backup og meta

Paano Bawasan Ang Amniotic Fluid, At Bakit Ito Kailangang Gawin?

Paano Bawasan Ang Amniotic Fluid, At Bakit Ito Kailangang Gawin?

Mahalagang malaman kung paano bawasan ang amniotic fluid sa panahon ng pagbubuntis. Ang baby sa loob ng sinapupunan ng ina ay nagdedebelop sa loob na tinatawag na amniotic sac. Sa loob nito, mayroong isang liquid na nagsisilbing proteksyon. Tinatawag itong amniotic fluid. Ang amount ng amniotic fluid. Sa loob ng sac ay karaniwang nag-iiba sa bawat mommy. Gayunpaman, may mga pagkakataon na ito ay nagiging sobra o hindi sapat. Narito ang paraan paano bawasan ang amniotic fluid. Sa panahon ng pagbubuntis.

Iba’t ibang Uri ng Mga Problema sa Amniotic Fluid

Ang amount ng amniotic fluid ay hindi pareho para sa lahat ng mommy. Gayunpaman, ang average na amount ay humigit-kumulang 500 ML. Ang masyadong marami o kaunti ay maaaring magpakita na may problema. Na maaaring maglagay sa risk sa ina at sanggol.

Ang mga sanhi ng mga problema sa amniotic fluid ay maaaring mag-iba. Mula sa kakulangan ng liquid/pag-inom ng tubig ng ina, maternal diabetes, mga impeksiyon, at iba pang mga isyu sa inunan.

Ang pag-alam ng mga ito ay nakatutulong para malaman kung paano bawasan ang amniotic fluid at bakit kinakailangan gawin.

Narito ang dalawang uri ng mga problema sa amniotic fluid na dapat mong bantayan kung ikaw ay magiging magulang na:

Oligohydramnios

Ang Oligohydramnios ay isang uri ng problema sa amniotic fluid kung saan may mababang amniotic fluid sa loob ng sac kumpara sa normal. Ang amniotic fluid ay nagsisilbing unan para sa baby sa loob ng sinapupunan. Ngunit sinasalamin din nito ang dami ng ihi na ipinapasa ng baby habang sila ay lumalaki pa.

Kung may mababang amniotic fluid at ang ina ay higit sa 36 na linggong buntis, ito’y isang dahilan ng pag-aalala at ang doktor. Maaaring magmungkahi ng isang C-section na panganganak sa lalong madaling panahon.

Polyhydramnios

Ito’y isa pang problema sa amniotic fluid kung saan, sa halip na magkaroon ng mababang dami ng amniotic fluid ay sobra ito sa loob ng sac. Ang polyhydramnios ay maaaring maging dahilan ng paglaki ng matris ng ina nang abnormal.

Kadalasan, kung ang isang ina ay na-tsek na may polyhydramnios ito’y hindi ganoon kalubha at ito’y resulta lamang ng baby na unti-unting lumalaki sa loob sa matris.

Ngunit kung ang liquid na naroroon. Sa loob ng amniotic sac ay talagang abnormal ng sobra. Maaari itong maging isang agarang dahilan ng pag-aalala. Dahil maaari maging banta sa buhay ng ina at babyl. Dapat kang kumunsulta kaagad sa’yong doktor. Para humingi ng mga posibleng paraan kung paano bawasan ang amniotic fluid sa panahon ng pagbubuntis.

Ito ang ilan sa mga sintomas na dapat mong bantayan:

  • Madalas na contraction sa matris
  • Mas malaking measurements ng sukat kumpara sa normal gestational age
  • Kapos sa paghinga
  • Discomfort sa tiyan
  • Mas mabigat na pagtaas ng timbang ng ina

Ano ang mga Potensyal na Panganib?

Ang problema sa amniotic fluid ay maaaring magdulot ng iba’t ibang panganib sa kalusugan. Bagama’t kadalasan, ang mga kaso na ito ay mild lamang. Mahalaga pa rin na kumunsulta sa’yong doktor at humingi ng kanilang opinyon.

Ang common risk sa alinmang uri ng problema sa amniotic fluid ay ang mas mataas na pagkakataon ng ina na makaranas ng miscarriage o panganganak ng patay. Ang amniotic acid, ay higit pa sa pagiging unan. At proteksyon para sa baby. Ito rin ay tumutulong sa sirkulasyon ng palitan ng sustansya sa pagitan ng mommy at baby.

Narito ang ilang iba pang potensyal na panganib. Na maaari nilang harapin sa iba’t ibang problema sa amniotic fluid:

Para sa oligohydramnios

  • Napaaga kapanganakan
  • Kakulangan ng suplay ng oxygen para sa baby
  • Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng cerebral palsy ang sanggol
  • Growth restriction
  • Mga hindi nabuong baga

Para sa polyhydramnios

  • Placental abruption
  • Labis na pagdurugo
  • Hirap sa paghinga
  • Umbilical cord prolapse (umbilical cord na bumababa muna bago ang babyl)

Ano ang mga Posibleng Tritment?

Kung pinaghihinalaan mo o kapag na-diagnose ka ng iyong doktor na may anumang uri ng problema ka sa amniotic fluid, ang susunod na tanong ay kung ano ang mga posibleng tritment o kung paano bawasan ang amniotic fluid sa panahon ng pagbubuntis.

Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga paraan na maaari mong tingnan. Para gamutin ang ganitong uri ng komplikasyon sa pagbubuntis:

Madalas na pagpatsek-up. Mahalaga para sa’yong healthcare provider na maingat na subaybayan ka. At ang kondisyon ng iyong baby. Kapag na-diagnose ka na na may problema sa amniotic fluid.

Amniocentesis. Ito’y isang pamamaraan kung saan ang isang karayom ​​ay ipinapasok sa pamamagitan ng matris. Para palabasin ang amniotic fluid mula sa amniotic sac. Ang pamamaraang ito ay hindi nagbibigay ng maraming panganib. At kadalasang inirerekomenda ng mga doktor laban sa polyhydramnios.

Pagdadagdag ng pag-inom ng liquid at tubig. Kung ma-diagnose ka ng doktor na may oligohydramnios. Maaari nilang irekomenda sa’yo na taasan ang iyong liquid at tubig para mas ma-hydrated din ang iyong baby at madagdagan ang kanyang pag-ihi sa loob ng sac.

Agad na panganganak. Kung ang kondisyon ay masyadong malala. Ang doktor ay maaaring pumili para sa agarang panganganak. Malamang na gawiin ito sa pamamagitan ng C-section.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga potensyal na problema na kasama ng pagbubuntis ay napakahalaga. Para sa sinumang magiging magulang. At siyempre, ang amniotic sac at fluid ay nagsisilbing proteksyon para sa’yong baby. Habang ito ay lumalaki sa loob ng sinapupunan.
Kaya naman ang pag-alam kung paano bawasan ang amniotic fluid. Sa panahon ng pagbubuntis, ang mga posibleng tritment na maaaring makuha ng isang ina. At ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga sanhi nito ay maganda. Ngunit, sa pagtatapos ng araw, mahalaga pa rin na kumunsulta sa’yong doktor.

Matuto pa tungkol sa Mga Komplikasyon sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Polyhydramnios Signs and Symptoms, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/polyhydramnios/symptoms-causes/syc-20368493 Accessed March 25, 2021

What are the treatment options for low amniotic fluid during pregnancy? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/expert-answers/low-amniotic-fluid/faq-20057964 Accessed March 25, 2021

Polyhydramnios Diagnosis and Treatment, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/polyhydramnios/diagnosis-treatment/drc-20368494 Accessed March 25, 2021

Oligohydramnios (Low Amniotic Fluid), https://www.abclawcenters.com/practice-areas/prenatal-birth-injuries/maternal-medical-conditions/oligohydramnios/ Accessed March 25, 2021

Polyhydramnios: Causes, Diagnosis and Therapy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3964358/ Accessed March 25, 2021

 

Kasalukuyang Version

04/21/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement