backup og meta

Pamamanas ng Buntis: Bakit ito Nangyayari at Ano ang Solusyon dito?

Pamamanas ng Buntis: Bakit ito Nangyayari at Ano ang Solusyon dito?

Kung ikaw ay mabuntis, ang iyong tiyan ay lalaki nang kasing laki ng isang pakwan. Ngunit liban sa iyong tiyan, ang mga paa mo rin kasama ng buo mong katawan ay lalaki. Ito ay tinatawag na pamamanas ng buntis. 

Ang pamamanas ng buntis ay nararanasan ng 3/4 ng mga buntis. Ito ay normal na magsisimula sa Week 22 hanggang Week 27 ng pagbubuntis. Sa normal, ito ay nagtatagal hanggang makapanganak ang isang babae.

Dahilan ng Pamamanas ng Buntis

Ang pamamanas ng buntis ay nangyayari dahil sa mataas na body fluids na na-produce upang pangalagaan ka at ang sanggol.

Ito rin ay nangyayari dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo sa iyong tissues pati na rin ang pressure ng lumalaki mong uterus sa pelvic veins at vena cava, na malaking vein sa kanang bahagi ng katawan. Ito ang responsable sa pagbabalik ng dugo mula sa iyong lower limbs papuntang puso.

Ang mild na pamamanas ay maaaring maranasan sa mukha, kamay, mga binti, bukong-buko, at mga paa. Ang dagdag na fluid sa katawan ay nakatutulong sa pagtaas ng volume ng dugo. Ito ay tumutulong sa pagdala ng nutrisyon sa lumalaking sanggol.

Isa pang sanhi ng pagmamanas ay kung ikaw ay nadagdagan ng timbang nang mas mabilis kaysa sa ideal na timeframe. Ang pamamanas ng buntis ay nasa 25% ng timbang ng babae na nadaragdag habang nagbubuntis.

Iba pang mga Salik na Sanhi ng Pamamanas ng Buntis

May iba ring mga salik na nakaaapekto ng pamamaga na nararanasan sa pagbubuntis. Ilan sa mga ito ay maaaring maging malala ngunit ang pag-alam ng mga salik ay makatutulong na maiwasan ito.

Pagtayo sa Mahabang Oras

Ang pagtayo sa mahabang oras habang buntis ay makapagpapa-strain ng iyong likod at magiging sanhi ng pagmamanas o pamamaga ng mga paa, na maaaring maging hindi komportable.

Mataas na Lebel ng Sodium

Hindi na kailangan na limitahan ang pagkonsumo ng sodium habang nagbubuntis, ngunit tandaan na kung mayroon kang mataas na lebel ng sodium, ito ay magiging sanhi ng pananatili ng sobrang fluid. Ibig sabihin nito na makadaragdag ito sa retention na natural na kasama sa pagbubuntis.

Exposure sa Init

Ang init ay maaaring maging dahilan ng paglaki ng blood vessels. Ang gravity ay naghahatak pababa ng dugo papunta sa iyong mga paa, na nagiging dahilan ng pamamaga ng paa. Kung ikaw ay nakatayo o nakaupo sa mahabang oras, mas mapaiigting pa lalo ito.

Paano Mapigilan ang Pamamanas ng Buntis

May mga paraan upang mapigilan ang pamamanas ng buntis. Maliban sa pag-iwas sa ibang mga salik na nakalista sa itaas, maaari mo ring sundin ang mga sumusunod:

Iwasan ang Pagsusuot ng Masisikip na Damit o Medyas

Ang layunin ay hayaang dumaloy ang fluids at dugo nang maayos sa iyong katawan at paa upang hindi maging sanhi ng hindi kinakailangan na pamamaga.

Huwag Magsuot ng Heels o Hindi Komportableng Sapatos

Sa halip, magsuot ng mga sapatos na medyo loose, flat, at komportable para sa iyo. Ang orthopedic na mga sapatos ay mainam para sa iyo o orthopedic inserts dahil nakatutulong ito sa pagdaloy ng dugo sa paa.

Itaas ang iyong mga Binti

Kung ikaw ay lumabas, mag freshen up pagkauwi mo, ilagay ang iyong mga paa sa pader at itaas ito ng ilang mga minuto. Ito ay nakatutulong sa pagdaloy ng dugo at pag-relax ng iyong mga muscles.

Tagilid na Pagtulog

Kung hindi mo pa nasisimulan na matulog sa iyong kaliwang bahagi, ngayon ang panahon. Ang pagtulog sa kaliwang bahagi ay nagpipigil ng gravid uterus mula sa pag-compress ng vena cava na makikita sa iyong kanang bahagi. Ang pagdaloy ng dugo ay hindi napipigilan, samakatuwid, ang akumulasyon ng fluid ay iniiwasan.

Igalaw ang iyong Katawan

Ang inaprubahang ehersisyo sa buntis ay mainam sa pagpapanatili ng iyong katawan sa pagkilos at makasisiguro na ang iyong dugo ay dumadaloy sa halip na nagtitipon na nagreresulta sa pamamaga.

Magsuot ng Suportang Hose

Ang pagsusuot ng stockings o pantyhose na sakto at komportable sa umpisa ng araw ay makatutulong sa pagbawas ng pamamaga.

Uminom ng Maraming Tubig

Bagaman tila kakaiba na mag-imbak ng tubig kung nagpapanatili ka na ng maraming tubig, ang pag-inom ng 8 hanggang 10 mga baso ng tubig ay nakakapag flush out ng sodium. Ang hydration ay nagfu-flush out din ng ibang mga dumi na nagiging sanhi ng pamamaga. 

Kumonsumo ng Asin na may Moderasyon

Ang maraming asin o kakaunti ay magpapalala ng pamamaga kaya’t kumonsumo ng asin na may moderasyon, iyong sapat lang upang magdagdag lasa sa pagkain, ngunit hindi marami dahil magreresulta ito ng mas maraming pananatili ng fluid.

Cold Compress

Maaari ka ring maglagay ng cold compress sa namamagang bahagi upang makatulong mapaliit ang pagmamanas ng buntis.

Lumangoy 

Kung may access sa pool at makakuha ng pag-apruba mula sa doktor, maaari kang lumangoy, dahil ang pressure mula sa tubig ay makatutulong upang ma-flush down ang pamamaga ng paa.

Kailan Tatawag ng Doktor

Bagaman ang pagmamanas ng buntis ay karaniwan, may mga tiyak na sitwasyon na kinakailangang magpatingin sa doktor. Kung napansin ang ano man sa mga sumusunod, agad na tawagan ang iyong doktor:

  • Kung ang kahit na anong parte ng iyong mukha, mga mata, kamay, o mga paa ay nagkaroon ng malalang pamamaga na nagpo-produce ng malalim na paglubog kung pipisilin.
  • Ang pamamaga ay mas halata sa mukha.
  • Kung naranasan na lumabo ang paningin.
  • Mayroong malalang sakit ng ulo na hindi mawala.
  • Kung nahihirapang huminga.
  • Ang iyong presyon ng dugo ay mas mataas o nasa 140/90
  • Kung ikaw ay nagkakaproblema sa pag-ihi

Kung ano man dito ang mangyari, mainam na agad na tawagan ang iyong doktor.

Mahalagang Tandaan

Bagaman ang pagmamanas habang buntis ay maaaring maging hindi komportable, ito lamang ay magtatagal hanggang sa makapanganak.

Sa paglipas ng panahon, ang iyong mukha, leeg, mga kamay, at mga paa ay babalik din sa normal. Ito, kasama ng iba pang mga pagbabago ay parte lamang ng proseso upang magbigay daan sa lumalaking sanggol at ihanda ang iyong katawan sa panganganak.

Alamin ang marami pa tungkol sa Pagiging Buntis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Swelling During Pregnancy, https://americanpregnancy.org/pregnancy-concerns/swelling-during-pregnancy/, Accessed 20 May 2020

Swelling in the Third Trimester: What’s Normal, When to Worry, What to Do, https://www.lamaze.org/Giving-Birth-with-Confidence/GBWC-Post/swelling-in-the-third-trimester-whats-normal-when-to-worry-what-to-do, Accessed 20 May 2020

Can Pregnant Women Do Anything to Reduce or Prevent Swollen Ankles? https://kidshealth.org/en/parents/ankles.html, Accessed 20 May 2020

Things That Make You Swell When You’re Pregnant, https://www.unitypoint.org/livewell/article.aspx?id=e668bf44-c376-459e-b263-41f48810373a, Accessed 20 May 2020

Swelling During pregnancy, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/swelling-during-pregnancy, Accessed 20 May 2020

Lower-Extremity Edema During Late Pregnancy, https://www.msdmanuals.com/professional/gynecology-and-obstetrics/symptoms-during-pregnancy/lower-extremity-edema-during-late-pregnancy, Accessed 20 May 2020

Best Sleep Positions During Pregnancy, https://www.sleep.org/articles/best-pregnancy-sleep-position/#:~:text=Sleeping%20on%20Your%20Side.&text=Be%20sure%20to%20keep%20your,ankles%2C%20feet%2C%20and%20hands., Accessed 20 May 2020

Kasalukuyang Version

06/30/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Pagkaing Maaaring Makasama Sa Sanggol Sa Tiyan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement