backup og meta

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?

Ano Ang Uterine Atony? Paano Ito Gamutin?

Ang panganganak ay isang napakaaganda ngunit masakit na karanasan para sa maraming mga ina. Walang iba pang karanasan na maihahambing dito. Maaari din ito maging patunay kung bakit ang mga kababaihan ay may mas mataas na antas na pagtitiis sa sakit kaysa sa mga kalalakihan. Lahat ng uri ng mga muscle ay gumagana habang ang mga kababaihan ay nagsisilang ng bagong buhay sa mundo. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng bagay ay umaayon sa plano habang nanganganak. Isa sa mga hindi magagandang pangyayaring maaaring maranasan ay ang uterine atony. Subalit ano ang uterine atony? Alamin sa artikulong ito.

Ano Ang Uterine Atony?

Ang uterine atony ay ang hindi pag-contract ng matres matapos ang panganganak. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng obstetric emergency na postpartum hemorrhage. Ang endogenous oxytocin ay pinoprodyus habang nanganganak. Kung ang lebel ng oxytocin ay hindi sapat o kung hindi sapat ang contraction ng mga muscle ng uterine (myometrium), ito ay nagreresulta sa isang floppy o atonic na matres.

Ang paglabas ng inunan mula sa sinapupunan ng ina ay nagiging sanhi upang ang nasirang spinal arteries ay bumuka. Upang makontrol ang pagdurugo, kinakailangan ang contraction ng uterine upang mapiga ang mga ito sa hemostatic state. Ang uterine atony ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng ina o pagkamatay na kaugnay ng pagbubuntis.

Ano Ang Uterine Atony? Mga Risk Factors Nito

May ilang mga kababaihang may mas mataas na tyansang magkaroon ng uterine atony na kaugnay ng postpartum hemorrhage. Sila ay ang mga kababaihang sumailalim na sa operasyon sa matres, kasalukuyang maramihang ipinagbubuntis, grand multiparity, at nagkaroon na ng postpartum hemorrhage.

Dagdag pa rito ay ang mga kababaihang may malaking fibroids, macrosomia, body mass index na higit sa 40, at anemia. Ang chorioamnionitis, matagal na ikalawang yugto ng labor, pagkakalantad sa oxytocin na mas matagal sa 24 oras, at ang pagbibigay ng magnesium sulfate ay maaari ding makaapekto sa matris.

[embed-health-tool-bmi]

Ano Ang Uterine Atony? Mga Gamutan At Pagkontrol

Maraming mga gamutang napatunayang epektibo sa paggamot ng postpartum na pagdurugo mula sa uterine atony. Ang paghahanda para sa posibleng pagkawala ng dugo ay kinakailangan. Ang mga kababaihang may mataas na tyansang makaranas nito ay dapat magkaroon ng tamang type ng dugo at cross-match habang nagle-labor.

Ipinapayo ng mga eksperto ang aktibong pagkontrol sa ikatlong yugto ng labor. Kabilang dito ang uterine massage kasabay ng pagpapanatili ng mababang lebel ng traction sa pusod. Makatutulong ang magkasabay na paglalagay ng oxytocin, bagama’t mainam ding ipagpaliban ito pagkatapos ng mailabas mula sa sinapupunan ang placenta.

Napatunayang mabisa ang pagmamasahe sa matris  habang tinitiyak ang tuluyang paglabas ng inunan mula sa sinapupunan ng ina. Ang mga gamot para sa postpartum hemorrhage na secondary sa uterine atony ay kinabibilangan ng oxytocin, methylergonovine, 15-methyl-PGF2-alpha, misoprostol, at dinoprostone.

Mga Operasyong Maaaring Isagawa

Kung hindi maging epektibo ang gamot sa patuloy na labis na pagdurugo, maaaring irekomenda ng mga doktor ang operasyon. Ang obstetricians ay maaaring gumamit ng mga konserbatibong paraan upang magkaroon ng contraction ng uterine kabilang ang bimanual compression ng matris at paglalagay ng maraming compressive sutures.

Noong 1997, si Christopher B-Lynch ay gumawa ng isang makabagong paraan upang gamutin ang uterine atony. Sa buong mundo, matagumpay na ginagamit ng mga doktor ang paraang ito. Tinatawag itong “B-Lynch suture,” na maaari itong gawin nang madali at mabilis.

Ang B-Lynch suture ay isang tuluy-tuloy na tahi upang balutin at mekanikal na i-compress ang matris. Ito ay isang paraan upang maiwasan ang isang hysterectomy.

Sinasabing ang dalawang tamponade techniques ay epektibo. Ang isa kinabibilangan ng pagbalot sa uterine gamit ang gasa at ang isa naman ay kinabibilangan ng paglalagay ng Bakri balloon.

May iba pang mga operasyong maaaring isagawa. Kabilang na ang uterine curettage para sa retained products, uterine artery ligation, hypogastric artery ligation, at huli, kung hindi maging epektibo ang iba, ay ang hysterectomy.

Key Takeaways

Gaano man kaganda ang proseso ng panganganak, may mga hindi inaasahang bagay na maaaring mangyari. Isa sa mga sitwasyong ito ay ang uterine atony. Ito ay nangyayari kung ang matris ay hindi nag-contract matapos ang panganganak.
Ang ilang mga kababaihan ay mas may tyasang makaranas ng uterine atony na kaugnay ng postpartum hemorrhage. Patuloy na pinag-aaralan ang paggamot ng mga ganitong uri ng mga kondisyon. Ang ilang mga operasyon ay napatunayang epektibo kung ang mga gamot na ito ay hindi sapat.

Matuto pa tungkol sa mga Komplikasyon sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Uterine Atony: Definition, Prevention, Nonsurgical Management, and Uterine Tamponade, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0146000508001468, Accessed January 19, 2022

Uterine atony, https://europepmc.org/article/NBK/nbk493238, Accessed January 19, 2022

Compressive Uterine Sutures to Treat Postpartum Bleeding Secondary to Uterine Atony, https://journals.lww.com/greenjournal/Abstract/2005/09000/Compressive_Uterine_Sutures_to_Treat_Postpartum.20.aspx, Accessed January 19, 2022

B-Lynch suture for the treatment of uterine atony, https://www.researchgate.net/profile/Lay-Kok-Tan/publication/26707220_B-Lynch_suture_for_the_treatment_of_uterine_atony/links/54dbf0d70cf28d3de65e05d0/B-Lynch-suture-for-the-treatment-of-uterine-atony.pdf, Accessed January 19, 2022

Severe Postpartum Hemorrhage from Uterine Atony: A Multicentric Study, https://www.hindawi.com/journals/jp/2013/525914/#conclusions, Accessed January 19, 2022

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Kulebra Disease O Herpes Zoster, Bakit Mapanganib Sa Buntis?

Pwede Bang Makunan nang Hindi Niraspa? Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement