backup og meta

Bagyong Paeng Update: Nanay Nanganak Sa Firetruck! Alamin Ang Kwento!

Bagyong Paeng Update: Nanay Nanganak Sa Firetruck! Alamin Ang Kwento!

Isa sa naging bagyong Paeng update ng GMA News And PubIic Affairs, ang pag-uulat tungkol sa isang lalaking sanggol sa Aurora, na isinilang sa loob ng isang firetruck sa gitna ng pananalasa at matinding weather disturbances ng bagyo.

Ang mga pag-ulan na dala ng bagyong Paeng ay naging sanhi rin ng mga pagtaas ng antas ng tubig at baha sa maraming lugar ng Pilipinas, na isa rin sa naging dahilan kung bakit nauwi sa panganganak sa firestruck ang nanay ng bata.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Casiguran, Aurora ang kapatid ng babaeng manganganak ay humingi ng tulong upang madala ito sa ospital. Gayunpaman noong naramdaman ng ina na manganganak na talaga siya ay agad siyang ipinahiga sa firetruck at doon niya nailuwal ang isang malusog na sanggol na lalaki. Kaagad rin naman tuluyang isinugod ang mag-ina sa ospital at kasalukuyang ligtas ang kanilang kalagayan.

Nagdulot ang bagyong Paeng update na ito ng kuryosidad sa mga tao para alamin ang iba’t ibang paraan ng panganganak, dahil hindi biro ang pagsilang ng sanggol sa firetruck lalo na kung hindi normal ang delivery. Maaari kasing magdulot ng kapahamakan sa buhay ng mag-ina ang panganganak sa firetruck, lalo na kung komplikado o nangangailangan ng cesarean ang isang ina.

Para magkaroon ng iba’t ibang kaalaman tungkol sa paraan ng panganganak, patuloy na basahin ang artikulong ito.

Anu-Ano Ang Mga Paraan Ng Panganganak?

Tandaan mo na ang pag-alam sa iba’t ibang paraan ng panganganak ay makakatulong para mas maging ligtas ang paglabas ng anak sa iyong sinapupunan. Maaari rin itong magbigay sa’yo ng kumpiyansa at mapanatag ang iyong loob habang nanganganak.

Narito ang mga sumusunod na mga paraan ng panganganak:

Vaginal Delivery

Ang vaginal delivery ay itinuturing na pinakaligtas na paraan ng panganganak. Sa vaginal delivery, inilalabas ang sanggol sa birth canal mula sa sinapupunan. 

Mayroon tayong dalawang kilalang paraan upang isagawa ito — ang medicated at non-medicated na panganganak. Kapag medicated ang paraan ng vaginal delivery asahan mo ang paggamit sa’yo ng epidural o mga pain-relieving medicine. 

Ikinokonsidera ang vaginal delivery na pinakamagandang opsyon ng panganganak, at para mas mapabilis ang panganganak may dalawang method na pwedeng gamitin ang mga doktor para tumulong sa proseso ng pagsilang ng sanggol — ito ang vacuum extraction at forceps delivery.

‘Natural’ Na Panganganak

Isang uri ng vaginal delivery ang inatawag na medication-free childbirth o natural na panganganak. Hindi na ito masyadong ginagawa sa ating panahon dahil ang pain threshold ay mas matindi kung ikukumpara sa caesarean at vaginal birth.

Sa madaling sabi, nangangahulugan ang natural na panganganak nang hindi paggamit ng pain relievers, routine IV, o vacuum extractors.

Caesarean Section

Ang caesarean section ay kilala rin sa katawagang C-section kung saan ito ang paraan ng panganganak na hinihiwa ang ibabang bahagi ng tiyan ng isang babae upang makuha ang bata. Kung ikukumpara ang paraan ng panganganak na ito sa vaginal delivery mas mabagal ang healing process ng c-section kaysa sa vaginal birth.

Key Takeaways

Ang panganganak sa gitna ng bagyong Paeng ay isang napaka-challenging moment para sa isang ina. Kaya naman para maging mas handa pa sa panganganak, siguraduhin na bilang magulang ay may sapat kang kaalaman sa iba’t ibang paraan ng pagsilang ng isang sanggol, upang malaman mo rin ang mga kagamitan at proseso na dapat isagawa sa iyo sa oras ng iyong delivery.

Imahe mula sa Facebook

Matuto pa tungkol sa Labor at Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Labor & Delivery, https://www.mobapbaby.org/Labor-Delivery/Types-of-Birth/Accessed on November 3, 2022

Childbirth Delivery Methods and Types, https://www.medicinenet.com/7_childbirth_and_delivery_methods/article.htm Accessed on November 3, 2022

Pregnancy: Types of Delivery, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9675-pregnancy-types-of-delivery/Accessed on November 3, 2022

Natural Childbirth Techniques, https://americanpregnancy.org/labor-and-birth/natural-childbirth-techniques Accessed on November 3, 2022

5 Different Types of Childbirth and Delivery Methods You Should Know, http://blog.johnsonmemorial.org/blog/what-type-of-birth-is-right-for-you-and-your-baby Accessed on November 3, 2022

Birth: vaginal birth and caesarean birth, https://raisingchildren.net.au/pregnancy/labour-birth/vaginal-caesarean-birth/vaginal-caesarean-birth Accessed on November 3, 2022

Kasalukuyang Version

06/28/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement