backup og meta

Mga Senyales Na Maaaring Suhi Si Baby, Alamin!

Mga Senyales Na Maaaring Suhi Si Baby, Alamin!

Ang pagbubuntis ay espesyal na oras para sa mga nanay at kanilang kapareha. Upang ihanda sa panganganak, iminumungkahi sa mga nanay na bumisita sa kanilang OB-GYNs para sa regular na prenatal care. Ang prenatal care ay makasisiguro na ang mga nanay ay malusog sa kabuuang pagbubuntis at ang kanilang fetus ay lumaki na normal. Paano malalaman kung suhi? Alamin ang mga senyales ng suhi na panganganak at paano haharapin ito.

Paano Malalaman Kung Suhi?

Sa kadalasan, ang pagbubuntis ay tatagal ng nasa 40 na mga linggo. Sa ikatlong trimester, lalo na kung papalapit ang term o 37 na mga linggo, ang ayos ng sanggol ay nalalaman na.

Ang pinaka karaniwang posisyon ay ang cephalic presentation. Liban sa pagiging tipikal na presentasyon, ito rin ang pinakamabilis sa nanay at sanggol para sa panganganak.

paano malalaman kung suhi

Paano malalaman kung suhi? Kung ang fetus ay suhi, ibig sabihin na hindi ito nakaharap sa sinapupunan para sa panganganak. Sa ganitong posisyon, ang ibabang parte ng katawan ang nakikita sa halip na ulo.

Bagaman ang sanggol ay malusog, ang suhi na panganganak ay komplikado at kinakailangan ng Caesarean section (C-section).

Paano malalaman kung suhi? Mayroong 3 uri ng suhi na presentasyon:

  • Frank breech: Ang puwet ng sanggol ang nakikita kasama ang mga hita na hindi nakabaluktot at nakatuon sa dibdib at ulo. Ito ang pinaka karaniwang uri ng suhi.
  • Complete breech: Ang puwet ng sanggol ay nasa pasukan ng lagusan, habang ang dalawang hita ay nakabaluktot sa tuhod.
  • Footling or incomplete breech: Isa o parehong mga hita ay hindi nakabaluktot kasama ang mga paa na nakatuon sa pasukan ng lagusan.

Paano malalaman kung suhi ang sanggol?

Sa maraming kaso, ang mga nanay ay hindi napagtatanto na ang kanilang sanggol ay nasa suhing posisyon maliban kung magsasagawa ng ultrasound.

Gayunpaman, mayroong mga kaunting senyales ng suhi na posisyon ng sanggol na mapapansin ng nanay at ng kanyang doktor bago ang panganganak.

Paano malalaman kung suhi sa kicking placement?

Ang mga buntis ay kadalasang nararamdaman ang pagsipa ng kanilang sanggol sa 16 hanggang 24 na mga linggo ng pagbubuntis. Ang mga galaw na ito ay may sinusunod na pattern kada araw. Ang mahabang panahon na walang paggalaw ay senyales na may mali at kailangang agarang magpatingin sa doktor.

Sa kaso ng suhi na posisyon, ang pagsipa ay maaari pa ring mangyari ngunit makararamdam ng kakaiba mula sa cephalic positioning. Para sa frank breech, ang pagsipa ay hindi malakas dahil sa posisyon ng mga hita at paa.

Sa complete breech, ang mga sipa ay mararamdaman sa ibabang parte ng tiyan. Ang incomplete breech na posisyon ay maaaring maramdaman sa ilalim ng tiyan patungong mid-section.

Fullness sa ilalim ng ribcage

Bilang karagdagan sa mga sipa, ang posisyon ng ulo ay isa pang senyales ng suhi na posisyon ng sanggol. Ang ulo ng sanggol ang pinakamalaking parte ng kanyang katawan. Sa normal na posisyon, ang ulo ay nakatuon patungong pelvis. Sa suhi na posisyon, ang ulo ay nasa itaas na bahagi ng tiyan.

Ang pagtayo sa harap ng salamin at pagtingin sa hugis ng tiyan ay isa ring paraan kung paano malalaman kung suhi ang sanggol. Ang tiyan ay maaaring mas buo sa itaas na bahagi papuntang ribcage.

Ang nanay ay maaaring magkaroon ng problema sa paghinga nang lubos kung ang ulo ng sanggol ay natutulak sa diaphragm.

paano malalaman kung suhi

Mga Sanhi at Banta

Sa kasamaang palad, ang eksaktong rason bakit ang mga sanggol ay hindi humaharap sa sinapupunan bago ang panganganak ay hindi pa kumpirmado.

Ayon sa estadistika, mas mababa sa 5% ng full-term na mga sanggol ay suhi. Ang ibang salik na maternal na magpapa suhi ng posisyon ay ang dating karanasan sa suhi na sanggol, abnormal na hugis o laki ng uterus, leiomyoma, placentation, o multiparity (halimbawa kambal o triplets).

Ang matagal na gestation o post-term na pagbubuntis ay isa ring salik na nagiging epekto ng suhi na posisyon. Gayunpaman, ang suhi na posisyon ay maaari pa ring mangyari kahit na sa preterm at full term na mga sanggol.

Pag-aayos ng Suhi na Posisyon

Bagaman ang mga suhi na sanggol ay kadalasang normal at malusog, ang posisyon ay maaaring mag sanhi ng problema para sa nanay at bata. Ang rason bakit ang cephalic o ulo muna na posisyon ay kinonsiderang ideal para sa vaginal na panganganak ay dahil ang ulo ng bata ay dinesenyo na mahulma.

Ang mga sanggol ay may malambot na mga ulo na may hindi pinagsamang bone plates na may pagitan na tinatawag na fontanelles.

Ang mga “malalambot na parte” o fontanelles ay nagbibigay ng paraan para sa sanggol na ligtas na mapisil sa pamamagitan ng panganganak sa lagusan habang delivery. Sa suhi na panganganak, ang mga binti ay maaaring maging harang sa katawan mula sa maayos nitong paglabas. Karagdagan, isa pang komplikasyon ay tinatawag na cord prolapse.

Upang maitama ang posisyon, ang doktor ay magsasagawa ng maniobra na tinatawag na external cephalic version (ECV). Ang ECV ay kadalasang inirerekomenda malapit o lagpas sa inaasahang araw na paglabas ng sanggol.

Kabilang sa maniobra ang paglalagay ng katamtaman na lakas ng diin sa mga kamay upang marahan na iikot ang sanggol sa loob ng sinapupunan. Ang ECV ay 50% na epektibo sa mga kaso. Gayunpaman, ang ibang mga sanggol ay babalik sa suhi na posisyon kahit na matapos ang matagumpay na ECV. Kung hindi nagtagumpay ang ECV, karamihan ng mga doktor ay magrerekomenda ng C-sections para sa suhi na panganganak.

Huwag magtatangka na magsagawa ng ECV nang ikaw lamang o sa bahay.

Mahalagang Tandaan

Bilang buod, ang abnormal na pagsipa at ang hugis ng tiyan ay ilan sa mga senyales ng suhi na posisyon ng sanggol. Sa kabutihang palad, ang mga suhing sanggol ay kadalasang malusog at lumalaking normal matapos ipanganak. Para sa mas marami pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong OB-GYN na doktor.

Alamin ang marami pa tungkol sa Komplikasyon sa Panganganak dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Breech Presentation https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK448063/ Accessed March 4, 2021

Breech Position and Breech Birth https://www.uofmhealth.org/health-library/hw179937 If Your Baby Is Breech https://www.acog.org/womens-health/faqs/if-your-baby-is-breech Accessed March 4, 2021

What happens if your baby is breech? https://www.nhs.uk/pregnancy/labour-and-birth/what-happens/if-your-baby-is-breech/ Accessed March 4, 2021

Your baby’s movements https://www.nhs.uk/pregnancy/keeping-well/your-babys-movements/ Accessed March 4, 2021

Anatomy of the Newborn Skull https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=anatomy-of-the-newborn-skull-90-P01840 Accessed March 4, 2021

Management of Breech Presentation https://obgyn.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/1471-0528.14465 Accessed March 4, 2021

Kasalukuyang Version

07/31/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement