Isa sa mga kinatatakot ng mga buntis ay ang makunan. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-alam kung paano maiwasan makunan, o kahit ang pababain ang tsansa na mangyari ito, ay napakahalaga upang makasiguro ng ligtas at malusog na panganganak.
Paano Maiwasan Makunan: 6 na Bagay na Dapat Tandaan
Sa panahon ngayon, nangyayari pa rin ang makunan, sobrang dalang na pangyayari. Ito ay bahagyang may kinalaman sa pagkakaroon ng makabagong gamot, maging ang katotohanan na ang mga nanay ay mas malulusog sa panahon ngayon.
Gayunpaman, mahalaga na malaman paano maiiwasan ang makunan, dahil ang mga nanay ay kailangang gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang magkaroon ng malusog na pagbubuntis.
Narito ang anim na bagay na makatutulong upang maiwasan ang makunan:
Iwasan ang alak at paninigarilyo
Kung ikaw ay naninigarilyo o umiinom ng alak, magandang ideya ang pagtigil nito sa lalong madaling panahon. Ito ay sa kadahilanan na ang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay makatataas ng banta na makunan.
Liban sa mga negatibong epekto ng ganitong pag-uugali sa kalusugan, maaari rin itong maging sanhi ng problema sa paglaki ng iyong sanggol. Posible rin na magkaroon ng birth defects ang mga sanggol na sanhi ng paninigarilyo at pag-inom ng alak habang buntis.
Mas maagang tumigil, mas mainam ito sa iyong kalusugan, at mas maiiwasan ang makunan.
Bantayan ang kinakain
Habang buntis, mahalaga na bantayan ang kinakain. Hindi lang dahil na kailangan na manatili ang malusog na timbang, dahil ang ibang mga pagkain ay naglalaman ng banta ng listeria at salmonella infection, na hahantong na makunan.
Subukang iwasan ang pagkain ng hilaw na pagkain tulad ng sushi, hilaw na itlog, at hindi masyadong luto na karne. Madali mo itong maiiwasan sa pamamagitan ng pagluluto maigi ng mga pagkain, at siguraduhin na ang pagkain na kakainin ay hindi naiwan sa hapag nang matagal dahil maaari itong mag-trigger ng pagkakaroon ng bacteria.
Manatiling Aktibo
Isa sa mahalagang bagay na dapat tandaan kung paano maiwasan makunan ay ang pag-iwas sa palaging nakaupo maliban kung inabisuhan ng doktor na mag-bedrest.
Kahit habang nagbubuntis, mahalaga na manatili ang malusog na timbang, at manatiling aktibo. Ito rin ay makatutulong na maiwasan na makunan.
Gayunpaman, tandaan na huwag sumobra sa pag-ehersisyo. Ang pagbubuntis ay hindi oras upang magbawas ng timbang, at ang iyong layunin ay manatili ang malusog na timbang, at panatilihin ang pagiging malakas at malusog na katawan. Maaari ka ring kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa ehersisyo na ligtas na gawin habang nagbubuntis.