backup og meta

Safe ba ang Pakikipagtalik para sa Buntis?

Safe ba ang Pakikipagtalik para sa Buntis?

Ang magkasintahan na umaasang magkaanak ay madalas na nag-iisip kung maaari silang makipagtalik habang buntis ang babae. Marahil, dahil sa kultura kaya’t hindi na iniisip ang pakikipagtalik kapag buntis na ang babae. Maaaring nangangamba sila sa epekto ng pakikipagtalik. Baka iniisip ng iba na ito ay nakakadulot ng pagsisimula ng labor o pagkalaglag ng bata. Mahalaga ang pakikipagtalik habang buntis dahil nakakapagpaalab ito ng pagsasama sa pagitan ng dalawang mag-asawa. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung kailan ligtas ang makipagtalik, kailan hindi, at anong posisyon ang puwedeng gawin ng mag-asawa. 

Pakikipagtalik Habang Buntis

Ang pakikipagtalik (at iba pang anyo ng pakikipagtalik) ay maikokonsiderang ligtas para sa mga normal na pagbubuntis. Ang normal na pagbubuntis ay yaong mababa ang posibilidad ng mga komplikasyon tulad ng preterm labor at pagkalaglag ng bata.

Sa unang trimester, maaaring hindi ka makipagtalik dahil sa nararamdamang pagduduwal o kapaguran. Sa pangalawang trimester, maaaring tumaas ang iyong kagustuhang makipagtalik at lebel ng enerhiya kapag humupa na ang iyong pagduduwal. Kapag pangatlong trimester na, maaaring bumaba na naman ang iyong kagustuhang makipagtalik. Puwede ring maapektuhan ang kagustuhan mong makipagtalik ng kung gaano kaganda ang tingin ng babae sa kanyang sarili. Posible pa rin ang pakikipagtalik habang buntis. Ang mahalaga dito ay makipag-usap palagi sa iyong asawa tungkol sa mga pagbabagong iyong nararamdaman.

Mga posisyon habang buntis

Mahalaga ang iba’t ibang posisyon sa pakikipagtalik lalo na’t lumalaki na ang iyong tiyan. Maraming posisyong mapagpipilian, ngunit narito ang siyam sa posisyon na maaari mong subukan sa bawat trimester.

Pakikipagtalik habang buntis: Para sa unang trimester

Scissors

  • Tumatagos ngunit hindi masyadong malalim
  • Nagbibigay ng pagpapasigla para sa hindi tumatagos na pakikipagtalik
  • PAANO: Ang kanang binti ng partner mo ay nasa ibabaw ng iyong kaliwang binti. Habang nasa ibabaw naman ng kaliwang binti niya ang kanan mo. Sumandal habang ang iyong partner ay iniaangat ang sarili gamit ang kanyang mga braso. Dahan-dahan siyang iikot papunta sa iyo. 

X-Files

  • Maganda para sa pagpapasigla dahil madaling makakapa ng asawa ang mga suso, na magiging sobrang sensitibo dahil sa mataas na level ng estrogen at progesterone.
  • PAANO: Humiga at itaas ang parehong mga binti sa balikat ng iyong asawa. Madali ka niyang mapapasok.

Missionary

  • Maaari pa ring gawin ang posisyong ito habang wala pang baby bump na nakikita.

Pakikipagtalik habang buntis: Para sa ikalawang trimester

Doggy style

  • Walang pressure sa tiyan
  • PAANO: Tumuwad. Hayaan ang iyong asawang pumasok mula sa iyong likod.

Cowgirl

  • PAANO: Nakahiga ang iyong asawa, habang nakaupo ka sa kanya sa bandang balakang at nakaharap sa kanya. Simulang sakyan siya at igalaw ang katawan pataas at pababa sa bilis na gusto mo.

Spider

  • Maganda itong posisyon para sa pakikipagtalik habang buntis dahil may espasyo ang lumalaking tiyan
  • Nagbibigay ng parehong masturbation
  • PAANO: Umupo sa kama habang nakaharap ang mga binti sa isa’t isa at mga braso sa likod upang suportahan ang sarili. Lumapit sa isa’t isa habang nakatupi ang mga binti at nakabuka. Ang mga binti mo at paa ay nasa labas ng kanyang balakang.

Pakikipagtalik habang buntis: Para sa ikatlong trimester

Spooning

  • Ang paghiga sa iyong tagiliran ay nag-aalis ng pressure sa iyong likod, matris at tiyan.
  • Pinakamainam ito para sa late-stage pregnancies dahil mas malumanay ito at hindi kailangan ng malalim na pagpasok
  • PAANO: Hihiga ang iyong asawa sa tabi mo habang nakaharap siya sa likod mo at ipinapasok niya ang kanyang ari mula sa likod mo.

Reverse cowgirl

  • PAANO: Pareho lang sa cowgirl, ngunit nakaharap ka naman sa kanyang mga binti.

Table Top

  • Nagbibigay sa iyo ito ng komportableng posisyon at madaling maaabot ang iyong asawa.
  • PAANO: Umupo sa dulo ng higaan o mesa, gumamit ng mga unan habang ipinapasok sa iyo ng iyong asawa ang kanyang ari.

Pakikipagtalik habang buntis: Ano ang hindi mo dapat gawin

Kapag ginagawa ang pakikipagtalik habang buntis, may ilang mga bagay na hindi mo dapat gawin, anuman ang iyong risk level:

  • Paghiga o pagtagilid sa iyong kanan: Ayon sa mga ulat, inirerekomenda ng mga ekspertong huwag makipagtalik sa ganitong mga posisyon dahil maaaring maipit ang mahahalagang veins at arteries.
  • Pakikipagtalik sa asawa nang hindi nalalaman ang kanyang nakaraan sa pakikipagtalik: Hindi ka ligtas sa sexually transmitted infections kahit buntis ka. Maaari pa itong makasama sa iyo at sa iyong baby.
  • Hipan ng hangin ang ari: Maaari itong magdulot ng air embolism. Ito ay nangyayari kapag nabarhan ang blood vessel ng air bubble. Bihira itong mangyari, ngunit nakamamatay.

Key Takeaways

Kapana-panabik ang pagsisimula ng pamilya. Pinagbubuklod dapat tayo ng pagbubuntis bilang mahalagang yugto ng buhay. At isa sa paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Bagaman maaaring mahirap o mapaghamon na gawin ito habang buntis,maraming pakikipagtalik positions ang puwede ninyong gawin ng iyong asawa. Malay mo, magamit mo pa rin ito upang lalong pagliyabin ang inyong buhay sekswal kahit tapos ka nang mabuntis. 

Matuto pa tungkol sa Pagiging Buntis dito. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

08/05/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement