backup og meta

Ano ang Eclampsia, at Ano ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Ano ang Eclampsia, at Ano ang Dapat Gawin Tungkol Dito?

Ang komplikasyon sa pagbubuntis ay ang pinaka iniiwasan ng mga magiging nanay. At sa mga ito, ang isa sa pinaka inaalala ay ang eclampsia. Alamin ang marami pa tungkol sa kung ano ang eclampsia sa pagbubuntis at bakit kailangan mo ng agarang atensyong medikal para sa kondisyong ito.

Ano ang Preeclampsia?

Ang preeclampsia ay isa mga pregnancy-related hypertensive disorders. Kung ang inaasahan ang maging nanay ay mayroong preeclampsia, ang karaniwang napag-alaman ay:

Mataaas na presyon ng dugo

Protina sa ihi

Pamamaga ng mga kamay, mga paa, mga hita at minsan ay ang buong katawan

Kung ang preeclampsia ay hindi agarang magagamot, mangyayari ang eclampsia.

Ano ang Eclampsia?

Ang eclampsia ay nangyayari kung ang preeclampsia ay lumala at nakaapekto sa utak, na hahantong sa seizures at hindi maipaliwanag na coma. Ang seizure ay hindi normal na electrical disturbances sa utak na nagiging sanhi ng hindi normal na paggalaw at pagbabago ng pag-uugali.

Ikinokonsidera ng mga doktor ang eclampsia na isang medical emergency. Ang inaasahang maging nanay ay hindi lamang nanganganib ngunit maging ang hindi pa isinisilang na sanggol.

Ang eclampsia ay nangyayari lamang sa 1-2% ng mga buntis. Gayunpaman, ito ay maaaring nakamamatay para sa parehong nanay at sanggol. Mahalaga na agarang sabihin ang inaalala.

Bakit Nangyayari ang Eclampsia?

Ngayong alam na natin kung ano ang eclampsia, importanteng malaman kung bakit ito nangyayari.

Ang eclampsia ay mas laganap sa mga batang ina, mga first time na nanay, at madali itong nalalaman sa kanilang kaso. Hanggang ngayon, ang dahilan ng pagkakaroon ng eclampsia ay hindi pa rin alam, ngunit ang kaso ng preeclampsia ay maaaring kaugnay nito.

Kung ang placenta ay hindi nagtagumpay na madikit nang maayos sa walls ng uterus, mangyayari ang preeclampsia. Iba pang mga salik na maaaring maging sanhi ng abnormality ay kabilang ang:

  • Napinsalang blood vessels
  • Tiyak na genes ng nanay o tatay
  • Immunity ng nanay
  • Iba pang mga kondisyon na mayroon ang nanay tulad ng mataas na presyon ng dugo o diabetes

Ang preeclampsia ay nalalaman sa ika-20 linggo ng pagbubuntis at higit pa at nakaapekto ng 2 hanggang 8 sa sampung mga babae.

Kung marami pang mga tanong tungkol sa sanhi ng eclampsia, kumunsulta sa iyong doktor.

ano ang eclampsia

Ano ang Eclampsia symptoms na dapat bantayan?

Dahil ang eclampsia ay may kaugnayan sa preeclampsia, maaari kang makaranas ng mga sintomas bago mangyari ang seizure:

  • Pamamanas o pamamaga ng mga kamay, paa, binti, mukha: sa mga malalang kaso, ang buong katawan
  • Labis na sakit sa ulo
  • Sakit sa itaas na bahagi ng tiyan
  • Pagbabago ng paningin tulad ng pansamantalang pagkabulag, malabong paningin, at photophobia. Ang mga pagbabagong ito ay pansamantala lamang at ganap na mababalik.
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Sakit sa uterus

Kung nakararanas ng mga ito, agad na tawagan ang iyong doktor upang makatanggap ng atensyong medikal. Kung kinakailangan ng mas maraming impormasyon tungkol sa mga posibleng sintomas ng eclampsia, huwag mag-alinlangang magtanong sa doktor.

Paano Gamutin ang Eclampsia?

Ang eclampsia ay isang medical emergency na kinakailangan ng agarang atensyon. Ang mga lunas sa eclampsia ay kinakailangang isagawa sa lalong madaling panahon upang mahinto ang seizure ng nanay, upang ma-regulate ang mataas na presyon ng dugo, at mailabas nang ligtas ang sanggol.

Maaaring magbigay ng magnesium sulfate ang doktor sa nanay upang mapigilan ang nangyayaring seizures at mapigilan pa ang mga susunod. Maaari ring magbigay ang doktor ng mga gamot sa hypertension upang ma-modulate ang presyon ng dugo at dose ng gamot sa labor upang makatulong sa ligtas na paglabas ng sanggol.

Laging tandaan na uminom lamang ng mga gamot at tumanggap ng lunas na mula at inireseta ng mga pinagkakatiwalaang medikal na propesyonal.

Paano Maiiwasan ang Eclampsia sa Pagbubuntis?

Upang maiwasan ang posibleng banta ng pagkakaroon ng eclampsia, mainam na sumailalim sa pagsusuring medikal upang malaman nang maaga ang komplikasyon sa pagbubuntis. Kung ikaw ay nakararanas ng preeclampsia, gamutin ito sa lalong madaling panahon upang hindi na magresulta ng eclampsia.

Ang pagkakaroon ng regular na check-ups, patuloy na pag-inom ng prenatal na gamot, at patuloy na pagkakaroon ng balanseng diet habang nagbubuntis ay nakababawas ng banta na magkaroon ng komplikasyon tulad ng eclampsia.

Mahalagang Tandaan

Kung ikaw ay buntis, bigyan ng pansin ang iyong kabuuang kalusugan. Alamin kung ano ang eclampsia at mga iba pang posibleng komplikasyon. Ito ay upang makasiguro na ligtas at malusog ang pagbubuntis para sa iyo at sa iyong sanggol.

Para sa mas marami pang impormasyon tungkol sa eclampsia sa pagbubuntis, humingi ng payo mula sa medikal na propesyonal.

Matuto pa tungkol sa pagiging buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Preeclampsia, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/preeclampsia/symptoms-causes/syc-20355745, Accessed January 25, 2021

Preeclampsia and eclampsia: A to Z, https://www.health.harvard.edu/a_to_z/preeclampsia-and-eclampsia-a-to-z, Accessed January 25, 2021

Eclampsia, https://emedicine.medscape.com/article/253960-overview0899.htm, Accessed January 25, 2021

Eclampsia Overview, https://emedicine.medscape.com/article/253960-overview, Accessed January 25, 2021

Preeclampsia, https://www.tommys.org/pregnancy-information/pregnancy-complications/pre-eclampsia-information-and-support, Accessed January 25, 2021

 

Kasalukuyang Version

10/27/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Bakit Mahalaga Ang Bed Rest Para Sa Mga Buntis?

Malabong Linya sa Pregnancy Test: Positibo ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement