backup og meta

Ano ang Hypnobirthing? Posible ba ang Panganganak na Painless?

Ano ang Hypnobirthing? Posible ba ang Panganganak na Painless?

Kadalasang iniuugnay ng mga nanay ang natural na panganganak sa pakiramdam ng pagkasabik at fulfillment. Gayunpaman, alam din nila na kasama nito ang anxiety at ang pisikal na sakit. Ilan sa mga tao ang nagsasabi na ang painless, at minsan na orgasmic na panganganak ay posible sa hypnobirthing. Ngunit ang pamamaraan ba na ito ay akma para sa iyo? Alamin dito kung ano ang hypnobirthing.

Ano ang Hypnobirthing?

Ang hypnobirthing ay isang pamamaraan sa panganganak na gumagamit ng kombinasyon ng relaxation techniques at self-hypnosis upang mabawasan ang pag-iisip ng nanay sa takot at sakit habang nasa labor at delivery.

Tinatawag ding Mongan Method, ang hypnobirthing ay labis na kaugnay ng painless at kalmadong vaginal births. Kung natignan mo ang ilang hypnobirthing videos online, makakikita ka ng nanay na hindi mo aakalaing nasa proseso ng paglabas ng baby sa puke. Makikita na halos hindi sila nasasaktan at relaxed.

Ang mga testimonya sa pagiging epektibo ng hypnobirthing ay kabilang din ang karanasan ng “orgasmic births.” Ito ay nangyayari kung sa panganganak ay naabot ng nanay ang orgasm o nakaramdam ng orgasm na pakiramdam na sensasyon.

Maaaring too good to be true ang hypnobirthing. Ngunit ilan sa mga babae ay ginamit ang pamamaraan na ito at nagsabi na epektibo para sa kanila. Akma ba para sa iyo ang hypnobirthing?

Ano ang Nangyayari sa Hypnobirthing?

Upang matukoy kung ang hypnobirthing ay akma para sa iyo, magkaroon tayo ng overview kung ano ang maaari at hindi maaaring mangyari kung magpasyang sumailalim dito.

1. Malay ka sa kung anong nangyayari

Una, alalahanin na ang hypnobirthing ay walang kabilang na hypnotist – walang magtatanggal sa iyo ng iyong ulirat.

Maaaring mabawasan ang iyong pag-iisip ng takot at sakit ngunit karamihan ay dahil sa iyong focused sa isang bagay o tao (karaniwan ay ang iyong kasama sa panganganak) na nagpaparamdam sa iyo ng pagiging kalmado at ligtas. Sa kabuuan, ikaw ay malay sa kung anong nangyayari sa iyo.

2. Ang Mongan Method ay hindi nangyayari nang biglaan

Tulad ng ibang mga video sa panganganak, ang hypnobirthing ay hindi one-time, big-time na event. Kung napagpasyahan mong sumailalim dito, kailangan mong pumasok ng maraming klase.

Ang dami ng klase ay iba-iba depende sa programa, ngunit sa talakayan ay tipikal na kabilang ang:

  • Pag-appreciate ng natural na proseso ng panganganak at hindi ito katakutan.
  • Bonding sa iyong baby habang sila ay nasa loob pa ng iyong sinapupunan.
  • Training sa iba’t ibang relaxation at self-hypnosis techniques. Kabilang dito ang visualization, affirmations, paghinga, pandama, at musika.
  • Ang pagkakaroon ng kasama sa panganganak ay nakatutulong sa labor at delivery.
  • Pag-posisyon sa labor at delivery.

Hinihikayat din ng hypnobirthing ang mga nanay na baguhin ang ilang mga matagal na pananaw tungkol sa panganganak. Halimbawa, hihikayatin ka na tanggalin sa isip na ang natural na panganganak ay masakit.

Karagdagan, kailangan mong “i-update” ang iyong bokabularyo. Ang hypnobirthing ay hindi gumagamit ng salitang contractions at sakit; sa halip gumagamit ito ng “surges” at “pressure.” Ito ay sa kadahilanan na ang mga practitioner ay naniniwala na ang positibong wika ay nakaaapekto sa pag-iisip ng mga babae tungkol sa sakit.

ano ang hypnobirthing

3. Nangyayari pa rin ang hypnobirthing sa mga ospital

Marami pa ring hypnobirths ang nangyayari sa mga ospital, maliban kung ang programa na pinili ay kabilang ang serbisyo ng eksperto sa panganganak na tutulong sa iyo sa panganganak sa bahay.

Sa ospital o healthcare facility, ang hypnobirthing ay sumusunod sa medikal na pamamaraan kabilang ang vaginal birth. Ang pagkakaiba lamang ay kaunti lamang ang interbensyon para sa sakit at augmentation ng labor.

Key Takeaways

Ang proponents ng Mongan Method ay nagsasabi na may mga potensyal na benepisyo sa pamamaraan na ito kaysa sa posibilidad ng painless na panganganak.
Sinasabi ng isang pag-uulat na ang maraming mga babae na nag-enrol sa programa ay nakaramdam ng pagiging confident at pagiging in control. Binanggit din ng ilang mga papel na sa hypnobirthing, kaunting interbensyon lamang ang kailangan ng mga nanay sa augmentation ng labor sa paggamit ng oxytocin.
Gayunpaman, iba-iba pa rin ang mga resulta sa iba’t ibang babae. Hindi dahil ito ay naging epektibo sa isa sa iyong mga kakilala ay magiging epektibo na rin ito sa iyo. Kung nais mong sumailalim sa hypnobirthing, kailangan mong tanggapin ang posibilidad na ang painless na karanasan sa panganganak ay hindi 100% na garantiya.
Kung ikaw ay interesado sa hypnobirthing, huwag kalimutan na talakayin ito muna sa iyong doktor, lalo na kung ikaw ay may high-risk sa pagbubuntis.

Matuto pa tungkol sa Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

I’ve heard that hypnosis can be used to ease pain during childbirth. How does hypnobirthing work?
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/expert-answers/hypnobirthing/faq-20058353
Accessed April 21, 2021

Comparison of the Bradley Method and HypnoBirthing Childbirth Education Classes
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4744344/
Accessed April 21, 2021

HypnoBirthing Classes for Gentle Birthing
https://us.hypnobirthing.com/parents/about-the-hypnobirthing-classes/
Accessed April 21, 2021

Why having a companion during labour and childbirth may be better for you
https://www.who.int/reproductivehealth/companion-during-labour-childbirth/en/
Accessed April 21, 2021

Birthing outcomes from an Australian HypnoBirthing programme
https://www.magonlinelibrary.com/doi/full/10.12968/bjom.2012.20.8.558
Accessed April 21, 2021

Research overview: Self-hypnosis for labour and birth
https://www.nct.org.uk/sites/default/files/related_documents/Semple%20Self%20hypnosis%20for%20labour%20and%20birth%20p16-20%20Dec11.pdf
Accessed April 21, 2021

Kasalukuyang Version

02/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement