backup og meta

Ano ang Lscs at Kailan Ito Kailangan?

Ano ang Lscs at Kailan Ito Kailangan?

Hindi ang ina ang kadalasang nagsasabi kung kailan matatapos ang pagbubuntis, kundi ang kanyang katawan, ang sanggol, at kung kailan sa tingin ng doktor naaangkop. Kahit kilala ang vaginal birth sa ninanais na paraan ng panganganak, isinasaalang-alang pa rin ng maraming babae ang C-section sa pagpipilian– minsan kusa nila itong pinipili, at minsan, dahil din sa kanilang pang sariling sitwasyon. Ano ang LSCS? LSCS ang pinaikling tawag sa Lower Segment Cesarean Section, na karaniwang uri ng C-section (cesarean section).

Ano ang LSCS?

May dalawang uri ng hiwa na ginagawa habang ipinapanganak ang sanggol sa C-section. Isa ang horizontal incision, at isa naman ang vertical incision. Tinatawag ding Lower Segment Cesarean Section ang transverse incision, kung saan ginagawa ang hiwa sa ilalim ng matris.

Ano ang lscs? Ito ang pinakakaraniwang uri ng hiwa na ginagawa sa C-section. Isa sa mga benepisyo ng LSCS ang mas mabilis nitong paggaling kumpara sa vertical incision. Kabilang sa iba pang benepisyo nito ang mas kaunting pagdurugo, at mas mataas na posibilidad ng vaginal delivery sa hinaharap.

Bakit kailangan ang LSCS?

Dahil sa success rate nito sa VBAC (vaginal birth after caesarean), ang LSCS ang mas pinipiling incision ng hindi bababa sa 95% na mga operasyon ng C-section. 

Ginagawa ang side-to-side cut sa ibabang bahagi ng tiyan, kaya’t mas nagiging ligtas ang VBAC. Nangangahulugang habang mas malaki ang posibilidad na bumuka ang vertical cut sa susunod na pagbubuntis, pinapababa naman ng LSCS ang panganib na ito.

Bakit kailangan ng C-section sa ilang pagbubuntis?

May mga pagkakataong mas inirerekomenda ang C-section delivery kaysa sa vaginal delivery.

Maaaring dahil ito sa mga sumusunod na dahilan:

Prolonged labor

Nangangahulugang may malakas at sunod-sunod na contraction ang isang ina sa loob ng hindi bababa sa 24-36 na oras, ngunit hindi pa rin bumubukas ang kanyang cervix.

Para sa normal delivery, kinakailangang bumukas ang cervix ng hanggang 10 cm. Ang prolonged o stalled labor ang pinakakaraniwang dahilan para sa operasyon ng C-section.

Stress sa sanggol

Tulad ng kung paano nilalagay ng panganganak sa matinding stress ang ina, nilalagay din nito ang sanggol sa parehong sitwasyon.

Kung gaano kadesperado ang ina na mailabas ang sanggol, ganito rin ang nararamdaman ng sanggol.

Dahil dito, minsan dahil sa panganganak, tumataas o bumabagal kumpara sa karaniwan ang tibok ng puso ng sanggol. Ang operasyon ng C-section lamang ang tanging solusyon sa mga panahong gaya nito, para maipanganak ang sanggol sa lalong madaling panahon.

Posisyon ng sanggol

Maaaring nasa breech na posisyon ang sanggol, na naglalagay sa kanya sa panganib. Nangangahulugang sa halip na ulo ang mauna, ang puwit o mga binti ng sanggol ang naka-umang sa kwelyo ng matris, at maaring maunang mailabas. Kung hindi gumagana ang manu-manong pagpoposisyon (gamit ang mga kamay), kakailanganin ang C-section.

Posibilidad ng placenta previa

Tumutukoy ito sa inunan na tumatakip sa cervix. Dahil dito, hindi makalabas ang sanggol sa cervix, at samakatuwid kailangan isagawa ang C-section.

Mga problema sa umbilical cord

May dalawang pangunahing problema na maaaring lumabas. Nagsisilbi ang umbilical cord bilang lifeline ng sanggol, na kung minsa’y pumupulupot sa leeg ng sanggol. Isa itong mapanganib na sitwasyon at nangangailangan ng agarang atensyon.

Isa pa–ang paglabas ng umbilical cord sa birth canal bago ang sanggol at isa sa mga problema na maaaring mangyari. Mapanganib din ito dahil posible itong maging banta sa buhay ng sanggol.

Masyadong malaki ang sanggol

Kilala rin bilang Cephalopelvic disproportion (CPD), nangangahulugan na masyadong malaki ang ulo ng sanggol para dumaan sa pelvis ng ina sa vaginal delivery.

History ng C-section delivery

Kahit na madalas ginagamit sa C-section ang LSCS, may mga pagkakataon pa rin na ginagawa ang iba pang hiwa depende sa kalagayan ng pagbubuntis. Posibleng nangangahulugang hindi na maaaring sumailalim sa vaginal delivery ang isang ina.

Fibroids

Napakakaraniwan ng fibroids dahil sa mga pagbabago ng lifestyle. Maaari ito magsanhi ng mechanical obstruction, kung saan maaaring maharangan ng laki nito ang birth canal. Kaya kinakailangan ang C-section sa mga pangyayaring gaya nito.

Kasalukuyang kalagayan sa kalusugan

Kung may hypertension ang ina, problema sa puso, o kahit mayroong gestational diabetes, ang C-section lamang ang natatangi nilang pagpipilian. Gayundin kung may problema sa pamumuo ng dugo ang ina, hindi rin ibinibigay bilang pagpipilian ang mga vaginal delivery sa kanila.

Maramihang pagbubuntis

Sa maramihang pagbubuntis, mataas ang posibilidad na nasa abnormal na posisyon ang isa o dalawang sanggol. Dahil dito, ginagawa ang operasyon ng C-section para sa panganganak.

Ano ang LSCS: Mga risk factor ng C-section

Kahit natalo na ng kasalukuyang siyensya ang marami sa mga komplikasyon, at mas kumonti na rin ang posibilidad na mamroblema dahil sa mga sumusunod, mainam pa ring pagtuunan ng pansin ang mga risk factor ng C-section kung boluntaryo mang piliin itong gawin ng isang ina.

Mga panganib sa mga susunod na pagbubuntis

Kung ikukumpara sa vaginal delivery, posibleng mas maging madaling kapitan ng mga problema ang isang ina pagkatapos ng operasyon ng C-section. Kabilang sa mga komplikasyon ang placenta accreta kung saan nananatiling nakakabit ang inunan sa lining ng matris, o kaya naman magkaroon ng pumutok sa matris.

Kung nais ng ina kumuha ng VBAC (vaginal birth after C-section) sa susunod na pagbubuntis, dapat niyang tanungin sa kanyang doktor kung posible ang LSCS para magkaroon ng mas mabuting resulta sa vaginal childbirth.

Mga injury

Kahit may sapat na pag-iingat ang mga surgeon, minsan maaaring magdulot ng mga kasunod na operasyon ang isang surgical injury sa pantog o bituka.

Pagkawala ng dugo

Mas mataas ang porsyento ng pagkawala ng dugo sa operasyon ng C-section kaysa sa vaginal delivery. Nagkakaroon ng postpartum hemorrhage ang ilang kababaihan, na nangangailangan ng agarang pangangalaga o maaaring ikamatay.

Mga sugat sa sanggol

Napakabihira lamang ng panganib na ito, ngunit maaaring magsanhi ng sugat sa balat ng sanggol ang mga hiwa mula sa operasyon.

Mataas na posibilidad ng pamumuo ng dugo

Tinatawag na pulmonary embolism ang kondisyon kung saan umaakyat sa baga ng ina ang namuong dugo sa pelvic region habang C-section at humaharang ito sa daloy ng dugo.

Anesthesia

Kabilang sa mga reaksyon sa anesthesia ang pagkalito, pagduduwal, sobrang nilalamig, at iba pa.

Mga problema sa paghinga ng mga sanggol

Nagkakaroon minsan ng problema sa paghinga ang mga sanggol na kilala sa tawag na transient tachypnea, na nagiging sanhi ng hindi normal na bilis na paghinga.

Impeksyon at Kirot

Endometritis ang tawag sa isang impeksyon sa lining ng matris.

Kapag nawala na ang anesthesia, mararamdaman na ng ina ang pananakit ng mga hiwa na ginawa sa C-section.

Mahalagang magpahinga ang ina hangga’y maaari upang maghilom ang kanyang katawan. Mas matagal ang oras ng pagpapagaling mula sa operasyon ng C-section kaysa sa vaginal delivery, kaya naman kinakailangan ang pangangalaga. Kung may matinding pagdurugo, kumonsulta kaagad sa doktor.

Matuto pa tungkol sa labor at panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lower segment Cesarean section (LSCS)

https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/lower-segment-caesarean-section Accessed September 8, 2021

Ceasarean section

https://www.nhs.uk/conditions/caesarean-section/

Accessed September 8, 2021

C-section/https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/c-section/about/pac-20393655

Accessed September 8, 2021

Cesarean Birth (C-Section)/https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/7246-cesarean-birth-c-section

Accessed September 8, 2021

Cesarean Delivery/https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=cesarean-delivery-92-P07768

Accessed September 8, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/12/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement