backup og meta

Maselan Na Pagbubuntis, Anu-ano Ba Ang Mga Sintomas Ng Pagkakaroon Nito?

Maselan Na Pagbubuntis, Anu-ano Ba Ang Mga Sintomas Ng Pagkakaroon Nito?

Maselan na pagbubuntis ang isa sa kinakatakutan ng karamihan sa kababaihan. Kung tutuusin, marami kang susuungin na pagbabago habang naghahanda ka sa pagdating ng iyong sanggol. Ngunit ito rin ay panahon kung saan maaaring nag-aalala ka tungkol sa mga pagbabagong nararanasan mo at ang epekto nito sa iyong pagbubuntis.

Karamihan sa mga isyu sa kalusugan ng pagbubuntis ay banayad at karaniwan. Gayunpaman, ang ilang mga palatandaan ay maaaring senyales na ang mga bagay ay maaaring hindi maayos. Maaaring may mas malubhang komplikasyon sa pagbubuntis na dapat mong malaman at ikunsulta sa iyong doktor.

Sino ang maaaring makaranas ng maselan na pagbubuntis?

Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay maaaring maranasan ninuman. Kahit na ang mga babaeng malusog bago magbuntis ay maaaring makaranas ng mga komplikasyon. Ang mga komplikasyon na ito ay maaaring may kinalaman sa kalusugan ng ina, kalusugan ng fetus, o pareho.

Ang ilan sa mga sintomas na ito ay maaaring lumitaw sa iba’t ibang yugto ng iyong pagbubuntis. Kahit na hindi ka sigurado sa iyong mga sintomas, mahalagang masuri upang maiwasan ang mataas na panganib na pagbubuntis. Makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor, midwife o ospital kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na sintomas:

Pagdurugo 

Karaniwan ang pagdurugo sa maselan na pagbubuntis, lalo na sa mga unang yugto nito. Humigit-kumulang isa sa apat na kababaihan ang nakakaranas ng vaginal spotting o pagdurugo sa unang trimester. Marami sa kanila ay nagpatuloy na nagkaroon ng malusog na pagbubuntis.

Gayunpaman, ang pagdurugo ng ari ng buntis ay maaaring unang senyales ng isang problema, Kung kaya mahalagang makipag-ugnayan sa iyong doktor kung meron kang vaginal bleeding sa anumang yugto ng iyong pagbubuntis

Ano ang dapat gawin?

Kung dumaranas ka ng matinding pagdurugo, magandang ideya na itago ang iyong may mantsang damit at ipakita ito sa doktor. Makakatulong na itala ang mga detalye tungkol sa kung ano ang iyong nararanasan tulad ng:

  • Dami at kulay ng anumang discharge
  • May inilabas na anumang clots
  • kung mayroon kang pananakit ng tiyan

Matinding pagsusuka sa maselan na pagbubuntis 

Ang morning sickness ay pangkaraniwan at nakakaapekto sa humigit-kumulang 70% hanggang 80% ng mga buntis sa unang tatlong buwan. Ito ay sanhi ng pagbabago sa mga hormones sa panahon ng pagbubuntis. Ang matinding pagsusuka ng buntis na tinatawag na hyperemesis gravidarum ay kadalasang nangangailangan ng paggamot sa ospital.

Ang hyperemesis gravidarum ay hindi karaniwan ngunit maaari itong maging malubha. Mas malala pa ito kaysa sa morning sickness. Kung palagi mo itong nararanasan at hindi mo mapigilan ang pagduduwal, sabihin sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

Patuloy na pagbabawas ng timbang

Ang pagbaba ng timbang ay maaaring maging sintomas ng maselan na pagbubuntis. Sa pangkalahatan, normal lamang ang pagbawas ng timbang at hindi dapat ipag-alala. Gayunpaman, dapat ka mag-alala kung ang pagbawas ng timbang ay malaki, pangmatagalan, o nangyayari pagkatapos ng unang trimester.

Sa unang yugto ng pagbubuntis, ang sanggol ay medyo maliit pa at mayroon lamang kaunting caloric at nutritional na pangangailangan. Kung kaya ang kaunti at hindi sinasadyang pagbaba ng iyong timbang sa panahong ito ay hindi makakaapekto sa paglaki ng iyong sanggol.

Ngunit pagkatapos ng unang trimester, ang unti-unting pagtaas ng timbang ay nagiging mahalaga para sa kalusugan ng sanggol. Ito rin ay mahalaga sa pagbuo ng essential fat stores upang ihanda ang iyong katawan sa lumalaking sanggol, panganganak, at pagpapasuso.

Anong gagawin sa maselan na pagbubuntis

Ang regular na prenatal na pangangalaga sa simula pa lamang ng pagbubuntis ay makakatulong na mabawasan ang panganib ng pagbubuntis. Sa paraang ito, mabibigyang daan ang maagang pagsusuri ng mga kondisyon bago pa man ito maging seryoso. Importante ang maayos na koordinasyon sa iyong doktor upang mabigyan ka ng tamang pag-aalaga.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.nichd.nih.gov/health/topics/pregnancy/conditioninfo/complications, Accessed August 3, 2022

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/warning-signs-during-pregnancy, Accessed August 3, 2022

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/high-risk-pregnancy/art-20047012, Accessed August 3, 2022

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK304178/, Accessed August 3, 2022

https://www.nichd.nih.gov/health/topics/pregnancy/conditioninfo/high-risk, Accessed August 3, 2022

Kasalukuyang Version

10/04/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement