Ano ang hypospadias? Ang hypospadias ay isang kondisyon kung saan ang bukana ng urethra ay hindi matatagpuan sa dulo ng titi. Dahil urethra ang nagdadala ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan, prayoridad ang agarang paggamot sa mga malulubhang kaso nito. Mabuti na lamang, ang hypospadias ay maaaring ma-diagnose habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa ng ina, na nakatutulong sa maagang gamutan. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa prenatal diagnosis ng hypospadias at mga bagay na maaaring asahan ng mga magulang para sa gamutan at pagkontrol sa kondisyong ito.
Ano Ang Hypospadias?
Ano ang hypospadias? Ang hypospadias ay isang problema sa pagkapangangak ng mga sanggol na lalaki. Sa kondisyong ito, ang bukana ng urethra ay hindi matatagpuan sa dulo ng titi. Ito ay kadalasang nangyayari sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-14 linggo ng pagbubuntis.
Ang lokasyon ng bukana ng urethra ay nasaan man mula sa ibabang bahagi ng dulo ng titi hanggang sa scrotum. Narito ang mga uri ng hypospadias batay sa lokasyon:
- Subcoronal – Kung ang bukana ng urethra ay malapit lamang sa dulo ng titi
- Midshaft – Kung ang bukana ng urethra ay nasaan man sa katawan ng titi
- Penoscrotal – Kung ang bukana ng urethra ay nasa ibabang bahagi: sa bahagi kung saan ang katawan ng titi at ang scrotum ay nagtatagpo
Kung hindi ipagagamot, ang bata ay maaaring makaranas ng kahirapan sa pag-ihi, pabalik-balik na impeksyon, hindi normal na itsura ng titi, at problema sa ejaculation.
Mabuti na lamang, posible ang maagang gamutan dahil ang hypospadias ay maaaring ma-diagnose habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa ng ina.
Prenatal Na Diagnosis Ng Hypospadias
Napapansin ng mga doktor ang posibleng kaso ng hypospadias habang pinagbubuntis pa lamang ang sanggol sa pamamagitan ng ultrasound scans. Sa isang pag-aaral ng 32 scans, 25 ang nakitang may hypospadias, kung saan 18 ang may kumpirmadong kondisyon matapos maipanganak. Gayunpaman, ang routine ultrasound ay hindi kinabibilangan ng pagsusuri sa kondisyong ito. Kaya naman ang Congenital anomaly scan ay iminumungkahi sa 24-28 na linggo ng pagbubuntis.
Karaniwang naghihinala ang mga doktor ng hypospadias kung may makita silang “mapurol na dulo” na itsura sa titi ng sanggol. Kadalasan, sa scans, ang dulo ng titi ay patusok. Ang ilang findings na kaugnay ng hypospadias na makikita sa ultrasound scans ay ang mga sumusunod:
- Pag-ikli ng ventral at pagkurba ng titi. Ito ay kadalasang nangangahulugang chordee, isang kondisyon kung saan ang titi ay nakabaluktot kung tinitigasan.
- Nakalubog na itsura ng titi, nanganaghulugang ang titi ay lubhang maikli.
- Tulip sign, na kadalasang nangangahulugang malubhang kaso ng hypospadias. Nangyayari ito kung may transposition ng bahagi ng penosacral at kung ang titi ay nakabaluktot at matatagpuan sa pagitan ng scrotum fold.
- Lumilihis ang daloy ng ihi ng sanggol sa loob ng sinapupunan.
Pagkontrol Sa Pagbubuntis At Panganganak
Kung sa palagay ng doktor na ang iyong anak ay may hypospadias, anu-ano ang mga dapat mong asahan tungkol sa pagkontrol sa pagbubuntis at panganganak.
Ang unang bagay na maaaring sabihin ng doktor ay ang kondisyong ito ay kadalasang isolated finding. Ibig sabihin, sa karamihan ng mga kaso (higit sa 80%), hindi ito nangyayari nang may iba pang problema. Gayunpaman, ang posibilidad ng pagkakaroon ng problema sa pagkapanganak ay posible.
Mabuti na lamang, ang hypospadias ay hindi nakaaapekto sa resulta ng pagbubuntis. Ang oras at paraan ng panganganak ay patuloy na nakadepende sa kadalasang obstetrics findings ng doktor.
Gamutan Matapos Maipanganak Ang Sanggol
Operasyon ang pinakakaraniwang gamutan para sa hypospadias upang maitama ang problema. Sa maraming mga kaso, isang operasyon lamang ang kakailanganin ng sanggol. Gayunpaman, ang ilang uri ay mangangailangan ng higit sa isang operasyon.
Asahan ang mga konsultasyon sa surgeon para sa pagsusuri matapos ang operasyon. Matapos ito, ang bata ay maaaring kailanganing regular na dalhin sa urologist, partikular na kung para sa pagsasanay sa pag-ihi.
Key Takeaways
Ano ang hypospadias? Ang hypospadias ay isang kondisyon kung saan ang bukana ng urethra ay hindi matatagpuan sa dulo ng titi. Ito ay maaaring ma-diagnose habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa lamang ng ina, sa pamamagitan ng ultrasound scan. Gayunpaman, ang tiyak na diagnosis ay hindi posible maliban kung matapos maipanganak ang sanggol. Mabuti na lamang, hindi ito nakaaapekto sa resulta ng pagbubuntis. Kadalasan, sapat na ang isang operasyon upang magamot ang kondisyon.
Matuto pa tungkol sa mga Problema sa Pagbubuntis dito.