backup og meta

Maaari Bang Ma-Detect Ang Congenital Heart Disease Ng Sanggol?

Ang mga batang may congenital heart disease ay maaaring mangailangan ng agarang gamutan matapos ipanganak at/o ng panghabambuhay na pagkontrol ng kanilang kondisyon. Dahil dito, mahalagang ma-detect sa lalong madaling panahon ang posibleng congenital heart disease ng sanggol: habang ito ay nasa sinapupunan pa lamang. Paano natutuklasan ang  congenital heart disease ng sanggol habang ipinagbubuntis?

Maaari Bang Ma-Detect Ang Congenital Heart Disease Ng Sanggol?

Diagnosis Ng Congenital Heart Disease Ng Sanggol

Bago alamin ang ilang pang mga mahahalagang bagay, atin munang alamin kung totoo bang posibleng matuklasan ang congenital heart disease ng sanggol habang ito ay nasa matris pa lamang. Pinatotohanan ito ng mga eksperto. Sa katunayan, sinabi sa isang ulat ng CDC na 15% ng mga buntis ang natuklasan ang congenital heart disease ng kanilang mga anak habang sila ay buntis pa lamang.

Nakasaad din sa nasabing ulat na ang ganitong sitwasyon ay maaaring mas maranasan ng mga buntis kung sila ay:

  • May type 1 o type 2 diabetes
  • Mahigit 30 taong gulang
  • Kasaysayan ng CHD ang pamilya
  • May maraming pagbubuntis (kambal, triplets)
  • May iba pang sakit ang sanggol na kanilang ipinagbubuntis

Paano Matutuklasan Ang Congenital Heart Disease Ng Sanggol Habang Nagbubuntis?

Maraming buntis ang natuklasan ang congenital heart disease ng kanilang mga anak habang sila ay buntis pa lamang. Ano nga ba ang screening tests na isinasagawa upang malaman kung may congenital heart disease ang isang sanggol na nasa sinapupunan?

Routine Ultrasound

Ang congenital heart disease ay maaaring unang mapansin habang isinasagawa ang routing ultrasound scan, kapag narinig ng doktor ang tibok ng puso ng sanggol.

Ang normal na fetal heart rate ay 120 hanggang 160 na tibok kada minuto. Gayunpaman, ang  fetal heart rate ay maaaring maging iba mula sa mga nasabing bilang habang nananatili pa ring malusog:

  • May mga fetus na may heart rate na mas mababa sa 90 at nananatili pa ring maayos ang kalagayan.
  • Karaniwan na ang heart rate ay bumababa ng 5 hanggang 10 tibok kada minuto habang isinasagawa ang ultrasound.
  • May ibang fetus na maaaring may premature beats na hindi nagiging dahilan ng anomang problema at nawawala rin matapos maipanganak.

Ang mahalagang punto rito ay ang ultrasound ay hindi sapat upang matukoy ang tiyak na kondisyon ng sanggol. Kaya naman ang doktor ay maaaring magrekomenda ng pagsasagawa ng fetal echocardiography sa pagitan ng ika-18 at ika-22 na linggo ng pagbubuntis.

Fetal Echocardiography

Ang fetal echocardiography ay isang espesyal na uri ng ultrasound na nagpapakita ng apat na bahagi ng puso, maging ng outflow tracts. Batay sa mga ulat, maaari nitong matuklasan 60% hanggang 80% ng congenital heart disease. Subalit nasa 30% ang nananatiling hindi matutuklasan hanggang sa maipanganak ang sanggol. Kadalasang ang mga hindi natuklasang kaso ay hindi gaanong malubha.

Ang proseso habang isinasagawa ang fetal echocardiography ay katulad ng sa routine ultrasound.

Bakit Maaaring Irekomenda Ng Doktor Ang Echocardiography 

Katulad ng nabanggit kanina, maaaring irekomenda ang fetal echo kung may lumabas sa resulta ng routine ultrasound. Ngunit may iba pang mga kaso kung saan ito kinakailangan:

  • Ang pamilya ang may kasaysayan ng congenital heart disease, partikular na kung ang isa pang bata sa pamilya ay mayroon ding CHD.
  • Ang ina ay umiinom ng tiyak na gamot na maaaring makapagpataas sa tyansa ng pagkakaroon ng congenital anomaly ng sanggol.
  • May iba pang kondisyong pangkalusugan ang ina, tulad ng diabetes, o nakuhang impeksyon.
  • Substance abuse ng ina
  • Kinakitaan ng problema ang resulta ng ibang fetal screenings
  • Ang sanggol ay nabuo sa pamamagitan ng assisted reproductive technology
  • Maaga ang maternal age ng ina

[embed-health-tool-due-date]

Pagtuklas Sa Sakit Matapos Ipanganak

Katulad ng nabanggit kanina, nasa 30% ng mga kaso ang nananatiling hindi matutuklasan hanggang sa maipanganak ang sanggol.

Matapos ipanganak ang sanggol, maaaring maghinala ang doktor ng congenital heart disease kung nakakita siya ng mga sintomas ng cardiac problem, partikular na ang cyanosis o ang pagiging kulay asul ng mga kuko, balat, at labi. Ito rin ay isang standard operating procedure na bantayan ang sanggol para sa iba pang senyales ng problema sa puso.

Key Takeaways

Ang congenital heart disease ay maaaring matuklasan habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa ng ina. Ang pinakakaraniwang proseso upang matuklasan ito ay ang fetal echocardiogram. Naipakikita nito ang apat na bahagi ng puso, maging outflow tract.

Matuto pa tungkol sa Problema sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prenatal Diagnosis of Congenital Heart Defects, https://www.cdc.gov/ncbddd/heartdefects/features/prenatal-diagnosis.html, Accessed July 6, 2022

Detection of a Heart Defect in the Fetus, https://www.heart.org/en/health-topics/congenital-heart-defects/symptoms–diagnosis-of-congenital-heart-defects/detection-of-a-heart-defect-in-the-fetus, Accessed July 6, 2022

Screening for fetal congenital heart disease, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5367993/, Accessed July 6, 2022

Congenital heart disease, https://www.nhs.uk/conditions/congenital-heart-disease/diagnosis/#:~:text=Congenital%20heart%20disease%20may%20initially,to%20confirm%20the%20exact%20diagnosis. Accessed July 6, 2022

Fetal Echocardiography, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=fetal-echocardiography-90-P01789, Accessed July 6, 2022

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Erika Rellora, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Spotting ng buntis: Isa ba itong maagang sintomas ng pagbubuntis?

Ano Ang Fetus In Fetu, At Bakit Nangyayari Ang Ganitong Pagbubuntis?


Narebyung medikal ni

Erika Rellora, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas