing cephalopelvic disproportion: back to the basics, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20633305/#:~:text=Cephalopelvic%20disproportion%20occurs%20when%20there,of%20both%20mother%20and%20fetus., Accessed July 4, 2022

Kasalukuyang Version

03/30/2023

Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N.

Narebyung medikal ni Erika Rellora, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Erika Rellora, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lorraine Bunag, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement