backup og meta

Sintomas ng Preeclampsia, Anu-ano nga ba?

Sintomas ng Preeclampsia, Anu-ano nga ba?

Kung babalewalain, ang mga sintomas ng preeclampsia ay maaaring makapinsala sa parehong nanay at hindi pa pinapanganak na sanggol. Ano ang sanhi ng preeclampsia at ano ang mga sintomas na kailangang tingnan ng mga babae?

Kahulugan ng Preeclampsia

Ang Preeclampsia ay parte ng spectrum ng pregnancy-related hypertensive disorders.

Sa dulo ng spectrum ay gestational hypertension, kondisyon kung saan ang babae na mayroong normal na presyon ng dugo noon (normotensive) ay nagkakaroon ng hypertension matapos ang ika-20 na linggo ng kanyang pagbubuntis. Ang presyon ng dugo ay maaaring mas mataas o kapantay ng 140/90 mmHg.

Ang gestational hypertension ay kadalasang hindi nagpo-produce ng iba pang sintomas liban sa mataas na presyon ng dugo at, sa maraming mga kaso, hindi nakasasama sa nanay o sanggol. 

Ngunit sa ibang mga kaso, maaari itong maging sanhi ng tiyak na mga komplikasyon.

Ang preeclampsia ay may pagkakapareho sa gestational hypertension, sa kahulugan na ang dating normotensive na babae ay nagkaroon ng mataas na presyon ng dugo matapos ang ika-20 linggo ng pagbubuntis.

Gayunpaman, ito ay mas malala dahil ito ay sinasamahan din ng ibang clinical features na hindi nakikita sa gestational hypertension. Karagdagan, ang preeclampsia ay maaaring makaapekto sa bato at atay, na hahantong sa iba pang sintomas tulad ng pagmamanas (edema) at protina sa ihi. Kung hindi magagamot, ang kondisyon ay maaaring makasama sa parehong nanay at sanggol.

Kung ang sintomas ng preeclampsia ay maging malala upang mapinsala ang utak, ito ay magdudulot ng pangingisay, o hahantong sa coma, ang nanay ngayon ay may kondisyon na tinatawag na eclampsia.

Ano ang sanhi ng preeclampsia?

Ayon sa mga eksperto, ang preeclampsia ay nangyayari dahil sa problema sa placenta o “inunan,” ang organ na nakakonekta sa supply ng dugo ng nanay patungong supply ng dugo ng sanggol.

Habang nagbubuntis, ang hindi pa isinisilang na sanggol ay nakakukuha ng oxygen at nourishment mula sa kanilang nanay sa pamamagitan ng placenta; kaya’t kinakailangan para sa “inunan” na makatanggap ng marami at patuloy na supply ng dugo. 

Sa preeclampsia, ang placenta ay hindi na nakatatanggap ng sapat ng dugo. Ito ay sa kadahilanan na:

  • Ang placenta ay hindi na maayos na nagpoporma sa unang kalahati ng pagbubuntis.
  • Problema sa implantation
  • Ilang mga genetics na salik
  • Kakulangan sa pagsirkula ng dugo papuntang sinapupunan
  • Problema sa immune system
  • Pinsala sa blood vessels

Ang problema sa placenta ay nakaaapekto sa blood vessels ng nanay, na nagreresulta sa preeclampsia.

sintomas ng preeclampsia

Sintomas ng Preeclampsia

Isa sa mga rason bakit mapanganib ang preeclampsia ay dahil minsan, ang mga babae ay hindi nakararamdam ng kahit na anong hindi pangkaraniwan. Sa katunayan, ang ibang mga nanay ay nalalaman lang ang kanilang kondisyon habang nasa regular na prenatal check-ups, kung natignan na ng doktor ang kanilang dugo at ihi. 

Ang unang senyales ng preeclampsia ay ang pagtaas ng presyon ng dugo. Ayon sa mga eksperto, ang mas mataas sa 140/90 mmHg nang dalawang pagkakataon, sa 4 na mga oras na pagitan, ay hindi normal.

