backup og meta

Alamin: Mga Stage Ng Prenatal Development

Alamin: Mga Stage Ng Prenatal Development

Nakamamanghang isipin na tayong mga nakatatanda ay nagmula sa isang cell. Ang ating pagdebelop bago pa man tayo isilang (prenatal development) ay isang maselang prosesong nangyayari batay sa lubhang organisadong paraan. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa mga stage ng prenatal development.

Ang Prenatal Development Ay Mahalaga Para Sa Kalusugan Ng Bata Sa Hinaharap

Ang mga stage ng prenatal development ay ang germinal, embryonic, at fetal. Mahalagang tandaan na ang mga stage na ito ay hindi katulad ng tatlong trimester ng pagbubuntis.

Itinatakda ng prenatal development ang stage ng kalusugan ng sanggol sa hinaharap. Kung mayroon mang pagkakamaling mangyari sa unang stage, maaaring maapektuhan nito ang ikalawa at ikatlong stage, na maaaring humantong sa mga problema sa kalusugan sa hinaharap o maging kamatayan.

Mga Stage ng Prenatal Development

Ano ang nangyayari sa bawat stage ng prenatal development?

Stage 1: Germinal Stage

Nangyayari ang germinal stage mula sa sandali ng pagbubuntis kung saan na-fertilize ng sperm cell ang egg cell upang mabuo ang zygote at hanggang sa ang single cell na ito ay ma-implant nang kusa sa uterine lining.

Sa stage na ito:

  • Nabubuo na ang genetic makeup ng sanggol. Mayroon na rin itong kasarian subalit makikita pa lamang ito ng mga magulang matapos ang ilang mga buwan.
  • Patuloy na mahahati ang single-cell zygote. Sa ika-5 araw ng paghahati-hati ng cell, nangyayari ang pag-iiba ng mga cell. Ito ay ang pamumuo ng mga espesyal na cell na mabubuo upang maging iba’t ibang mga organ.
  • Matapos ang isang linggo o 10 araw, ang multicellular structure na magiging embryo ay mai-implant nang kusa sa lining ng uterus.

Mahalaga ang germinal stage. Sinasabing mas mababa pa sa 50% ng mga zygote ang nakaliligtas sa unang dalawang linggo. Tinatayang nasa 60% ang hindi matagumpay dumikit sa uterus. Sa puntong ito, kadalasang hindi alam ng ina na siya ay nagbubuntis.

Stage 2: Embryonic Stage

Ikalawa sa mga stage ng prenatal development ay ang embryonic stage. Ito ay nagtatagal mula sa ika-3 hanggang ika-8 linggo. Matapos ma-implant ang zygote nang kusa sa uterine lining, matatawag na ito bilang embryo.

Sa stage na ito:

  • Ang placenta na nabubuop. Ito ay isang organ kung saan embryo/fetus ay kumukuha ng sustansya.
  • Ang mga pangunahing bahagi na magiging ulo, dibdib, at tiyan ay nabubuo.
  • Nag-uumpisa na ring mabuo at gumana ang ilang organs.
  • Nagkakaroon na ng heartbeat ang sanggol sa sinapupunan.
  • Sa puntong ito, nabubuo ang neural tube. Ito ang magiging spinal cord at utak.
  • Nakagagalaw ang embryo at nakatutugon din sa mga haplos.

Ayon sa mga ulat, 20% ng embryos ay hindi nagtatagumpay sa stage na ito, karaniwang dulot ng abnormalidad ng chromosomes. Tulad ng sa germinal stage, maaaring hindi alam ng ina na siya ay nagbubuntis.

Mahalagang paalala:

Dahil alam ng ina na siya ay nagbubuntis habang siya ay sumasailalim sa germinal at embryonic stage, siya ay maaaring gumawa ng mga gawaing maaaring makapagpahamak sa kanya at sa kalusugan ng sanggol, tulad ng lubhang paggamit ng substances at paninigarilyo. Kaya, makatutulong na maging malay sa mga maagang senyales ng pagbubuntis.

Stage 3: The Fetal Stage

Ang fetal period ay mula sa ika-9 hanggang ika-40 linggo. Sa ika-9 na linggo, hindi na ito tinatawag na embryo ngunit fetus.

Sa stage na ito:

  • Ang fetus ay kumpleto na ang mga bahagi ng katawan, kabilang ang sex organs, nangangahulugang maaari nang malaman ng mga magulang ang kasarian ng fetus.
  • Nakikita na rin ang fingerprints.
  • Nadedebelop na ang ilang reflexes tulad ng supsup at paglunok.
  • Maaari na ring tumugon ang fetus sa mga tunog.

Sa kabuoan, ang pagdebelop ng fetus ay nagpapatuloy at ang pagbabagong dulot nito ay nagiging mas kapansin-pansin.

Key Takeaways

Bagama’t maraming tao ang pamilyar sa tatlong trimestre ng pagbubuntis, bihira lamang ang nakatatanda sa mga stage ng prenatal development.
Ang prenatal development ay maselang prosesong nangyayari sa magkakasunod na mga stage; germinal, embryonic, at fetal. Sa kabuoan, ang mga nararanasang problema sa mga stage na ito ay maaaring magresulta sa mga pangmatagalang problema o maging sa kamatayan, lalo sa germinal at embryonic stage at maging sa unang bahagi ng fetal stage.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stages of Development of the Fetus, https://www.msdmanuals.com/home/women-s-health-issues/normal-pregnancy/stages-of-development-of-the-fetus, Accessed June 21, 2022

Fetal Development: Stages of Growth, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/7247-fetal-development-stages-of-growth, Accessed June 21, 2022

Stages of pregnancy, https://www.womenshealth.gov/pregnancy/youre-pregnant-now-what/stages-pregnancy, Accessed June 21, 2022

Stages of Development, https://opentextbc.ca/psychologyopenstax/chapter/stages-of-development/#:~:text=There%20are%20three%20stages%20of,germinal%2C%20embryonic%2C%20and%20fetal., Accessed June 21, 2022

Prenatal Development, https://iastate.pressbooks.pub/parentingfamilydiversity/chapter/prenatal-development/, Accessed June 21, 2022

Kasalukuyang Version

11/07/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement