backup og meta

Nakakain ng Dumi ang Baby: Ano ang Meconium Aspiration?

Nakakain ng Dumi ang Baby: Ano ang Meconium Aspiration?

Ang meconium aspiration ay isang hindi pangkaraniwang kondisyon para sa mga bagong silang na sanggol na maaaring magdulot ng seryosong karamdaman. Ang mga bagong silang na sanggol ay hantad sa mga impeksyon. Ito ay higit na makatotohanan pa sa mga premature o underdeveloped na mga sanggol. Matuto ng higit pa tungkol sa pangmatagalang epekto, risk factors, at mga opsyon ng panggagamot kung nakakain ng dumi ang baby. 

Meconium Aspiration: Paano Kung Nakakain ng Dumi ang Baby?

Bago pag-usapan ang mga epekto at opsyon ng panggagamot, kailangan muna nating talakayin ang mismong kondisyon. Ang meconium ay isang viscous fluid na pinaghalong dumi ng sanggol at amniotic fluid. Ipinakita ng pananaliksik na ang meconium ay naglalaman din ng mga maninipis na buhok (lanugo), bile, at mga intestinal fluids. 

Ang meconium aspiration ay nangyayari kapag ang meconium ay pumapasok sa bibig at baga ng bagong silang na sanggol. Dahil sa kakapalan nito, ang meconium ay maaaring makabara sa daanan ng hangin na nagpapababa ng oxygen intake. Maaari din iyong dumikit sa air sacs ng baga. Ito ay kilala sa tawag na Meconium Aspiration Syndrome (MAS). Ang mga senyales at sintomas ay kinabibilangan ng cyanosis, mababang oxygen saturation, mababang APGAR score, at ang maberde-berdeng mantsa o guhit sa amniotic fluid. 

Mga Risk Factor para sa Meconium Aspiration 

Bagaman hindi pangkaraniwan ang MAS, na nangyayari sa tinatayang 10% ng pagsilang, may ilang mga tiyak na sanggol ang may mas mataas na panganib mula rito. Dalawang pangunahing salik para sa MAS ay ang fetal stress at ang pagkapanganak nang lagpas sa due date. Karaniwan na, ang meconium ay inilalabas pagkapanganak sa sanggol at mas kilala bilang kanilang “first poop.” Gayunpaman, para sa post-term o late deliveries, maaaring maipasa ng sanggol ang meconium habang nasa sinapupunan. 

Sa kabilang banda, mayroon ding mga risk factors na makaaapekto sa ina at makapagdudulot ng MAS sa kanyang bagong silang na sanggol. Muli, ang stress habang nagbubuntis ay isang salik. Ang ibang mga salik ay kinabibilangan ng mataas na presyon ng dugo o eclampsia, at gestational diabetes. 

Pangmatagalang Epekto Kung Nakakain ng Dumi ang Baby 

Sa umpisa, ang mga epekto ng MAS ay kadalasang cyanosis, abnormal na paghinga, at mababang heart rate. Ang mga salik na nakapag-aambag sa MAS ay mayroon ding epekto sa kalusugan ng bagong silang na sanggol, na ang mataas na banta ng impeksyon, hindi maganang pagkain, at hindi kakayahang umunlad ang kalusugan. 

Bagaman ang panggagamot ay posible at epektibo, may mga posibleng pangmatagalang epekto ang meconium aspiration. Dahil ang meconium ay mayroong bile, mayroon itong enzymes na maaaring makapag-breakdown ng protina. Kapag pumasok ang meconium sa ilong at bibig, sinisira ng enzymes ang mga tissues sa lalamunan at baga. Karagdagan pa, ang mga kemikal sa meconium ay maaaring makapag-irritate sa mga tissue at maaaring maging sanhi ng pamamaga na nakapipigil sa normal na paghinga. 

Ang mga pangmatagalang epekto ng kakulangan sa oxygen ay kinabibilangan ng sumusunod: 

  • Pangangailangan para sa oxygen supplementation 
  • Asthma o kondisyong gaya ng asthma 
  • Mabagal na paglaki at pagdebelop 
  • Mataas na banta ng seizures 
  • Brain damage at cerebral palsy 
  • Mataas na banta ng pagkakaroon ng pneumonia at iba pang impeksyon 

Panggagamot at Pag-iwas 

Sa kabutihang palad, umunlad na ang paraan ng panggagamot para sa meconium aspiration sa paglipas ng panahon. Ang susi sa matagumpay na panggagamot sa MAS ay ang makita ang meconium aspiration sa pinakamaaagang posibleng pagkakataon. Kapag ang isang ina ay lagpas na sa kanyang inaasahang petsa ng panganganak o nakapansin ng berde o dark na pagmamantsa sa pagputok ng kanyang panubigan, maaaring indikasyon ito ng problema. 

Para sa post-term pregnancies, maaaring magrekomenda ang doktor na paikliin ang labor para maiwasan ang posibilidad ng meconium aspiration. Ito ay nangangahulugan na ang nagdadalantao ay bibigyan ng mga medikasyon na makapagsi-stimulate sa matres para mag-kontrak at senyasan ang katawan na oras na para sa panganganak. 

Ang panggagamot para sa meconium aspiration ay pangunahin nang supportive. Pangkaraniwan, ang meconium ay sinisipsip palabas ngunit hindi ito palaging kailangan. Ang breathing support at oxygen delivery ay mahalaga. Ang mga sanggol ay maaaring ilagay sa respirator o ilagay sa continuous positive airway pressure (CPAP) para matulungan silang makahinga. Ang sanggol ay maaaring bigyan ng surfactants at antibiotis depende sa lala o iba pang kondisyon. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga sanggol ay naka-recover nang walang karagdagang panggagamot at pangmatagalang epekto. 

Key Takeaways

Sa kabuuan, ang meconium aspiration ay isang hindi pangkaraniwan ngunit seryosong kondisyon sa mga bagong silang na sanggol. Bagaman ito ay nagagamot, ang meconium aspiration ay may pangmatagalang epekto na maaaring maging mapaminsala. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga nagdadalantao na palagiang makipag-usap at ibahagi ang kanilang mga agam-agam sa kanilang OB-GYN sa kabuuan ng pagbubuntis. 

Matuto ng higit pa ukol sa mga Komplikasyon sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Meconium Aspiration Syndrome (MAS) https://kidshealth.org/en/parents/meconium.html Accessed March 4, 2021

Meconium Aspiration Syndrome https://www.msdmanuals.com/meconium-aspiration-syndrome Accessed March 4, 2021

Advances in the Management of Meconium Aspiration Syndrome https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3228378/ Accessed March 4, 2021

Meconium Aspiration Syndrome https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/meconium-aspiration-syndrome Accessed March 4, 2021

Meconium Aspiration Syndrome Birth Injury https://www.cerebralpalsyguidance.com/cerebral-palsy/causes/meconium-aspiration-syndrome/ Accessed March 4, 2021

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement