backup og meta

Buko Juice Para Sa Buntis, Ano Ang Naitutulong Nito?

Buko Juice Para Sa Buntis, Ano Ang Naitutulong Nito?

Ang buko juice para sa buntis ay mayaman sa carbohydrates at electrolytes— kabilang ang sodium, potassium, at magnesium. Isa rin na sikat na inumin sa buong mundo ang buko juice sa loob ng maraming siglo dahil sa marami nitong benepisyo sa kalusugan. Itinuturin ding ito bilang isang magandang alternatibo para sa mga inumin tulad ng tsaa, kape, at cold drinks. Hindi maitatanggi na ang  coconut water ay puno ng nutritional benefits. Ngunit ligtas bang uminom ng coconut water sa panahon ng pagbubuntis?

Ligtas bang uminom ang coconut water sa panahon ng pagbubuntis?

Pinipigilan ng coconut water ang impeksyon sa ihi, pinapabuti ang panunaw ng tao at tumutulong para hindi ma-dehydrate ang isang indibidwal, at tumutulong din ito para ma-reduce ang presyon ng dugo ng isang tao. Dagdag pa rito, malaki rin ang nagiging ambag ng buko juice sa pag-iwas sa pagkakaroon ng kidney stone at mga panganib sa heart risk. 

Ang pakiramdam ng pagod at exhaustion ay karaniwan sa pagbubuntis at para mawala ang pakiramdam na ito inirerekomenda ang coconut water para sa pag-inom. Pero dapat mong tandaan na kinakailangan na inumin ito sa katamtamang dami para maging ligtas.

Sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis, ang coconut water ay kapaki-pakinabang dahil nakakatulong ito para mapuksa ang dehydration at maiwasan ang constipation.

Mga benepisyo sa nutrisyon ng coconut juice

Ang isang cup ng coconut water ay naglalaman ng mga sumusunod na benepisyo sa nutrisyon:

  • Calories – 46
  • Sodium – 252 mg
  • Potassium – 600 mg
  • Carbohydrates – 8.9 grams
  • Dietary fiber – 2.6 grams
  • Sugar- 6.26 gramo
  • Calcium- 6 percent

Mga benepisyo ng buko juice para sa buntis

  • Ang pag-inom ng buko juice sa panahon ng pagbubuntis ay naniniwalang nakakatulong sa pagbawas sa impeksyon sa ihi dahil ito ay mayaman sa mineral, potassium at magnesium. Nakakatulong ito para linisin ang daanan ng ihi at maiwasan ang kidney stones.
  • Karaniwan ang hormonal changes sa panahon ng pagbubuntis at ang mga pagbabagong ito ay nagreresulta sa ilang mga isyu tulad ng constipation, heartburn, at indigestion. Kaya naman malaking tulong ang dietary fiber content sa buko juice para mapabuti ang panunaw at ma-prevent ang constipation. 
  • Nakakatulong ang buko juice sa pag-regulate ng presyon ng dugo dahil mayaman ito sa potassium, magnesium, at lauric acid.
  • Dahil ito ay isang natural drink— ang anumang added preservatives o flavors ay hindi nakakasama sa’yong baby.
  • Pinipigilan ng coconut water ang dehydration sapagkat ang pagiging hydrated ay nakatutulong para mas mapabuti ang balat at elasticity nito. Ang buko juice para sa buntis ay maaari ring makatulong para mapababa ang posibilidad ng stretch marks.

Mga side effect ng buko juice para sa mga buntis

  • Ang buko juice ay naglalaman ng sodium. Kaya naman ang mga babaeng may pre-eclampsia ay dapat umiwas sa pag-inom ng coconut water.
  • Laging tandaan din na ang mga buntis na dumaranas ng mataas na presyon ng dugo ay hindi pinapayuhan na uminom ng coconut water.
  • Kung mayroon kang anumang sakit sa bato, kumunsulta sa’yong doktor bago uminom ng buko juice o coconut water.

Gaano karaming coconut water ang kailangan para maging sapat?

Ang isang basong buko juice para sa buntis ay sapat na at lagi mong ubusin ang freshwater, at iwasang uminom ng de-lata o de-boteng coconut water.

Bagay na dapat tandaan

  • Bago uminom ng coconut water sa regular basis, mas mainam na palaging kumunsulta sa’yong doktor.
  • Ang pagmo-moderate ng pag-inom ay dapat ugaliin at ang pagkonsumo ng mas maraming coconut water ay maaaring humantong sa kawalan ng balanse ng electrolyte sa’yong katawan.
  • Siguraduhin na palagi kang nagko-consume ng fresh coconut at iwasan ang pag-inom ng coconut water na may dagdag na lasa at preservatives.
  • Laging gumamit ng malinis na straw para ubusin ang coconut water at maaari mo ring ibuhos ang inumin sa isang baso at pagkatapos ay inumin ito.

Paano pumili ng tamang niyog o coconut

Para ma-enjoy ang pinakamataas na benepisyo ng coconut water kailangan mong pumili ng fresh coconut at sundin ang mga simpleng hakbang na ito para makuha ang tamang coconut para sa’yo. Pumili ng niyog na katamtaman ang laki at berde ang kulay, at iwasan ang mga may kayumangging shell.

Kalugin nang malakas ang niyog at tingnan kung mayroon itong sapat na tubig at habang umiinom ng coconut water, suriin kung ang tubig ay hindi maasim at iwasan din ang mga niyog na naglalaman ng white tender substances.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What are the benefits of drinking coconut water during pregnancy/https://www.babycenter.in/x1019315/what-are-the-benefits-of-drinking-coconut-water-during-pregnancy/Accessed on 18/11/2019

Drinking Coconut Water During Pregnancy: 12 Benefits & 3 Myth/https://www.momjunction.com/articles/benefits-of-drinking-coconut-water-while-pregnant_00377645/#gref/Accessed on 18/11/2019

Drinking Coconut Water During Pregnancy/https://parenting.firstcry.com/articles/drinking-coconut-water-during-pregnancy/Accessed on 18/11/2019

Kasalukuyang Version

06/02/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Prenatal Vitamins Para Sa Buntis: Mahalagang Micronutrients

Anu-Ano Ang Mga Posibleng Matuklasan Sa Fetal Biometry?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement