backup og meta

Fluimucil para sa Buntis, Safe nga ba?

Fluimucil para sa Buntis, Safe nga ba?

Kahit na gaano kaingat ang inaasahang maging nanay, maaari pa ring maranasan ang kondisyon sa respiratory na sanhi ng pagdami ng makapal na plema. Kadalasan, maaaring magpahirap ito ng paghinga at pagtulog. Kaya’t ang mga tao ay umiinom ng gamot tulad ng fluimucil. Ngunit, ligtas ba ang fluimucil para sa buntis? 

Ano ang Fluimucil?

Naglalaman ang fluimucil ng acetylcysteine, isang mucolytic o substance na nakatutulong na mag-break down ng makapal na plema na sanhi ng sipon, upang ang mga pasyente ay maaaring ilabas ito nang mas madali.

Madalas nagbibigay ang mga doktor ng fluimucil sa mga tao na may bronchitis (inflammation ng mucus membrane sa airways), emphysema, cystic fibrosis, at bronchiectasis.

Ang fluimucil ay nasa porma ng powder o tableta, na kailangan na matunaw sa tubig.

Ligtas ba ang Fluimucil para sa mga Buntis?

Kung ang isang buntis ay nakaranas ng makapal na plema, ligtas ba para sa kanya na inumin ang fluimucil?

Sa kasamaang palad, wala tayong sapat na impormasyon upang masagot ang mga tanong: ligtas ba ang fluimucil para sa buntis?

Nagpakita ng resulta ang animal studies na ang mga gamot ay hindi nagiging sanhi ng direkta o hindi direktang pinsala sa buntis o sa baby pagkapanganak o matapos maipanganak.

Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na ang mga buntis ay iwasan ang fluimucil maliban kung natukoy ng doktor na ang benepisyo ay mas matimbang kaysa sa potensyal na banta.

Pareho ang rule sa mga nagpapasusong magulang dahil walang impormasyon dito kung ang fluimucil ba ay nailalabas sa suso. Depende sa matutukoy ng doktor, maaaring ihinto ng nanay ang pagpapasuso o iwasan ang pag-inom ng Fluimucil.

Paano Naman ang Ibang Mucolytics

Ligtas ba ang fluimucil para sa buntis? Sa pangkalahatan, ang mga inaasahan na maging nanay ay kailangan na iwasan ang fluimucil maliban na lamang kung binigyan ng reseta ng doktor.

Ngayon, ang tanong, paano naman ang ibang mucolytics? Maliban sa acetylcysteine, ang ambroxol, carbocysteine, at bromhexine ay porma rin ng mucolytics. Ligtas ba ang mga ito sa mga pasyente na buntis?

Bromhexine: Ang mga buntis at nagpapasuso ay kailangan ng espesyal na pag-iingat. Kaya’t huwag uminom ng kahit na anong gamot na naglalaman ng bromhexine na walang pahintulot ng doktor. Gayundin, kasama sa espesyal na pag-iingat ay ang mga pasyenteng may asthma, peptic ulcer, at malalang renal at hepatic impairment.

Carbocisteine: Ang Carbocisteine ay mas karaniwan na mucolytic kaysa sa fluimucil. Gayunpaman, ang mga buntis at nagpapasusong magulang ay hindi dapat inumin ang gamot na ito. Sa katunayan, nabanggit ng pag-uulat na huwag itong inumin kung ikaw ay nagpaplano na mabuntis. Kabilang ang ibang kontradiksyon na allergy sa gamot na ito at history o pagkakaroon ng ulcer sa tiyan.

Ambroxol: Tulad ng Carbocisteine, ang Ambroxol ay isa ring karaniwang mucolytic, ngunit maaari ba itong inumin ng mga buntis kung sila ay may makapal na plema? Ayon sa pag-uulat hindi ligtas na uminom ng ambroxol sa unang trimester. Ito rin ay lumalabas sa gatas ng ina, kaya’t ang mga nagpapasuso ay hindi dapat itong inumin. Ang iba pang dapat alalahanin ay ang pagkakaroon ng allergy sa ambroxol o bromhexine at mga lactose intolerance.

Paano Matatanggal ang Makapal na Plema Kung Ikaw ay Buntis

Ligtas ba ang Fluimucil para sa buntis? Sa katunayan, hindi ito ligtas liban na lang kung ikaw ay may payo mula sa doktor. Ganoon din sa ibang mga mucolytics, tulad ng bromhexine, carbocisteine, at ambroxol.

Kaya’t, paano matatanggal nang ligtas ang makapal na plema kung ikaw ay buntis? Ang pinakamainam na aksyon ay konsultahin ang iyong doktor. Sa ganitong paraan, malalaman mo eksakto ang sanhi ng pagdami ng plema at maaari silang magreseta ng ligtas at epektibong gamot.

Ang mga sumusunod na tips ay maaaring makatulong:

  • Uminom ng maraming tubig
  • Panatilihing moist ang hangin. Makatutulong ang paggamit ng humidifier
  • Iduwa ang plema kung umubo. Huwag itong pilitin.
  • Magmumog ng mainit na tubig na may asin
  • Damihan ang pagkonsumo ng prutas at gulay

Key Takeaways

Ang fluimucil ay isang mucolytic na nakatutulong na mag-break down ng plema upang mailabas ito nang madali. Ngunit, ligtas ba ang fluimucil para sa buntis? Sinasabi ng mga eksperto sa pangkalahatan na ito ay hindi ligtas maliban na lamang kung natukoy ng doktor na mas matimbang ang benepisyo ng gamot kaysa sa potensyal na banta.

Matuto pa tungkol sa Pagbubuntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mucolytic Medications, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559163/, Accessed January 9, 2021

Fluimucil, https://www.mims.com/philippines/drug/info/fluimucil?type=full, Accessed January 9, 2021

NACSYS 600 mg EFFERVESCENT TABLETS, https://www.medicines.org.uk/emc/files/pil.8576.pdf, Accessed January 9, 2021

Bromhexine, https://www.mims.com/philippines/drug/info/bromhexine?mtype=generic, Accessed January 9, 2021

Carbocisteine, https://www.nhs.uk/medicines/carbocisteine/, Accessed January 9, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement