Ang pagbubuntis ay kadalasang may kasamang matinding pagduduwal at pagsusuka. Gayunpaman, habang ang maraming sintomas ay kaya ng katawan, ang iba ay nakangangamba at kinakailangan ng medikal na atensyon. Ang isa sa mga ito ay ang Hyperemesis gravidarum. Ano ito?
Ang hyperemesis gravidarum ay iba pa sa morning sickness. Halika’t alamin natin ang kaibahan ng dalawang kondisyon na ito.
Ano Ang Hyperemesis Gravidarum?
Ang hyperemesis gravidarum ay isang kondisyon na higit pa sa morning sickness na normal na nararanasan sa pagbubuntis. Sa morning sickness, ang pagduduwal ay mararanasan sa loob ng pagsapit ng ika-9th na linggo, at madalas nawawala pagsapit ng ika-12thlinggo. Sa kabilang dako, kung ang pasyent ay masasabing nakararanas ng hyperemesis gravidarum kapag sya ay may malalang pagsusuka sa pagbubuntis na mas matagal kesa morning sickness. Nawawala lang ito pagsapit ng ika-20th na linggo. Hindi ito mabuti, lalo na sa mga kaso ng mga buntis na kinakailangan panatilihin ang maximum na nutrisyon.
Isa pang malaking pagkakaiba na dapat tandaan ng dalawang kondisyong ito ay ang dating nararanasan. Matapos ang 12 na linggo, ang mga may morning sickness ay maaaring makaranas ng kaunting pagbabago pagdating sa pagkawala ng gana na normal lang. Sa kabilang banda, sa kaso ng hyperemesis gravidarum, ang buntis ay walang gana sa kabuuan. Ito ay hahantong sa mabilis na pagbawas ng timbang at dehydration, na hindi mabuti habang nagbubuntis.
Ano Ang Mga Sintomas ng Hyperemesis Gravidarum?
Ang kondisyon na ito ay kadalasang nagsisimula sa unang trimester ng pagbubuntis. Dahil ang mga sintomas nito ay kadalasang nararanasan sa normal na pagbubuntis, maaaring mapagkalaman itong morning sickness. Ang susi ay bigyang-pansin ang severity nito.
Ito ang mga karaniwang sintomas ng naturang kondisyon:
- Malalang pagsusuka na sapilitan dahil sa matinding pagduduwal
- Anemia
- Sakit ng ulo
- Mataas na lebel ng saliva secretion
- Sobrang pagkahilo at panghihina
- Pagiging dilaw ng mga mata at balat, senyales ng oncoming jaundice
- Mababang presyon ng dugo
- Palaging naguguluhan
Tandaan din kung ang dalas ng pagsusuka ay higit sa apat na beses kada araw, tiyak na mayroon nang problema. Ang labis na pagsusuka na humahantong sa pagkahilo at dehydration ay kinakailangan ding maimbestigahan. Gayundin, laging bantayan ang timbang. Kung may pagbawas sa timbang na higit sa 5 kg ay dapat na ito ipacheck-up. Ito ay nakababahala at hindi sintomas ng malusog na pagbubuntis.
Ano Ang Mga Sanhi Ng Hyperemesis Gravidarum?
Upang madaling maunawaan, inilista at isinaad sa ibaba ang mga sumusunod na dahilan ng nasabing kondisyon:
- Panganganak nang marami tulad ng kambal, triplets, etc.
- Kung ang nilalaman ng upper small intestine ay umakyat pabalik sa tiyan
- Hydatidiform mole, halimbawa ay ang kondisyon kung saan ang uterus ay nagkakaroon ng paglaki ng abnormal tissue sa loob nito
- Abnormal na proseso ng peristalsis, na ibig sabihin na mayroong depekto sa paraan ng paggalaw ng mga nilalaman ng tiyan
- Pagtaas ng lebel ng hormones
- Pagtaas ng lebel ng blood thyroxine
- Hindi normal na function ng atay
- Kakulangan sa zinc at pyridoxine
- Helicobacter pylori infection na nagiging sanhi ng ulcers sa tiyan
- Problema sa loob na parte ng tenga
Kinakailangan na tandaan na wala pang patunay na mga dahilan ng hyperemesis gravidarum. Gayunpaman, ang mga nakalista sa taas, kahit na ito ay hindi ganap, ay nagbibigay ito ng ideya para sa mga dahilan ng kondisyon. Importanteng tandaan: ang mga sintomas na ito ay kalakip o nagaganap habang nagbubuntis. Kung nakararanas ka ng ilan sa mga ito ng hindi ka buntis ay nangangahulugan ito na ikaw ay may ibang sakit na dapat maipa-check.
Mga Banta at Komplikasyon
Bagaman nabanggit na ang mga dahilan sa likod ng kondisyon, kinakailangan din na malaman ang mga tiyak na banta. Ang mga sumusunod ay risk factor na nakadaragdag ng tyansa magkaroon ng hyperemesis gravidarum:
- Ang mga nagdadala ng maraming mga sanggol sa sinapupunan hanggang sa buong term
- Unang beses na maging nanay
- Ang nagdurusa sa sakit na trophoblastic disease
- Sobra sa timbang na mga nanay
- Ang mga nakaranas mula sa kondisyon ng maagang pagbubuntis
- May genetic history na kondisyon
Ang mga nabanggit ay may mga banta na magkakaroon ng hyperemesis gravidarum ang pasyente at kinakailangan na i-monitor.
Hindi dapat na isantabi na lamang ang kondisyong ito. Mahalaga na malunasan ito dahil pwedeng magdulot ito ng kapahamakan sa nanay at sa hindi pa isinisilang na sanggol. Narito ang ilang mga komplikasyon na pwedeng idulot ng kondisyong ito. Ang iba rito ay maaaring magkaroon ng pangmatagalang implikasyon.
- Collapsed lung
- Sakit sa atay
- Pagkabulag
- Pagkasira ng esophagus dahil sa malalang pagsusuka
- Seizures
- Pagkakaroon ng blood clot
- Kidney failure
- Coma
Ang mga kondisyon na ito, kung hindi magagamot, ay maaaring maging delikado para sa parehong nanay at bata. Mahalaga na panatilihin ang pagbabantay sa kalusugan nang malunasan ito.
Diagnosis ng Hyperemesis Gravidarum
Kadalasan, ang doktor ay magtatanong ng mga routine question tungkol sa medikal at genetic na history kasama ng pagtingin sa mga sintomas. Susundan ito ng kadalasang pisikal na eksaminasyon. Ang doktor ay titignan ang mga senyales ng dehydration, hindi normal na bilis ng pulso, o mas mababang presyon ng dugo.
Ang sample ng dugo at ihi ay ia-analyze din gamit ang complete blood count, lebel ng electrolytes, at urine ketones upang makumpira ang diagnosis. Kung ikaw ay sumasailalim sa pagbubuntis nang marami, kinakailangan din ng ultrasound.
Lunas
Ang malalang sintomas ay kinakailangan ng pagpapaospital. Samantalang ang mas katamtamang sintomas ay maaaring magamot sa bahay. Ilan sa mga pinakasikat na rekomendasyon ay ang mga sumusunod:
- Intravenous o IV fluids upang malabanan ang dehydration
- Pressure-point wristbands o luya o peppermint upang malabanan ang labis na pagduduwal
- Sa mga malalang kaso, ang parenteral nutrition ay inilalagay sa pamamagitan ng IV solution
- Complementary therapies tulad ng acupuncture, hypnosis, at masahe ay maaaring subukan kung pinayagan ng doktor.
- Kung ang pagsusuka at pagduduwal ay hindi natigil sa pagsasagawa ng mga preventive measures, ang iyong doktor ay magrereseta ng angkop na gamot.
- Sa halip na mabibigat na pagkain, kumain ng kaunti pero walang lasang snacks upang malabanan ang matinding sensasyon ng panlasa.
Tandaan na ang mga ito ay iba-iba depende sa pasyente, sa pagiging malala ng kaso, at ang banta na kabilang dito. Sa kahit na anong kaso, mainam na laging kumonsulta sa medikal na propesyonal. Huwag magself-medicate.
Ang kondisyon ay kadalasang nawawala matapos ang panganganak. Gayunpaman, ang postpartum recovery ng isang babae na nakaranas nito ay mas mahaba kaysa sa mga hindi nakaranas. Bukod pa rito, kung hindi magagamot ay maaari itong makamatay habang nasa panahon ng pagbubuntis o kahit pagkatapos nito.
Ang pinaka mainam na paraan upang labanan ang hyperemesis gravidarum ay maging may malay at alerto sa tindi ng iyong mga sintomas. Sa oras na maramdaman mo na ang mga sintomas ay mas tumitindi, ipaalam agad sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa problema sa pagbubuntis dito.