Ang ibang senyales at sintomas ng preeclampsia ay maaaring kasama ang:

  • Sakit sa ibabang parte ng likod, na nagpapahiwatig ng mahinang pag-function ng bato.
  • Sakit sa itaas na bahagi ng tiyan, mas may sakit sa kanan ay maaaring senyales na tungkol sa atay.
  • Malalang sakit ng ulo.
  • Pagdami ng pamamaga; tandaan na ang ibang pamamaga ay normal habang nagbubuntis ngunit ang pangkabuoang pamamaga sa paligid ng mga mata, sa mukha, sa mga kamay, o sa mga hita ay maaaring nagpapahiwatig ng preeclampsia.
  • Problema sa paningin, tulad ng pagiging sensitibo sa liwanag o paglabo ng paningin
  • Biglaang dagdag sa timbang (higit sa 4 na pounds o 1.8 na kilos sa isang linggo) ay maaaring dahil sa pananatili ng tubig
  • Pagkahilo o pagsusuka na pabalik-balik sa kalagitnaan ng pagbubuntis
  • Hirap sa paghinga
  • Kabawasan ng pag-ihi
  • Protina sa ihi (proteinuria), na maaaring magpahiwatig ng pagbabago sa function ng bato.
  • Kabawasan ng lebel ng platelets

Panganib ng preeclampsia

Kung nanatili ang mga sintomas ng preeclampsia na hindi nagagamot, hahantong ito sa komplikasyon tulad ng preterm birth, fetal growth restrictions, eclampsia, cardiovascular diseases, at placental abruption. Sa ganitong kondisyon, ang placenta ay natatanggal nang maaga bago ang paglabas ng sanggol.

Ang hindi makontrol na preeclampsia ay magreresulta sa HELLP syndrome, na ang ibig sabihin ay hemolysis (pagkasira ng red blood cells), elevated o pagtaas ng liver enzymes, at lower or pagbaba ng bilang ng platelet. HELLP ay maaaring may banta sa buhay para sa parehong nanay at sanggol, at nagrerepresenta rin ito ng pinsala sa iba pang mga organs.

Tandaan na ang HELLP ay maaaring maging mapanganib na hindi mawari. Maaari itong mag-develop nang biglaan bago malaman ang pagtaas ng presyon ng dugo, o maaaring mangyari nang walang sintomas.

Ano ang mga magagawa ng buntis tungkol sa preeclampsia?

Ang mga magiging nanay ay kinakailangang pumunta sa kanilang prenatal check-ups, upang makita ng doktor ang mga sintomas ng preeclampsia, partikular sa mga mataas ang presyon ng dugo.

Kung ma-diagnose, ang gamutan ay dedepende sa maraming factors. Ang mga ilang factors ay: gaano kalala ang sintomas ng preeclampsia, gaano katagal nang buntis, at ang kalusugan ng sanggol. If possible, magrerekomeda ang doktor ng maagang paglabas ng iyong sanggol, dahil ito ang pinaka epektibong paraan upang malunasan ang kondisyon.

Kung ang panganganak ay hindi pa nagpapahiwatig, ang doktor ay magbibigay ng gabay kung gaano kadalas na magpa-check-up, i-monitor ang BP, at sumailalim sa tests.

Maaari rin silang magbigay ng mga gamot at payuhan na magpahinga sa kama. Sa mga malalang preeclampsia na kaso, ang doktor ay maaaring magrekomenda ng pagpapaospital, upang ikaw ay masinsinang ma-monitor.

Alamin pa ang marami tungkol sa Komplikasyon sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Preeclampsia and Eclampsia
https://www.nichd.nih.gov/health/topics/preeclampsia/conditioninfo
Accessed December 3, 2020

Preeclampsia
https://medlineplus.gov/ency/article/000898.htm
Accessed December 3, 2020

Preeclampsia
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/preeclampsia/diagnosis-treatment/drc-20355751
Accessed December 3, 2020

Pre-eclampsia
https://www.nhs.uk/conditions/pre-eclampsia/causes/
Accessed December 3, 2020

Signs and Symptoms of Preeclampsia and Why It’s Important to Monitor
https://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/intermountain-moms/2018/01/signs-and-symptoms-of-preeclampsia-and-why-its-important-to-monitor/
Accessed December 3, 2020

Kasalukuyang Version

03/27/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement