Ang panaginip ng buntis ay kadalasang kakaiba at mas intense. Hindi maiiwasan ang mga pagkakataong magigising at mapapaisip, “tungkol saan ba ang panaginip ko?” Pwede itong maging dahilan ng pangamba para sa mga “soon to be mom”. Kaya’t tayo na, at alamin ang mga ibig sabihin ng pregnancy dreams!
Are you excited? Basahin ang artikulong ito para malinawan sa mga panaginip ng buntis at paano ito nagaganap.
Bakit naging mas kakaiba ang panaginip ng buntis?
Isa sa mga nagiging sintomas ng pagbubuntis sa week 17 ay ang madalas na pananaginip. Ayon sa mga doktor at eksperto ang pagkakaroon ng panaginip ay normal. Bahagi ito ng malusog na pagtulog. Ngunit sa panahon ng pagbubuntis, maaaring mapansin ang pagiging iba ng frequency at mga bagay na nakikita sa panaginip. Pwedeng mas maging intense at malinaw ito.
Dahil sa pag-iiba ng hormone levels ng buntis, kaya nagugulo ang sleeping patterns at rhythms nila. Sanhi ito para magkaroon sila ng bagong dream patterns. Idagdag mo pa, na dahil sa stress na nararanasan ng mga buntis kaya mas nagiging kakaiba ang panaginip nila.
Batay sa Sleep Foundation, ayon sa mga pag-aaral mas madalas ang pregnancy-related dreams ng mga first-time mom. Samantala, disturbed dreams naman ang madalas na danasin ng mga buntis na may pregnancy complications.
Bakit mas madalas managinip sa panahon ng pagbubuntis?
Posible na managinip ang mga buntis ng mas marami sa loob ng 8-hour sleep cycle. Isa sa kilalang sintomas ng mga nagbubuntis ay ang mas madalas na pagtulog. Habang mas dumadalas ang pagtulog ng mga buntis, mas lalaki ang tyansa nila na mas managinip pa. Ang fatigue rin sa pagbubuntis ay pwedeng maging sanhi ng mas madalas na pagtulog.
Paano ba nagkakaroon ng panaginip ang isang tao?
Sinasabi sa teorya ni Sigmund Freud, na lumalabas ang lihim na desires at emosyon ng tao sa panaginip. Habang ang ibang teorya naman ay naglalahad na tumutulong ang panaginip para maresolba ang problema at maging mas malikhain ang isip. Minsan naman, ito raw ang simpleng brain activation na wala namang dahilan kung bakit nangyayari.
Lahat ay maaaring magkapanaginip, buntis ka man o hindi— lalaki man o babae ka. Madalas managinip ang isang tao kapag nasa REM sleep stage ang isang indibidwal. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagbilis ng galaw ng mga mata habang natutulog.
Pwede pa rin naman managinip ang isang tao kahit wala sa REM sleep stage, subalit hindi ito kasing linaw at madaling makalimutan. Habang nananaginip pwedeng makakita ng mga larawan at makaramdam ng mga emosyon. Minsan ang panaginip ay pwedeng makapag-trigger ng mga ideya.
Anu-ano ang interpretasyon sa panaginip ng buntis?
Mapapansin sa modernong panahon, mas lalong dumarami ang mga pag-aaral tungkol sa panaginip ng buntis. Lumalabas sa maraming pananaliksik na may koneksyon ang mga ito sa unconscious mind.
May kaugnayan ang panaginip ng buntis sa kanilang kalagayan. Sa first trimester, pwedeng managinip siya ng mga bagay na may kinalaman sa fertility. Tulad ng prutas, tubig at baby.
Narito ang mga sumusunod na pregnancy dreams na maaaring maranasan ng mga buntis:
- Panaginip sa tubig. Madalas itong mangyari sa first trimester, dahil ito ang panahon na napupuno ng fluid ang amniotic sac. Ayon kay Ian Wallace sa Fox News, isang psychologist, kapag napapanaginipan ang tubig madalas ay tumutukoy ito sa emosyon. Halimbawa, kung sa panaginip mo may tsunami pwedeng ang panaginip ay kaugnay sa mood swings.
- Pagkakaroon ng panaginip ng panganganak. Kapag ang buntis ay nanaginip ng panganganak. Pwedeng maging signs ito ng anxiety o excitement. Sinasabi na madalas itong mapanaginipan sa third trimester.
- Panganganak ng mga kakaibang hayop, bagay o nilalang. Maaaring mapanaginipan ito bilang paghahanda ng iyong isipan sa pagkakaroon ng anak. Kadalasan itong napapaginipan sa ikatlong trimester.
- Pananaginip tungkol sa kasarian ni baby. Pwedeng mangyari ang panaginip na ito, sa pamamagitan ng sadyang paghahangad o hindi namamalayang pagkiling sa kasariang nais para sa anak.
- Nakalimutan si baby. Pwedeng maging manifestation ito ng mga pangkaraniwang takot na nararamdaman ng mga buntis, kung handa na ba sila sa pagiging ina.
- Pananakit sa baby o sa sarili. Ito’y isang bangungot na maituturing para sa maraming kababaihan. Sinasabi na maaaring mapanaginipan ito dahil dumadaan ang isang buntis sa panahon na walang kasiguraduhan.
Batay sa mga eksperto sa American Sleep Association, hindi pa gaanong naipapaliwanag ang purpose at content ng panaginip. Ngunit matagal na itong pinag-uusapan sa relihiyon, pilosopiya at science.
Mga tips para sa pagtulog ng mga buntis
Ang maayos at mapayapang tulog ay makakatulong para maiwasan ang mga kakaibang panaginip ng buntis na sanhi ng pagkabalisa. Narito ang mga sumusunod:
- Huwag uminom ng maraming liquid para maiwasan ang pag-ihi sa gabi o madaling araw.
- Siguraduhing angkop ang ilaw ng iyong room para sa’yo at komportable ka sa temperatura ng silid.
- Iwasan ang mahabang pagtulog sa umaga kung kaya, para hindi masira ang pagtulog sa gabi.
- Mag-relax bago matulog. Gawin ang mga bagay na maaaring magpasaya at magpaginhawa sa iyo.
Key Takeaways
Tandaan, ang pagiging open sa’yong doktor ay makakatulong upang mabigyan ka ng angkop na atensyong medikal kung kinakailangan. Magandang hakbang ito sa pagsasaalang-alang ng iyong kalagayan at ni baby.
[embed-health-tool-due-date]