Matapos manganak, kailangan alisin ang placenta o bahagi na nag bibigay sustansiya sa iyong sanggol, habang nananatili ito sa sinapupunan. Sa kasamaang palad, kung minsan, ang placenta (matapos manganak) ay nananatiling naka konekta sa sinapupunan. Tinatawag ang kondisyon na ito na retained placenta at ito ay maaaring humantong sa malalang komplikasyon at kamatayan. Sa ilang mga kaso, halos lahat ng afterbirth placenta ay nailalabas, ngunit ilan sa mga ito ang naiwan. Ang retained placental fragments na ito ay maaaring maging sanhi ng problema na magtatagal ng araw, linggo, o buwan matapos makalabas ng ospital. Alamin natin ano ang retained placenta fragments.
Overview sa Retained Placenta
Ang placenta ay organ na nag uugnay sa fetus sa matres sa panahon ng pagbubuntis. Ito rin ang nagbibigay ng pagkain, oxygen at sustansya sa nade-develop na sanggol, mula sa nanay. Kadalasan, isang oras at kalahati matapos isilang ang sanggol, ang placenta ay kusang humihiwalay at inaalis.
Isang komplikasyon sa panganganak ang retained placenta, ito ay kung saan ang placenta ay nag tatagal sa matres ng mahigit 30 minuto matapos isilang ang sanggol.
Ngunit, ano ang retained placental fragments?
Sa kabilang banda, ang retained placental fragments ay nangyayari kung ang mas malaking bahagi ng placenta ang nailabas, ngunit ang ilang mga tissue nito ay naiwan. Maaaring hindi agad na mapansin ang mga sintomas nito. At maaari lamang mangyari sa loob ng araw, linggo, o maging ilang buwan matapos manganak. Sa ilang mga pangyayari, ang fragments ay hindi lamang mula placenta, ngunit mula rin sa fetus. Ito ang dahilan kung bakit tinatawag ito ng mga eksperto bilang Retained Products of Conception (RPOCs)
Mga Sanhi
Karaniwang nangyayari ang retained placenta dahil sa ang matres ay hindi maayos na nakaugnay (uterine atony) o naka hulma at porma ng tama. Ang placenta ay labis na nakaugnay (maaaring mangyari sa mga kondisyon tulad ng Placenta Accreta Spectrum), o agad na pag sasara ng cervix bago pa man ito maalis.
Ang retained placental fragments (o RPOCs, sa pangkalahatan) ay karaniwang nangyayari kung maagang natapos ang pagbubuntis. Heto ang mga kadahilanan na nagpapataas sa posibilidad ng RPOCs:
- History ng retained placenta
- Placenta accreta spectrum
- Assisted delivery, tulad ng forceps delivery
- Advanced maternal na edad
- Matagal na paggamit ng oxytocin
- C-section o uterine surgery
- Matagal na pag-labor
Mga Senyales at Sintomas
Kabilang sa mga sintomas ng retained placenta ang labis na pagdurugo at pananakit ng matris. Ngunit ang pinaka ganap na senyales ay kung ang mismong placenta ay hindi natanggal sa loob ng 30 minuto matapos isilang ang sanggol.
Ang retained placental fragments o RPOCs ay ang pinaka karaniwang sanhi ng postpartum na pagdurugo. Ang pagtagal ng RPOCs sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan ay maaaring humantong sa:
- Pagdurugo (maaaring matindi sa ilang pagkakataon)
- Lagnat
- Paglaki ng uterus
- Pananakit ng Pelvis
Kung mapansin na ang retained placental fragments ay hindi mabilis na matugunan, gaya ng retained placenta, mapanganib pa rin ito.
Mahalaga na Agad Magamot ang RPOCs
Kung may sintomas ng retained placental fragments, mahalaga ang agarang atensyong medikal. Ang maagang paggamot dito ay mas mainam. Kung hindi gagamutin, maaaring humantong ang RPOCs sa infection, kawalan ng dugo, at maging kamatayan.
Sa paggagamot ng RPOCs, maaaring magsagawa ang doktor ng:
- Magbigay ng misoprostol o gamot na maaaring mag-udyok sa tila panganganak o hilab ng matris, upang maalis ng matris ang fragments.
- Magsagawa ng dilation at curettage, minor na operasyon kung saan aalisin ang laman ng matres sa pamamagitan ng curette o suction.
Walang kaugnayan ang misoprostol sa anumang panganib, ngunit ang D&C ay maaaring magsanhi ng pagdurugo, infection, pilat, o perforation ( butas sa matres). Karamihan sa mga babae na sumailalim sa paggagamot ng RPOCs ay maaaring magbuntis ulit, ngunit ang ilang pagkakapilat sa uterus at maaaring magsanhi ng problema sa fertility.
Mahalagang Tandaan
Ano ang retained placenta fragments? Nangyayari ito kung ang tissue mula sa placenta o fetus ay hindi lubusang naalis. Ang sintomas ng kondisyon ito ay maaaring lumabas matapos ang ilang araw linggo, o buwan ng panganganak. Kung nagdurusa sa postpartum na pagdurugo, o pananakit ng matris, agad na komunsulta sa doktor. Ang mas maagang paggamot sa retained placental fragments ay mas mainam.
Matuto pa tungkol sa Labor ang Delivery dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot