backup og meta

Ano ang False Labor, at Ano ang Pinagkaiba nito sa True Labor?

Ano ang False Labor, at Ano ang Pinagkaiba nito sa True Labor?

Sa huling mga linggo ng pagbubuntis, nagsisimula ka nang maghanda para sa labor at ang pagdating ng iyong bagong panganak na sanggol. Ang contractions ay darating, kung hindi pa nagsisimula. Paano mo malalaman kung ano ang false labor at kung ano ang totoong labor?

Sa kabutihang palad, maaari mong malaman ang sinasabing senyales.

Ano ang False Labor at True Labor?

Ang true labor versus false labor na chart ay nagpapakita ng pagkakaiba sa dalawa.

Ang false labor, o Braxton Hicks contractions, ay tipikal na nangyayari bago ang totoong labor. Ito ay normal na maranasan na false labor, o irregular uterine contractions.

ano ang false labor

Ang Braxton Hicks contractions ay kabilang ang intermittent abdominal hardening. Narito ang mga susing katangian:

  • Nangyayari na malayo sa isa’t isa
  • Hindi nagtatagal
  • Hindi nakararamdam ng mas malakas habang lumilipas ang panahon
  • Kadalasan na nangyayari kung nagpalit ng posisyon o huminto sa pagpapahinga

Ang true labor, sa kabilang banda, ay nagkakaiba-iba sa bawat nanay. Ngunit may mga karaniwang pagkakatulad.

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

  • Ang true labor ay may pakiramdam na pagiging komportable.
  • Ang iyong likod at ibabang tiyan ay sumasakit.
  • Walang pressure sa pelvic na bahagi.
  • Ang gilid ng iyong katawan at hita ay sumasakit din.

Ang iba ay inihahalintulad ang labor contractions sa matinding menstrual cramps. Ang iba ay iniisip itong malakas na alon na naihahalintulad sa diarrhea cramps.

Ano ang False Labor na Braxton Hicks Contractions?

Sa pagtukoy kung lalabas na ang iyong anak o hindi pa, mainam na imonitor at tignan ang mga sintomas. Kapag alam mo kung ano ang false labor makatutulong ito na magdesisyon kung oras na ba na pumunta sa ospital para sa panganganak.

Brixton Hicks (False Labor)

  • Irregular contraction na kakaunti at malayo sa pagitan
  • Contractions na humihinto kapag naglalakad nagpapahinga, o nag-iiba ng posisyon.
  • Mahinang contractions
  • Contractions sa harap ng iyong tiyan
  • Contractions na hindi nagiging sanhi ng cervical dilation

True labor

Ang regular na contractions ay tumatagal ng kada 30 hanggang 90 na segundo, mas umiiksi ang pagitan nito habang tumatagal ang oras.

Nagpapatuloy ang contractions kahit na anong gawin mo at walang posisyon na nagpapawala nito.

Regular na contraction na mas tumitindi at lumalakas

Ang contractions ay nagsisimula sa itaas na tiyan at mula sa gitnang likod bago magtungo paharap.

Maaari kang sumangguni dito sa true labor versus false labor chart upang matulungan kang malaman kung ikaw ba ay sumasailalim sa true o false labor.

Ano ang false labor at mga sanhi nito?

Ang Braxton Hicks contractions o false labor ay kadalasang nangyayari sa tuktok ng matagal na nakapapagod na araw, lalo na kung ikaw ay pisikal na aktibo. Ang eksaktong rason bakit ito nangyayari ay hindi pa nalalaman ngunit ito ay kadalasang iniuugnay sa mataas na pisikal na aktibidad, kung ang bladder ay puno, matapos ang sekswal na aktibidad, at kung ang babae ay dehydrated.

Ang chronic stress ay nagiging sanhi ng mas matagal na pagbabago sa vascular system ng katawan, hormones, at abilidad na makatiis sa infection. Tulad nito, ang chronic stress ay maaari ring magdulot ng false labor, kahit na ang sanggol ay hindi pa nakakaabot sa full term.

Gaano katagal matapos ang false labor bago asahan ang true labor?

Ang false labor ay tatagal ng ilang mga oras hanggang ilang mga linggo bago magsimula ang true labor. Sumangguni ka sa iyong true labor versus false labor chart upang matignan ang sintomas. Mainam na kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa kung anong dapat gawin kung naranasan ang false labor sa huling mga linggo ng pagbubuntis.

Anong mga procedure ang susundin ng doktor upang malaman ang mga sakit sa labor?

Kung ikaw ay nakararanas ng true labor, tawagan ang iyong doktor at magtungo sa ospital. Ang mga obstetricians ay ina-admit ang mga babae na ang cervix ay dilated ng kahit 4 cm. Ang doktor ay titingin sa:

  • Ang effacement, o haba ng cervix. Kung magsimula ang labor, ang mga muscles sa itaas ng uterus ay unti-unting iookupa ang cervix. Ang mahaba, firm na anyo ay magiging kasing nipis ng papel na lagusan para sa sanggol. Kaya’t mahalaga na masuri ang cervical effacement.
  • Ang posisyon ng sanggol. Ang sanggol ba ay nasa normal na posisyon, na ang ulo ba ay nauuna sa birth canal? Ang puwet ng sanggol ang unang lalabas (suhi o breech)? O ang mga paa (footling) o balikat/kamay (transverse)? Ang ulo ba ng sanggol ay maayos na nakaposisyon sa pelvis ng nanay? Ang amniotic sac o baby’s bag of water ba ay intact?

Matapos na mataya lahat ng kondisyon, ang doktor ay mag i-issue ng admitting order sheet, na iingatan ng nanay, kanyang kapareha o iba pang kamag-anak na laging dala dahil ang pagla-labor ay maaaring mangyari kahit na anong oras.

Ang nanay, kanyang kapareha o kahit na sinong kamag-anak ay kailangang dalhin ang papel na ito sa emergency room, na bukas 24/7. Ipapaalam ang presenya ng nanay sa kanyang obstetrician sa lalong madaling panahon.

Ang Apat na Stages ng Labor at Panganganak

Paano mo maoorasan ang iyong contractions kung nagsimula na ang true labor?

Ang kinakailangan mo lamang ay relo o orasan upang tignan kung anong oras mo inaasahan ang sanggol. Maaari ka ring gumamit ng timer.

Simulang magbilang mula sa simula ng true labor contraction papunta sa sunod. Tandaan lamang ang 4-1-2 rule, na nagsasabi sa iyo na:

  • Ang contraction ay mararanasan kada apat na minuto
  • Ang haba ng contraction ay isang minuto
  • Ang pattern na ito ay umuulit sa loob ng dalawang oras

Sa puntong ito, ang active labor ay magsisimula. Ang iyong sanggol ay paparating na.

Kung nakararamdam ng contractions, imonitor ito nang masinsinan. Tandaan kung ano ang false labor at sumangguni sa iyong doktor. Kung ang tamang oras ay dumating na, kunin mo na ang iyong maternity bag, magtungo sa ospital, at maghanda na salubungin ang bagong silang na sanggol na may tiwala sa sarili.

Alamin ang higit pa tungkol sa labor at panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

True vs. False Labor https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9686-true-vs-false-labor Accessed June 28, 2020

Women Talk: When do pregnant women know they’re in true labor? https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/healthandwellness/365892/women-talk-when-do-pregnant-women-know-they-re-in-true-labor/story/ Accessed June 28, 2020

How to Tell When Labor Begins https://www.acog.org/patient-resources/faqs/labor-delivery-and-postpartum-care/how-to-tell-when-labor-begins Accessed June 28, 2020

False Labor https://americanpregnancy.org/labor-and-birth/false-labor/ Accessed June 28, 2020

Five Signs of Labor https://lifestyle.mb.com.ph/2019/03/30/five-signs-of-labor/?__cf_chl_jschl_tk__=2900e86cdfa6e88937b659ee49a396af222b721e-1588645611-0-AVEspMt87BpF6dke28ubXHpOsLzH84dQPIeaMPwuItclNIIWacurw6139Hg9VNXSxc30oP Accessed June 28, 2020

Stress’ Effects on the Body https://www.apa.org/helpcenter/stress-body Accessed June 28, 2020

Braxton Hicks Contractions, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470546/#:~:text=Braxton%20Hicks%20contractions%20are%20sporadic,third%20trimester%20of%20the%20pregnancy, Accessed September 10, 2020

Kasalukuyang Version

03/28/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement