backup og meta

Ano Ang Placental Abruption, At Ano Ang Epekto Nito Sa Sanggol?

Ano Ang Placental Abruption, At Ano Ang Epekto Nito Sa Sanggol?

Ang bawat ina ay nasa panganib ng pagkakaroon ng iba’t ibang komplikasyon habang nagbubuntis. Isa sa bihira ngunit napakaseryosong problemang maaari nilang maranasan ay ang placental abruption. Ang agad na tanong sa tuwing mapag-uusapan ito ay “Ano ang placental abruption? At ano ang mga epekto ng placental abruption sa buntis?”

Hindi karaniwang kondisyon ang placental abruption na maaaring mangyari sa kahit na sinong buntis. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng ina at ng sanggol. 

Ano Ang Placental Abruption?

Ang placental abruption ay isang kondisyon kung saan ang placenta ng ina ay natanggal sa kanyang uterus wall. Puwede nitong mahinto ang pagbibigay ng sustansya at oxygen sa sanggol. Maaaring magdulot ito ng seryosong pinsala sa buhay ng ina at ng sanggol. 

Kadalasan itong nangyayari sa ikalawang yugto ng pag-le-labor ng isang ina, o habang nasa ikatlong trimester na ng kanyang pagbubuntis. Ilan sa karaniwang mga sintomas ay:

  • Pagdurugong lumalabas sa ari ng babae
  • Pagsakit ng tiyan at likod
  • Madalas na contractions
  • Paglambot/pagtigas ng tiyan
  • Abnormal na heart rate ng puso

Hindi pa rin tukoy kung ano ang sanhi ng placental abruption sapagkat hindi ito madalas na nangyayari. Ngunit may ilang mga pangyayari at kondisyong nagpapataas ng panganib nito. Kabilang dito ang pagkakaroon ng trauma sa tiyan ng ina at ang mabilis at biglaang pagkaubos ng amniotic fluid sa loob ng sinapupunan.

Ano Ang Mga Panganib?

Dahil isang seryosong komplikasyon ang placental abruption na maaaring makasama sa ina at sa sanggol, mahalagang malaman ang mga posibleng panganib at upang agad na makahingi ng tulong medikal. 

Narito ang ilang mga epekto sa ina at sa sanggol:

Mga Epekto Ng Placental Abruption Sa Ina

Nagdudulot ang placental abruption ng matinding pagdurugo o hemorrhage sa sinapupunan at ari ng ina. Puwede itong maging sanhi rin ng iba pang komplikasyon gaya ng panghihina dulot ng pagkabigla, problema sa blood cutting, at maging ang pangangailangang masalinan agad ng dugo. 

Bukod pa dyan, maaaring mangailangan ng emergency cesarean section ang placental abruption. Kabilang sa iba pang komplikasyon ang acute renal failure at pituitary necrosis. Bilang huling option, kung hindi hihinto ang pagdurugo, maaaring magsagawa ang mga doktor ng hysterectomy o ang pagtatanggal ng sinapupunan ng ina. Ang pinakamasamang puwedeng mangyari dito ay mamatay ang ina dahil naubusan ng dugo. 

Epekto Ng Placental Abruption Sa Sanggol

Ilan sa mga karaniwang epekto sa sanggol ay premature birth, pinsala sa utak sanhi ng bumabang suplay ng sustansya at oxygen, at limitadong paglaki sa loob ng sinapupunan. 

Gaya ng ina, mayroon ding posibilidad na mamatay ang sanggol habang nabubuo sa loob ng sinapupunan na magreresulta sa stillbirth.

Ano Ang Mga Gamutan?

Ano mang yugto sa panahon ng pagbubuntis, kapag natuklasan ng doktor ang mga senyales ng placental abruption, napakahalagang mabantayan palagi ang kondisyon ng ina at ng sanggol. May mga kaso na hindi naman gaanong malala at kailangan lang ng ina na magpahinga sa bahay kasama ang ilang gamutan upang matulungan ang sanggol na ma-develop nang maayos. 

Ngunit sa mga pagkakataong nakapagdulot na ito ng sobrang pagkawala ng dugo mula sa ina, maaaring irekomenda ng doktor ang emergency c-section upang mailabas na ang sanggol nang ligtas. Maaari ding isagawa ng doktor ang hysterectomy upang huminto na ang pagdurugo ng ina. Kakailanganin ding salinan ng dugo ang ina habang nangyayari ang operasyon kung maraming dugo na ang nawala.

[embed-health-tool-due-date]

Key Takeaways

Bukod pa sa maaaring maging epekto ng placental abruption sa sanggol, mahalaga ring malaman kung ano ang masamang idudulot nito sa isang ina. Bihira ang kondisyong ito, ngunit dahil hindi pa malinaw ang sanhi, puwede itong mangyari sa kahit na sinong buntis. Mahalagang magkaroon ng regular na konsultasyon sa doktor upang maagang matukoy ang mga problemang gaya nito. Maraming panganib ang kaakibat ng pagbubuntis, kaya’t lubos na ipinapayo na makinig sa sinasabi ng doktor at sumunod sa healthy lifestyle

Matuto pa tungkol sa mga komplikasyon ng pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Placental Abruption, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/placental-abruption, Accessed March 24, 2021

Placental Abruption – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482335/, Accessed March 24, 2021

Placental abruption – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/placental-abruption/diagnosis-treatment/drc-20376462, Accessed March 24, 2021

Placental abruption – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/placental-abruption/symptoms-causes/syc-20376458, Accessed March 24, 2021

Bleeding During Pregnancy, https://www.healthdirect.gov.au/bleeding-during-pregnancy, Accessed March 24, 2021

Kasalukuyang Version

03/08/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Panganganak Ng Cesarean: Mga Facts Na Dapat Mong Malaman

Almoranas Ng Buntis, Bakit Ito Nangyayari At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement